Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, MARSO 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,239 total views

Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8

Noong ako ay tumawag,
tugon mo’y aking tinanggap.

Mateo 7, 7-12

Thursday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh

Pagbasa mula sa aklat ni Ester

Noong mga araw na iyon, labis na nabagabag si Reyna Ester. Dumulog siya sa Panginoon. Ganito ang daing niya sa Panginoong Diyos ng Israel:

“Panginoon ko, tanging ikaw ang Hari namin. Tulungan mo ako na ngayo’y nag-iisa at walang ibang maaasahang tutulong kundi ikaw lamang. Haharap ako sa napakalaking panganib. Mula pa sa aking pagkabata, narinig ko na sa liping kinabibilangan ng aking angkan na ikaw, Panginoon, ang humirang sa Israel mula sa dinami-rami ng mga bansa, at ikaw din ang sa panahong iyon ay pumili sa aming mga magulang upang maging iyong bayan magpakailanman. Tinupad mo ang lahat ng iyong ipinangako sa kanila.

“Alalahanin mo kami, Panginoon. Ipadama mo sa amin ang iyong paglingap sa sandaling ito ng kagipitan. Bigyan mo ako ng lakas ng loob, Hari ng lahat ng mga dinidiyos at Pinuno ng lahat ng kapangyarihan sa lupa. Bigyan mo ako ng kakayahang magsalita sa harap ng leong si Asuero, upang maakit ang kanyang puso na mamuhi sa taong kumakalaban sa amin at sa gayo’y mapahamak siya kasama ng mga nakikipagsabwatan sa kanya. Iligtas mo kami, Panginoon. Tulungan mo ako na ngayo’y nag-iisa at walang ibang maaasahang tutulong kundi ikaw lamang.

“Ganap mong nababatid ang lahat.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8

Noong ako ay tumawag,
tugon mo’y aking tinanggap.

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Noong ako ay tumawag,
tugon mo’y aking tinanggap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
Ikaw’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Noong ako ay tumawag,
tugon mo’y aking tinanggap.

Naghahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,
ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas,
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Noong ako ay tumawag,
tugon mo’y aking tinanggap.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 50, 12a. 14a

D’yos ko, sa aki’y igawad
loobing tunay na tapat;
puso ko’y gawin mong wagas
nang manauli ang galak
bunga ng ‘yong pagliligtas.

MABUTING BALITA
Mateo 7, 7-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kung humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kung humihingi ng isda? Kung kayo na masasama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya!

“Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Nangako si Jesus: Humingi at kayo’y bibigyan. Lumapit tayo sa ating Amang nasa Langit nang may pag-asa at tiwalang katulad ng panalangin ng Panginoon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Butihing Ama, tumugon ka sa amin.

Sa buong Simbahan sa daigdig nawa’y lumaganap ang mataimtim na pananalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nalululong sa masasamang bisyo at nakasadlak sa kasalanan nawa’y humingi ng kapatawaran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y manatili sa pananalangin kahit tayo ay pinanghihinaan ng loob dahil sa mga kabiguan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang kahulugan ng kanilang pagtitiis sa kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad at muling mabuhay kasama ni Kristo sa walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa pagdinig mo sa aming mga kahilingan. Tulungan mo kami na laging magtiwala sa mga paraan ng iyong pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 2,315 total views

 2,315 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 16,375 total views

 16,375 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 34,946 total views

 34,946 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 60,283 total views

 60,283 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hulyo 28, 2025

 285 total views

 285 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 32, 15-24. 30-34 Salmo 105, 19-20. 21-22. 23 Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y

Read More »

Linggo, Hulyo 27, 2025

 1,089 total views

 1,089 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Genesis 18, 20-32 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6-7ab. 7k-8 Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap.

Read More »

Sabado, Hulyo 26, 2025

 1,807 total views

 1,807 total views Paggunita kina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal ng Birheng Maria Exodo 24, 3-8 Salmo 49, 1-2. 5-6. 14-15 Sa

Read More »

Biyernes, Hulyo 25, 2025

 2,350 total views

 2,350 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Huwebes, Hulyo 24, 2025

 2,599 total views

 2,599 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Exodo 19, 1-2. 9-11. 16-20b Daniel 3,

Read More »
12345

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES