Linggo, Mayo 31, 2026

SHARE THE TRUTH

 4,845 total views

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A)

Exodo 34, 4b-6. 8-9
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

2 Corinto 13, 11-13
Juan 3, 16-18

The Solemnity of the Most Holy Trinity (White)
Basic Ecclesial Community Sunday

UNANG PAGBASA
Exodo 34, 4b-6. 8-9

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, tumapyas si Moises ng dalawang bato at dinala kinaumagahan sa Bundok ng Sinai.

Ang Panginoon ay bumaba sa ulap, lumagay sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Panginoon.

Ang Panginoon ay nagdaan sa harapan ni Moises. Sinabi niya, “Akong Panginoon ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat.”

Nanikluhod si Moises at sumamba sa Panginoon. Sinabi niya, “Kung talagang kinalulugdan ninyo ako, isinasamo kong samahan ninyo kami kahit na matigas ang ulo ng lahing ito. Patawarin na ninyo kami at tanggapin bilang inyong bayan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono.
Karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 13, 11-13

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayun, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayo ng lahat ng mga kapatid sa simbahan.

Nawa’y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Pahayag 1, 8

Aleluya! Aleluya!
Dakila ang Amang mahal
Anak, Espiritung Banal
noon, ngayon, kailan pa man.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A)

Puspos ng utang na loob sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos, tawagin natin ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo at sabihing: Banal na Santatlo, panibaguhin, tubusin at pabanalin Mo kami sa Iyong pag-ibig.

Banal na Santatlo, panibaguhin, tubusin at pabanalin Mo kami sa Iyong pag-ibig.

Para sa Simbahan, nawa tanang Kanyang mga kasapi sa pamamagitan ng pagdadamayan at pag-ibig ay magpatunay sa hiwaga ng Kabanal-banalang Santatlo. Manalangin tayo.

Para sa ating bansa. Nawa’y pagyamanin ng Banal na Santatlo—ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo ang ating pakikipagkapwa at malasakit sa isa’t isa sa Kanilang pamamagitan. Manalangin tayo.

Para sa mga Kristiyanong mag-anak. Palalimin nawa ng Banal na Santatlo ang kanilang pag-iibigan at pagkakaisa. Manalangin
tayo.

Para sa mga Kabataan. Tulungan nawa sila ng Diyos Ama na maging malikhain, ni Hesus na sila’y maging lingkod sa kapwa Kabataan at
ng Espiritu Santo na sila’y umunlad sa wastong pamumuhay at kaalaman. Manalangin tayo.

Amang Lumikha, Anak na Manliligtas at Espiritu Santong aming Gabay. Pabanalin kami sa pag-ibig. Kasihan kami ng biyayayang maging tapat sa Simbahan na Siyang larawan ng Diyos na Santatlo. Sa Iyo Ama at Anak at Espiritu Santo ay ang papuri at luwalhati magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 88,819 total views

 88,819 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,111 total views

 117,111 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 163,042 total views

 163,042 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 196,124 total views

 196,124 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 218,908 total views

 218,908 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 1,074 total views

 1,074 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,632 total views

 2,632 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 4,078 total views

 4,078 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,400 total views

 5,400 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,187 total views

 7,187 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top