Huwebes, Agosto 20, 2026

SHARE THE TRUTH

 415 total reads

Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan

Ezekiel 36, 23-28
Salmo 50, 12-13. 14-15. 18-19

Kayo’y aking wiwisikan
upang sala’y mahugasan.

Mateo 22, 1-14

Memorial of St. Bernard, Abbot and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 36, 23-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ipakikita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa. Makikilala ng lahat na ako ang Panginoon kung maipakita ko na sa kanila ang aking kabanalan. Titipunin ko kayo mula sa iba’t ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan. Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyusan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos. Ititira ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Kayo ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 12-13. 14-15. 18-19

Kayo’y aking wiwisikan
upang sala’y mahugasan.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

Kayo’y aking wiwisikan
upang sala’y mahugasan.

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,
ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Kung magkagayon na, aking tuturuang
sa iyo lumapit ang makasalanan.

Kayo’y aking wiwisikan
upang sala’y mahugasan.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Kayo’y aking wiwisikan
upang sala’y mahugasan.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 22, 1-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon San Mateo

Noong panahong iyon, muling nagsalita sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kaya’t pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasama’t mabubuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Inaanyayahan tayo ng Diyos sa Hapag ng buhay na walang hanggan sa Langit. Tumawag tayo sa ating mapagmahal na Ama para sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, turuan mo kaming maging bukas sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan dito sa lupa nawa’y patuloy na umunlad at mahikayat ang maraming tao sa kaligayahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayaman at mahihirap nawa’y huwag iwasan ang hamon at tawag ng Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagkakaroon ng dalisay at nagsisising puso, tayo nawa’y matagpuang karapat-dapat na makibahagi sa Hapag na inihanda ng Diyos para sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at may kapansanan nawa’y maibahagi natin ang habag at kabutihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y mabuhay sa tahanan ng Diyos at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami na makapiling ka sa iyong Kaharian. Habang aming ipinapanalangin ang aming kapwa, tulungan mo kaming maakay sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesus na aming Panginoon. Amen.

Dagat ng basura

 288 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa krisis ng basura.

Noong nakaraang linggo, tone-toneladang basura ang bumará sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque City matapos ang sunud-sunod na araw ng pag-ulan dala ng habagat. Umabot ng higit sa 200 trak ng basura ang nahakot mula sa naturang daluyan ng tubig malapit sa simbahan ng Baclaran. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Parañaque, inagos ang basura mula sa mga nakapalibot na lugar sa Manila Bay. Sa ginawang clearing operations, buwis-buhay na lumusong sa dagat ng basura ang mga kawani ng LGU, Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), at Department of Public Works and Highways (o DPWH) para hakutin ang basura gamit ang backhoe.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na kailangan na raw ng “drastic solutions” sa problema sa basura. Binanggit niyang halimbawa ang waste-to-energy technologies na ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa kanyang SONA. Suportado rin ng kalihim pati ni MMDA General Manager Nicolas Torre ang mga panukalang magpataw ng mabigat na multa para sa maling pagtatapon ng basura. Pero para kay PBBM, hindi raw mabisang pagmultahin ang maling pagtatapon ng basura kung walang maayos na basurahan. Anong say ninyo, mga Kapanalig?

Lahat ng mga ibinibidang solusyon ng administrasyon ay nakatuon lang sa maayos na waste management system. Sang-ayon tayong mahalaga ito. Pero paano masosolusyunan ang krisis sa basura kung hindi natin puputulin ang ugat ng sobra-sobrang paglikha ng basura? Kumbaga, nagbibigay lang tayo ng bandaid solution kung saan nireremedyohan lang natin ang mga sintomas ng sakit pero hindi naman natin ginagamot ang pinagmumulan nito.

Ayon sa grupong Oceana, habang nakatuon ang administrasyon sa waste-to-energy at pagsisi sa publiko sa pagkakalát, hindi nabibigyang-pansin ang ugat ng krisis—ang plastic pollution at walang habas na paggamit ng single-use plastics na sinusuplay ng mga dambuhalang korporasyon. Dagdag ng grupo, mayroon na tayong Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nagsasabing dapat bawasan ang paglikha ng basura sa pinagmumulan nito at ipagbawal ang mga produktong nakapipinsala sa kapaligiran. Gaya ng maraming batas, hindi ito buong ipinatutupad ng gobyerno.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinusuportahan ng Simbahan ang circular o paikot na modelo ng produksyon kung saan nililimitahan ang pagkuha ng mga nauubos na likas-yaman para mapakinabangan ito ng mga susunod na henerasyon. Sa nakasanayang linear o tuwid na sistema natin, kukunin ang likas-yaman, gagawing produkto, panandaliang gagamitin, at itatapon na. Sa circular na sistema, binibigyang-diin ang pag-reduce, reuse, repair, at recycle ng mga produkto. Idinidisenyo ang mga produkto para magamit nang matagal, madaling ayusin kapag nasira, at maaaring i-recycle para mabawasan ang pagkonsumo at paglikha ng basura.

