Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Nobyembre 4, 2024

SHARE THE TRUTH

 12,233 total views

Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo

Filipos 2, 1-4
Salmo 130, 1. 2. 3

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

Lucas 14, 12-14

Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Filipos 2, 1-4

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, nagbibigay ba sa inyo ng kasiglahan ang buhay na nakaugnay kay Kristo? Naaaliw ba kayo ng kanyang pag-ibig? May pagkakaisa ba kayo sa Espiritu Santo? Kayo ba’y may nadaramang hangarin na tumulong sa iba? Kung gayun, lubusin ninyo ang aking kagalakan — maghari sa inyo ang pagkakasundo, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig at maging isa kayo sa puso’t diwa. Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo’y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 130, 1. 2. 3

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

O Panginoon ko, ang pagmamataas,
Tinalikdan ko na at iniwang ganap;
Ang mga gawain na magpapatanyag
Iniwan ko na rin, di ko na hinangad.

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

Mapayapa ako at nasisiyahan,
tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

Kaya mula ngayon, ikaw, O Israel,
sa ’yong Panginoon, magtiwalang tambing!

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

ALELUYA
Juan 8, 31b-32

Aleluya! Aleluya!
Kapag ang aking salita
sa inyo’y naidambana,
taglay n’yo and aking diwa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka na. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa ating Ama sa Langit upang maging pagpapahayag ng malalim at tunay na pag-ibig ang kagandahang-loob at pagiging bukas ng ating puso para sa kapwa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, umunlad nawa kami sa iyong pamamaraan.

Ang Simbahan nawa’y maging higit na mulat sa materyal na pangangailangan ng mga dukha at mga napapabayaang mga tao at mabigyan din sila ng espiritwal na pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod bayan nawa’y maging madaling lapitan ng lahat ng isaisip nila ang kabutihan ng kanilang nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may problema sa buhay nawa’y makatagpo ng kapwa na handang tumanggap at tunay na makikinig sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nagtalaga ng kanilang sarili sa pangangalaga ng mga maysakit, may kapansanan, at mga dukha nawa’y magkaroon ng tunay na diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ibinibigay mo sa amin ang lahat ng mabuti. Tulungan mo kaming maibahagi ito sa iba lalo na sa mga nangangailangan ng aming kalinga at atensyon. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pandaigdigang kapayapaan

 3,402 total views

 3,402 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 14,317 total views

 14,317 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 22,053 total views

 22,053 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 29,540 total views

 29,540 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 34,865 total views

 34,865 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Miyerkules, Enero 22, 2025

 145 total views

 145 total views Miyerkules ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir Hebreo 7, 1-3. 15-17 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 3, 1-6 Wednesday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Vincent, Deacon and Martyr (Red) UNANG

Read More »

Martes, Enero 21, 2025

 429 total views

 429 total views Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir Hebreo 6, 10-20 Salmo 110, 1-2. 4-5. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Marcos 2, 23-28 Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 6, 10-20 Pagbasa mula

Read More »

Lunes, Enero 20, 2025

 929 total views

 929 total views Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir Hebreo 5, 1-10 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 2, 18-22 Monday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Linggo, Enero 19, 2025

 1,039 total views

 1,039 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 1,036 total views

 1,036 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 999 total views

 999 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 958 total views

 958 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 916 total views

 916 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 15,861 total views

 15,861 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 16,008 total views

 16,008 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 16,614 total views

 16,614 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 16,779 total views

 16,779 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 17,098 total views

 17,098 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 12,437 total views

 12,437 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 12,834 total views

 12,834 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »
Scroll to Top