Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 12,618 total reads

Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filipos 2, 12-18
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Lucas 14, 25-33

Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Filipos 2, 12-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga minamahal, higit na kailangang maging masunurin kayo ngayon kaysa noong kasama ninyo ako. May takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban.

Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang kayo’y maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis at walang kapintasan sa gitna ng mga taong liko at masasama. Sa gayun, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng talang nagniningning sa kalangitan, samantalang inihahatid ninyo sa kanila ang balita ng kaligtasan. Pagdating ni Kristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal.

Ikinagagalak ko – at hinahatian ko kayo ng aking kagalakan – kung ang dugo ko man ay maging handog bilang kaganapan ng paglilingkod ng inyong pananampalataya sa Diyos. Kung magkagayon, dapat din kayong magalak at hatian ninyo ako ng inyong kagalakan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Isang bagay lamang ang aking mithiin,
isang bagay itong sa Poon hinihiling:
ang ako’y lumagi sa banal na templo
upang kagandahan niya’y mamasdan ko
at yaong patnubay niya ay matamo.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

ALELUYA
1 Pedro 4, 14

Aleluya! Aleluya!
Hirap kaisa ni Kristo
ay kapalarang totoo,
kaloob ng Espiritu.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 25-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sumama kay Hesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung, may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos – siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.’ O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Lumapit tayo sa Diyos Ama upang makasunod tayo kay Kristo nang hindi pabagu-bago at makatugon sa mga hamon ng pagiging alagad.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa Ngalan ni Jesus, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y patuloy na magpakita ng tunay na pagiging alagad, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwaksi ang pananalig sa mga materyal na kayamanan at matagpuan ang tunay na katatagan sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi tumalikod sa mga pagsubok, at sa halip harapin natin ang mga krus na dumarating sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pinapasang krus sa katawan, isip, o sa espiritwal na paghihirap nawa’y matutong lumakad sa mga yapak ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kapatid na nagpasan ng krus ni Kristo sa mundong ito nawa’y maging maligaya na sa walang hanggang kasiyahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, alam mo ang marami at iba’t ibang pangangailangan namin sa buhay na ito. Bigyan mo kami ng tapang upang pasanin ang aming krus at sumunod sa mga yapak ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

LUNDAG-LINYA

 2,012 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21

Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos biglang may sumingit? Sa English, ang tawag diyan ay jumping the line. Lalo pang sasama ang loob ninyo kung ang sumingit ay iyong taong feeling entitled, dahil malakas daw siya sa taong pinipilahan. Walang pakundangan sa mga nagpasensya at nagtiyagang pumila.

Parang ganiyan ang sitwasyon sa ating Ebanghelyo ngayon. Dumating ang nanay at mga kapatid ni Hesus habang abala siya sa pagtuturo sa maraming tao. Hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. Kaya may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Gusto po nilang makipagkita sa inyo.”

Medyo kakaiba ang Ebanghelyong ito dahil parang hindi gaanong positibo ang paglalarawan sa pamilya ni Hesus.

Pero linawin muna natin: kapag sinabi ng Ebanghelyo na mga kapatid ni Hesus, hindi ito nangangahulugang may iba pang anak si Mama Mary. Ang salitang Griyego na adelphos ay maaaring tumukoy sa mas malawak na ugnayang pampamilya. Maaaring mga pinsan o iba pang malapit na kamag-anak. May tradisyon din na maaaring mga anak sila ni Jose sa una niyang asawa, kung siya ay nabiyudo bago naging asawa ni Maria. (May tradisyon pero walang matibay na batayan sa kasaysayan.)

Pero ang punto ng Ebanghelyo ay ito: dahil kamag-anak sila ni Hesus, parang inaasahan nilang bibigyan sila ng espesyal na pagtrato. Hindi lang sila sumisingit sa pila. Parang sinasabi pa nila, “Sabihin ninyo kay Hesus na lumabas siya at puntahan kami. Kamag-anak niya kami!”

Kaya maintindihan natin ang naging sagot ni Hesus: “Ang aking ina at mga kapatid ay yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”

Hindi naman niya itinatakwil ang kanyang ina at mga kamag-anak. Ang ipinakikilala niya ay isang bagong uri ng pagkakamag-anak, isang bagong pamilya na ang pundasyon ay hindi lamang dugo kundi ang pagiging magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

At dito, walang puwedeng mag-claim ng special privilege dahil lamang sa relasyon niya sa Panginoon.

