Martes, Nobyembre 5, 2024

SHARE THE TRUTH

 12,799 total reads

Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filipos 2, 5-11
Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32

Pupurihin kita, Poon,
ngayong kami’y natitipon.

Lucas 14, 15-24

Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Filipos 2, 5-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, magpakababa kayo tulad ni Kristo-Hesus:

Na bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.
Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus.

Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32

Pupurihin kita, Poon,
ngayong kami’y natitipon.

Sa harap ng masunuring mga lingkod mong hinirang,
ang handog na panata ko ay doon ko iaalay.
Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop,
aawit ng pagpupuri ang sa Diyos ay dudulog;
buhay nila ay uunlad, sasagana silang lubos.

Pupurihin kita,
Poon, ngayong kami’y natitipon.

Sa dakilang Panginoon, ang lahat ay magbabalik,
ang lahat ng mga lahi ay sasambang may pag-ibig.
Ang Diyos ay Panginoon, hari siya ng nilikha,
maghahari sa daigdig, sa lahat ng mga bansa.
Mangangayupapang lahat ang palalo’t mayayabang.

Pupurihin kita,
Poon, ngayong kami’y natitipon.

Maging lahing susunod pa ay sasamba’t maglilingkod,
ay mayroong mangangaral sa kanila tungkol sa Diyos.
Sa lahat ng sisilang pa’y ganito ang ihahayag,
“sa hinirang niyang bansa ay Panginoon ang nagligtas.”

Pupurihin kita, Poon,
ngayong kami’y natitipon.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 15-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong mga panahong iyon, sinabi kay Hesus ng isa sa mga kasalo niya sa hapag, “Mapalad ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!” Sumagot si Hesus, “May isang lalaking naghanda ng isang malaking piging, at marami siyang inanyayahan. Nang dumating ang oras ng piging, inutusan niya ang kanyang mga alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan, ‘Halina kayo, handa na ang lahat!’ Ngunit nagdahilan silang lahat. Ang sabi ng una, ‘Nakabili ako ng bukid, at kailangan kong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ At sinabi ng isa, ‘Nakabili ako ng limang pares na baka, at kailangan kong isingkaw para masubok. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ Sinabi naman ng isa pa, ‘Bagong kasal ako kaya hindi ako makakadalo.’ Bumalik ang alipin at ibinalita ito sa kanyang panginoon. Nagalit ito at sinabi sa alipin, ‘Lumabas kang madali sa mga lansangan at makikipot na daan ng lungsod, at isama mo rito ang mga pulubi, mga pingkaw, mga bulag, at mga pilay.’ Pagbabalik ng alipin ay sinabi niya, ‘Panginoon, nagawa na po ang iniutos ninyo, ngunit maluwag pa.’ Kaya’t sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas, at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay. Sinasabi ko sa inyo: isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking handa!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

May pananampalataya nating itaas sa Ama ang ating mga kahilingan, siya na nagnanais na tanggapin nating lahat ang kanyang paanyaya sa Hapag ng buhay na walang hanggan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng lahat ng kabutihan, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y umunlad at mag-anyaya pa sa piging ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayaman gayundin ang mga dukha nawa’y huwag gumawa ng mga dahilan sa kanilang pag-iwas sa tawag ng paghahari ni Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y matagpuang karapat-dapat na makiisa sa Hapag ng Kordero ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating kabutihang-loob tayo nawa’y makapagbigay saya at pag-asa sa mga maysakit at may kapansanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y mabuhay sa tahanan ng Diyos at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tinawag mo kami upang makiisa sa iyong kasaganahan. Maging bahagi nawa kami ng mga mabiyayang pagkakataon na dumaraan sa aming buhay at tumugon kami nang may bukas na puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 28,473 total reads

Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang ating kinabukasan at naglalagay sa panganib sa ating mga buhay.

Bawat taon, nahaharap ang iba’t-ibang komunidad sa malalakas na bagyo, mapinsalang baha, pagguho ng lupa, matinding init ng panahon at matagal na tagtuyot.

Sa kabila ng paulit-ulit na nararanasang trahedya, ang mahalagang katanungan: Sapat ba pa ang ating paghahanda sa maaring tumamang kalamidad?

Ang nakakaalarma Kapanalig, tayo mismo ang tatamaan ng pinsala dahil sa ating kapabayaan. Tayo ang may kasalanan sa hindi tamang waste disposal, laganap ang illegal logging, walang habas na pagmimina sa mga kabundukan, irresponsible development tulad ng PAX Silica at walang pakundangang pagsira sa ating natural na ecosystems.

