Lunes, Hunyo 1, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,700 total views

Paggunita kay San Justino, martir

2 Pedro 1, 2-7
Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Marcos 12, 1-12

Memorial of St. Justin, Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Pedro 1, 2-7

Pagbasa mula sa Ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, mapuspos nawa kayo ng pagpapala at kapayapaan ng Diyos, dahil sa inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Hesus.

Tinanggap natin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay nang tapat sa Diyos. Ito’y dahil sa ating pagkakilala kay Hesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan ng kanyang karangalan at kapangyarihan. Sa pamamagitan nito, nangako siya ng mga bagay na mahalaga upang makaiwas kayo sa mapanirang simbuyo ng kahalayang umiiral sa mundong ito, at makahati sa kanyang kalikasan bilang Diyos. Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagsupil sa sarili; sa pag-supil sa sarili, ang katatagan; sa katatagan, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa pagmamalasakit, ang pag-ibig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nanatili sa kalinga niyong Makapangyarihan;
makapagsasabi sa kanyang Panginoon:
“Muog ka’t tahanan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na
tangi kong pinagtiwalaan.”

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.
Pag sila’y tumawag; laging handa ako na sila’y pakinggan,
aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan.

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakatitiyak na ang tatamuhin nila’y kaligtasan!

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

ALELUYA
Pahayag 1, 5ab

Aleluya! Aleluya!
Si Hesukristo ay tapat,
saksi at buhay ng lahat;
tayo’y kanyang iniligtas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.
“Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan?
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
At ito’y kahanga-hanga!’”

Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

May pagninilay sa hamon ng Panginoon sa Ebanghelyo tungkol sa tungkuling mamunga, ilagay natin sa harap ng Diyos Ama ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin mo kaming kalugud-lugod sa iyo.

Ang mga namumuno ng Simbahan nawa’y makatanggap ng liwanag, kalakasan, at pag-alalay sa tungkuling paggabay sa mga sumasampalataya sa panahon ng kagipitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga pamilya nawa’y bigyang-pansin ang diwa ng panalangin upang mapuno ang ating mga isip ng kapayapaan at kasiyahan na nagmumula sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mamunga ng pag-ibig, pagpapatawad, katarungan, at kapayapaan sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang dinaranas na pagsubok at kahirapan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namatay nawa’y makatagpo ng lugar sa walang hanggang Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, ang iyong Anak ay ang “Batong tinanggihan.” Tinatanggap namin siya nang buong puso at may pananalig naming itinataas sa iyo ang aming mga kahilingan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 87,670 total views

 87,670 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 115,962 total views

 115,962 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 161,893 total views

 161,893 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 194,975 total views

 194,975 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 217,821 total views

 217,821 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 1,021 total views

 1,021 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,579 total views

 2,579 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 4,025 total views

 4,025 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,365 total views

 5,365 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,152 total views

 7,152 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top