Hindi sapat na sabihin nating, “Katoliko ako. Binyagan ako. Nagsisimba ako. Malapit ako sa mga pari at obispo.” Hindi rin sapat na sabihing, “Marami akong kilalang madre at pari. May kamag-anak pa nga akong obispo!”

Ang tanong ng Panginoon ay hindi kung gaano karami ang kakilala mo sa Simbahan, kundi kung gaano mo isinasabuhay ang kanyang salita.

Kaya ang tunay na pagiging kapamilya ni Hesus ay hindi lamang nakasalig sa binyag, kundi sa pakikinig at pagtupad sa salita ng Diyos.

At sino ang pinakamagandang halimbawa nito? Walang iba kundi ang kanyang sariling ina, si Maria. Siya ang unang nakinig, naniwala, at tumupad sa salita ng Diyos nang sabihin niya, “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.”

Ito lang ang punto: sa pamilya ng Diyos, hindi kailangang sumingit sa pila. Walang palakasan. Walang special treatment. Bukas ang kanyang puso sa lahat ng handang makinig at tumupad sa kanyang salita.

At ang magandang balita: tayong lahat ay inaanyayahan niyang maging tunay na mga kapatid at kapamilya niya.

When is enough really enough?

 2,490 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Fifth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Padre Pio of Pietrelcina, 23 September 2026
Proverbs 30:5-9     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 9:1-6
Photo by Pixabay on Pexels.com
Your words today,
dear God our Father
are so comforting and 
reassuring of your loving
presence; however, 
you teach us also too
to completely trust you
so that we may be comforted
and reassured,
thereby learn
when enough is
really enough.

Two things I ask of you, deny them not to me before I die: Put falsehood and lying far from me, give me neither poverty nor riches; provide me only with the food I need; lest, being full, I deny you, saying, “Who is the Lord?” Or, being in want, I steal, and profane the name of my God (Proverbs 30:7-9).

Teach me to be content
with whatever there is for me,
not desiring more than I need
so that I remain open for you
and your work,
for you O Lord is more than enough; 
teach me to learn to stop
in pursuing whatever
I set my eyes or heart on when 
it is causing more harm than 
joy and wellness for it is only
in following you enough is enough; 
teach me, Lord, 
to be like St. Padre Pio
in leading a simple life, 
just praying, 
hoping and not worrying
for you O Lord is more than
enough.
Amen.

PAR EXCELLENCE

 2,219 total reads

Gospel Reading for September 23, 2026 – Luke 9: 1-6

PAR EXCELLENCE

Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.”

Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

————

Jesus was truly a teacher PAR EXCELLENCE. He did not just teach the disciples in theory; he sent them on practicum. But even more than that, he had already given them the gift and the authority to do what he himself was doing for the people.

For some teachers, theory may be enough. When the school year ends, the students can practice what they have learned. But what Jesus was doing was far more than teaching a lesson. He was entrusting the disciples with a mission. That is why he was so hands-on in preparing them.

Imagine if we were among the disciples of Jesus. How privileged they were to have the Son of God as their professor! Every “nook and cranny” was covered. He made sure they were fully prepared. He made sure that what the Father had planned for them would be accomplished.

As baptized Christians, we are all called to share our gifts in Christ’s salvific mission. It did not end with the apostles. It continues to this very day through us.

Lord Jesus, may the way we live our lives according to your teachings be our best teaching tool ever. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 21,181 total reads

 21,181 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 54,515 total reads

 54,515 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 86,661 total reads

 86,661 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 152,718 total reads

 152,718 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 170,602 total reads

 170,602 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 25, 2026

 1,237 total reads

 1,237 total reads Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 3, 1-11 Salmo 143, 1a at 2abk. 3-4 Ang Poon ay papurihan, siya ang

Read More »

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 2,945 total reads

 2,945 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 4,631 total reads

 4,631 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 5,822 total reads

 5,822 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

Lunes, Setyembre 21, 2026

 6,792 total reads

 6,792 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top