Mayroon ba tayong ginagawa? May ginagawa ba ang ating gobyerno?

Kapanalig ang disaster preparedness ay hindi dapat ginagawa kapag papalapit na ang bagyo. Nararapat ang ating pamahalaan ay mamuhunan sa matatag na infrastructure, epektibong drainage system, epektibong early warning mechanism, madaling ma-access na evacuation centers, at kumpleto sa kagamitan ang response team.

Pero, ang tanong: Prayoridad ba ng ating mga lider ang pagtugon sa climate crisis? Para sa kanila, sayang lang ang pondo, mas maiging maibulsa muna.

Kapanalig, ang pinakamasaklap na tragedya ay hind isa pananalasa ng kalamidad… kundi sa pagkawala ng inosenteng buhay, dahil sa ating kabiguang maghanda sa kalamidad na alam natin kung kailan mangyayari.

Sa Laudato Si ni Pope Francis: Iginigiit sa mga lider ng bansa at mamamayan ang una: Response to the Cry of the Earth tulad ng paggamit ng malinis na renewable energy at pagbabawas sa paggamit ng fossil fuels; Pangalawa- Response to the Cry of the Poor, Pangatlo: Ecological Economics, sapat na produksyon,patas na kalakalan, ethical na pamumuhunan at iwasan ang mapinsalang economic activity.

Pang-apat: Adoption of Simple Lifestyles, payak na pamumuhay at iwasan ang labis-labis na paggamit ng resources at enerhiya gayundin ang pagbabawas sa pagkain ng karne.

Panglima: Ecological Education, pagre-design sa educational curricula at educational institution reform sa diwa ng integral ecology at ecological vocation ng bawat mamayan.

Pang-anim: Ecological Spirituality,isabuhay ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha at pangpito:
Community involvement.

Ganito dapat ang mindset nating mga Pilipino, lalu ng mga lider ng bansa sa halip na maging ganid sa pera ng taumbayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

NO REGRETS

 7,800 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

Dominus flevit (The Lord wept)

 8,120 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday, Thirty-Third Week in Ordinary Time, Year II, 19 November 2026
Revelation 5:1-10     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 19:41-44
Photo by author, view of Jerusalem from the Mount of Olives inside Dominus Flevit Church, May 2017.
As Jesus drew near Jerusalem,
he saw the city and wept over it,
saying,
"If this day you only knew
what makes for peace -
but now it is hidden from your eyes"
(Luke 19:41-42).
I could just imagine
how often you continue to
draw near us, Lord Jesus,
at each instance weeping
over our country exploited
by her own people who
keep on putting into office
inept and corrupt officials;
most likely you are also weeping
for our parish and diocese,
your Church so focused on power 
and structures, on money and
influence so detached from you,
Jesus found in people especially
those in the margins;
and surely, every day
you draw near to each one of us,
weeping too for our sinfulness,
for our vice we cannot abandon,
for our pride that we keep on feeding.
Have mercy on us, Jesus,
have mercy on us.
Speak, Lord,
tell me what do you want
from us in the world,
in our community,
in our Church
from ourselves?
Empty me of 
my pride and plans,
let me set them aside
to welcome you into my life,
Jesus; your weeping for us
mean so much for you would
not be crying for trivial matters;
you wept,
you cried
because you have high hopes 
in us, Lord;
you believe in us
but alas, we refuse to believe
in our selves,
most specially in you
for you alone "are worthy
to receive the scroll
and break open its seals,
for you were slain 
and with your Blood
you purchased for God those 
from every tribe and tongue,
people and nation.
You made them a kingdom
and priests for our God,
and they will reign on earth"
(Revelation 5:9-10).
Amen.
Photo by author of Dominus Flevit Church on the Mount of Olives opposite the old city of Jerusalem; see the roofs of the church shaped like tears; May 2017.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 28,474 total reads

 28,474 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 163,986 total reads

 163,986 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 249,370 total reads

 249,370 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 313,203 total reads

 313,203 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 392,027 total reads

 392,027 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 31,845 total reads

 31,845 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 34,366 total reads

 34,366 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 36,451 total reads

 36,451 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 34,969 total reads

 34,969 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 36,070 total reads

 36,070 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top