HUWEBES, ENERO 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,523 total reads

Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Samuel 4, 1-11
Salmo 43, 10-11. 14-15. 24-25

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

Marcos 1, 40-45

Thursday of the First Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 4, 1-11

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Dumating ang araw na nagdigmaan ang mga Israelita at ang mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo. Sa kanilang paglalaban, natalo ang Israel at may apat-na-libo ang napatay sa kanila. Nang makaurong na sila sa kanilang kampo, nagtanungan ang matatanda ng Israel, “Bakit kaya pinabayaan ng Panginoon na matalo tayo ng mga Filisteo? Ang mabuti’y kunin natin sa Silo ang Kaban ng Tipan. Baka kung nasa atin iyon ay iligtas tayo ng Panginoon sa ating mga kaaway.” At kinuha nga nila sa Silo ang Kaban ng Tipan at sumama naman ang dalawang anak ni Eli, sina Ofni at Finees.

Ang mga Israelita’y napasigaw sa tuwa nang idating sa kanilang kampo ang Kaban ng Tipan; umalingawngaw sa palibot ang kanilang sigawan. Nang marinig ito ng mga Filisteo, itinanong nila, “Bakit kaya nagkakaingay ang mga Hebreo?”

Nang malaman nilang nasa kampo ng mga Israelita ang Kaban ng Tipan, nasindak sila. Inisip nilang may dumating na diyos sa kampo ng mga Israelita. Kaya nasabi nila, “Ano ngayon ang mangyayari sa atin? Ngayon pa lamang tayo makararanas ng matinding kasawian! Ano ngayon ang mangyayari sa atin? Sino ngayon ang makapagliligtas sa atin sa mga diyos nilang makapangyarihan? Ito ang mga diyos na nagpahirap sa mga Egipcio sa pamamagitan ng iba’t ibang salot. Mga kababayan, lakasan natin ang ating loob. Magpakalalaki tayo upang hindi tayo malupig at maalipin ng mga Hebreo, tulad ng pang-aalipin natin sa kanila. Lumaban tayo.”

Muling naglaban ang mga Filisteo at ang Israelita at nalupig na naman ang mga taga-Israel. Ang napatay sa kanila ay tatlumpunlibo at nagkanya-kanyang takas papauwi ang mga natira. Ang Kaban ng Diyos ay kinuha ng mga Filisteo at pinatay sina Ofni at Finees.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 43, 10-11. 14-15. 24-25

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

Ngayo’y iyong itinakwil, kaya kami ay nalupig,
hukbo nami’y binayaa’t hindi mo na tinangkilik;
binayaan mo nga kami kaya kami ay tumakas;
lahat naming naiwanan ay sinamsam nilang lahat.

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

‘Sa sinapit naming ito, mga Hentil ay nagtawa,
inuuyam kaming lagi, kami’y iniinis nila.
Pati bansang walang Diyos, sa gitna ng sanlibutan,
sa nangyari’y umiiling bilang tanda ng pag-uyam.

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

Kami’y huwag mong pagkublihan,
huwag magtago sa amin,
Ang pangamba nami’t hirap ay huwag mong lilimutin.

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

ALELUYA
Mateo 4, 23

Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Naniniwala sa habag ng Panginoon, lumapit tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na ang ating mga panalangin ay pakikinggan:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang mahabagin, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y hindi magkulang sa kanyang tungkulin na tanggapin ang mga napapabayaan at mga itinuturing na yagit ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating gobyerno nawa’y makapagbigay ng mahusay na programang pangkalusugan at paigtingin pa ang kanilang pagsusulong ng malusog na kapaligiran, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad tayo nawa’y tumulong nang may pag-ibig at malasakit sa mga binabalewala ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahihirap at mga maysakit nawa’y makatagpo ng atensyon at tulong-medikal mula sa mga may mabubuting kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao kay Kristo nawa’y mabuhay sa tunay na kalayaan at kaligayahan ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Maawaing Ama, palalimin mo ang aming diwa ng habag at pang-unawa sa mga nagdurusa. Itulad nawa namin ang aming buhay kay Jesus na humanap ng kalayaan, kagalingan, at kapayapaan para sa bawat tao. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,199 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,558 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,401 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,200 total reads

 5,200 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 43,032 total reads

 43,032 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,870 total reads

 96,870 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,281 total reads

 160,281 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 228,060 total reads

 228,060 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 647 total reads

 647 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,276 total reads

 2,276 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,101 total reads

 4,101 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,132 total reads

 6,132 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,920 total reads

 6,920 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top