Ilang trahedya sa basura na ang naibalita ngayong taon, kaya alam na dapat natin ito: hindi sapat ang disiplina ng publiko at maayos na waste management system. Nakaugat ang krisis na ito sa modelo ng ekonomiyang kumikita sa paglikha ng basura. Malalim, malawak, at nakabaón sa kultura at mga istruktura ng lipunan ang problemang ito. Pero maaari tayong magsimula sa pagpapatupad ng mga solusyon sa ating tahanan at komunidad, gaya ng pagsusulong at pagsasabuhay ng “sapat lifestyle”. Kasabay nito, ipanawagan natin sa gobyerno ang pagpapatupad ng mga patakarang tinutugunan ang labis na paglikha ng basura. Panagutin din dapat ang mga korporasyong patuloy na yumayaman habang ipinapasa sa publiko ang gastos at epekto ng polusyon.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang wika sa Genesis 2:15: inilagay tayong mga tao sa halamanan ng Eden para pagyamanin at pangalagaan ito, hindi para gawin itong dagat ng basura.

Sumainyo ang katotohanan.

What do I still lack?

 3,342 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twentieth Week in Ordinary Time, Year II, 17 August 2026
Ezekiel 24:15-23     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Matthew 19:16-22
Photo by author, Malagos Garden Resort, Davao City, August 2018.
Your words today,
O Lord are so touching
that reaches deep down my
inmost being;
both readings speak
about losing: Ezekiel's wife
died while the young man
in the gospel asked
"what do I still lack?"
Both readings are 
so timely for us these days
when we have so much of 
every thing except of you,
O Lord; we rarely ask
"what do I still lack" in its
truest sense - of learning to let
go of what we have in order to have
the most essential.

Often, 
we think of having what
we still lack in order to have
more of every thing;
but you teach us today,
Jesus, what we really lack
is you through others;
what we really lack are
the poor and the sick,
those who have less in life;
what we really lack still
is life eternal,
of having you O Lord
as basis and foundation
of our relationships.
In this time when rains
continue to pour 
for the third straight week,
the more we are concerned 
of what material things we still
lack and forget about the warmth
and smiles of others so disadvantaged
due to floods and lack of work;
teach us, Jesus,
to be like Ezekiel in the first
reading to see and realize
that the most painful loss
in this life is not losing a loved one
nor wealth and things
but in losing our souls to
sin and evil.
Amen.
Jesus and the rich young man.

LAW OF LOVE

 3,079 total reads

Gospel Reading for August 17, 2026 – Matthew 19: 16-22

LAW OF LOVE

A young man approached Jesus and said, “Teacher, what good must I do to gain eternal life?” He answered him, “Why do you ask me about the good? There is only One who is good. If you wish to enter into life, keep the commandments.” He asked him, “Which ones?” And Jesus replied, “You shall not kill; you shall not commit adultery; you shall not steal; you shall not bear false witness; honor your father and your mother; and you shall love your neighbor as yourself.” The young man said to him, “All of these I have observed. What do I still lack?” Jesus said to him, “If you wish to be perfect, go, sell what you have and give to the poor, and you will have treasure in heaven. Then come, follow me.” When the young man heard this statement, he went away sad, for he had many possessions.

————

In the Gospel of today, Jesus clearly states that it is not enough to follow the commandments that tell us what we should not do, or what are called sins of commission—the wrongful actions that we actively commit. The LAW OF LOVE for God and neighbor also requires us to do virtuous things, or the things that we ought to do. These are what we call sins of omission—the good that we fail to do.

Remember that at the beginning of the Mass, we acknowledge our sins in the Confiteor: “. . . in what I have done, and in what I have failed to do . . .”

Like the rich young man in today’s Gospel, sins of omission are among those that many of us commit because doing good requires us to give of ourselves to others, especially to those in need. It requires great sacrifice, courage, and commitment to God to speak up against injustice, violence, and corruption that cause poverty and suffering. It requires us to share our resources. It requires us to walk the extra mile and extend a helping hand.

Perhaps it is also time for us to include in our examination of sins of omission our neglect of the environment and of all other creatures created by God. Ecological balance is essential to the survival of our planet and, therefore, to our own survival.

Lord Jesus, help us understand your laws and give us the courage and strength to live them out. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 289 total reads

 289 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 25,180 total reads

 25,180 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 105,834 total reads

 105,834 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 207,560 total reads

 207,560 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 244,332 total reads

 244,332 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Agosto 19, 2026

 1,848 total reads

 1,848 total reads Paggunita kay San Ezekiel Moreno, obispo Ezekiel 34, 1-11 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo

Read More »

Martes, Agosto 18, 2026

 3,547 total reads

 3,547 total reads Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Ezekiel 28, 1-10 Deuteronomio 32, 26-27ab. 27kd-28. 30. 35kd-36ab Nasa pasya ng Maykapal ang buhay

Read More »

Lunes, Agosto 17, 2026

 4,794 total reads

 4,794 total reads Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Ezekiel 24, 15-24 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21 Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Agosto 16, 2026

 5,551 total reads

 5,551 total reads Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 65, 1. 6-7 Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat

Read More »

Sabado, Agosto 15, 2026

 6,026 total reads

 6,026 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top