Sabado, Mayo 30, 2026

SHARE THE TRUTH

 5,419 total views

Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Judas 17, 20b-25
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Marcos 11, 27-33

Saturday of the Eight Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Judas 17, 20b-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Judas

Mga pinakamamahal, lagi ninyong tandaan ang pangaral sa inyo ng mga apostol ng ating Panginoong Hesukristo. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay sa ating Panginoong Hesukristo, na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan, dahil sa kanyang pagkahabag sa inyo.

Kahabagan ninyo’t tulungan ang mga nag-aalinlangan. Sagipin ninyo ang nasa apoy. Ang iba nama’y kahabagan ninyo. Ngunit mag-ingat kayo; kasuklaman ninyo pati ang mga damit nilang tigmak ng kahalayan.

Sa kanya na makapag-iingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makapaghaharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian – sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon natin – sa kanya ang kapurihan, karangalan, kadakilaan at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailan pa man! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa’y tanging ikaw yaong hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na dakong banal,
ikaw roo’y mamasdan ko, sa likas mong karangalan.
Ang wagas na pag-ibig mo’y mahigit pa kaysa buhay.
Kaya ako’y magpupuri’t ikaw ang pag-uukulan.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Habang ako’y nabubuhay, ako’y magpapasalamat.
At ako ay dadalngin na kamay ko’y nakataas.
Itong aking kaluluwa’y kakaing may kasiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

ALELUYA
Colosas 3, 16a. 17k

Aleluya! Aleluya!
Nawa sa inyo’y manahan
salita ni Kristong banal
upang s’ya’y pasalamatan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 11, 27-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pumunta na naman si Hesus at ang mga alagad sa Jerusalem. Samantalang si Hesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan. Tinanong siya, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa mga tao?” At sila’y nag-usap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sabihin nating mula sa tao,” natatakot naman sila at baka kung ano ang gawin sa kanila ng mga tao, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta. Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginawa ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nangungusap si Kristo sa atin ng mga salitang may walang hanggang kapangyarihan at gawaing nakapagpapagaling. Sa pamamagitan niya, may pananalig tayong manalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y makapangyarihang ituro ang walang hanggang katotohanan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y huwag maging matigas ang mga puso na parang bato sa kanilang pakikinig sa tinig ni Kristo sa mga pangyayari sa ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nag-iisip na pumasok sa buhay relihiyoso at magtatalaga ng kanilang buhay sa Diyos nawa’y sundin ang kalooban ng Diyos na itinakda sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating malinis at banal na pamumuhay nawa’y mapawi ang mga impluwensya ng masasamang espiritu sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makinabang sa sinag ng liwanag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, ibinibigay namin sa iyo ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 89,987 total views

 89,987 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,279 total views

 118,279 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 164,210 total views

 164,210 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 197,292 total views

 197,292 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 220,020 total views

 220,020 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 1,115 total views

 1,115 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,673 total views

 2,673 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 4,119 total views

 4,119 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,428 total views

 5,428 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,215 total views

 7,215 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top