Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 12,689 total views

Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filipos 3, 3-8a
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7

Ang may pusong tapat sa D’yos
ay may kagalakang lubos.

Lucas 15, 1-10

Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Filipos 3, 3-8a

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, alalahanin ninyong hindi sila kundi tayo ang tunay na tuli, sapagkat hindi tayo nanghahawak sa mga panlabas na tuntunin. Ang pagsamba natin sa Diyos ay sa Espiritu at na kay Kristo Hesus ang ating kagalakan. Kung sabagay, mayroon akong sapat na dahilan upang manghawak sa mga panlabas na tuntunin. Kung iniisip ninuman na may katwiran siyang magtiwala sa ganitong gawain, lalo na ako. Tinuli ako sa ikawalong araw mula nang ako’y isilang. Ako’y katutubong Hebreo, tunay na Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin. Kung pagsunod sa kautusan ang pag-uusapan, ako’y Pariseo. At sa sigasig ng aking pagsunod, inusig ko ang simbahan. Kung sa pagiging matuwid naman ayon sa kautusan, walang maipipintas sa akin. Ngunit dahil kay Kristo, ang mga bagay na maaari kong ibilang na pakinabang ay inari kong kalugihan. Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7

Ang may pusong tapat sa D’yos
ay may kagalakang lubos.

o kaya: Aleluya.

Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.

Ang may pusong tapat sa D’yos
ay may kagalakang lubos.

Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala.

Ang may pusong tapat sa D’yos
ay may kagalakang lubos.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Ang may pusong tapat sa D’yos
ay may kagalakang lubos.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 15, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito.

“Kung ang sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito. Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

“O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!’ Sinasabi ko sa inyo, gayun din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi’t tumalikod sa kanyang kasalanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Ang Panginoon ang pastol na nakakikilala sa bawat isa sa atin sa ating pangalan. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos, nagtitiwala sa kanyang personal na pag-ibig sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sa iyong dakilang pag-ibig, tugunin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging buhay na tanda ng tunay na pagkalinga at buong pagmamahal na pagtingin sa mga tinanggihan ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga humiwalay na sa daan ng kabutihan nawa’y marinig ang tinig ni Kristo ang Mabuting Pastol na tinatawag silang bumalik muli, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataang naligaw sa bisyo, krimen, o ipinagbabawal na gamot nawa’y matagpuan ang kanilang tunay na sarili at dangal at magbalik sa tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa o sinusubok ng karamdaman nawa’y mapagtanto na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga at atensyon na ating ibinibigay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na dumaan sa “pintuan ng kawan” nawa’y magbunyi kasama ng Pastol at bantay ng kanilang kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Pinakamahinahong Ama, akayin mo kami sa tamang daan. Pakinggan mo ang aming mga panalangin, basbasan mo ang bawat isa sa amin sa pamamaraang ikaw ang pinakamabuting nakaaalam. Makasunod nawa kami saan mo man kami dalhin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 206,266 total views

 206,266 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 228,042 total views

 228,042 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 251,943 total views

 251,943 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 358,629 total views

 358,629 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 382,312 total views

 382,312 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 87,400 total views

 87,400 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 87,631 total views

 87,631 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 88,212 total views

 88,212 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 67,416 total views

 67,416 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 67,525 total views

 67,525 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top