Biyernes, Mayo 29, 2026

SHARE THE TRUTH

 198 total views

Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa

1 Pedro 4, 7-13
Salmo 95, 10. 11-12. 13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Marcos 11, 11-26

Friday of the Eight Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Paul VI, Pope (White)

UNANG PAGBASA
1 Pedro 4, 7-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, malapit na ang wakas ng lahat ng bagay; kaya’t maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang pag-iisip upang kayo’y makapanalangin. Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan. Huwag maging mabigat sa inyong loob ang pagtanggap sa mga kapatid. Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ang katangiang tinanggap ng bawat isa. Ikaw ba’y tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang siya’y papurihan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ni Hesukristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Mga minamahal, huwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikihati sa mga hirap ni Kristo, at magiging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag ang kanyang kadakilaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 10. 11-12. 13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“Sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.”

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 11, 11-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao, pumunta si Hesus sa Jerusalem at pumasok sa templo. Pagkatapos tingnan ang lahat ng bagay doon, lumabas siya at nagbalik sa Betania, kasama ang Labindalawa, palibhasa’y gumagabi na noon.

Kinabukasan, nang sila’y pagbalik na mula sa Betania, nagutom si Hesus. Natanaw nito sa di-kalayuan ang isang puno ng igos na madahon. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon, sapagkat hindi pa panahon ng igos noon. Kaya’t sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.” Ito’y narinig ng kanyang mga alagad.

Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok sa templo si Hesus. Kanyang ipinagtabuyan ang mga nagbibili at namimili roon at ipinagtaob ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at ang upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. Pinagbawalan niyang magdaan sa loob ng templo ang sinumang may dala-dalahan. At tinuruan niya ang mga tao. Sinabi niya, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw.”

Narinig ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Buhat noo’y humanap sila ng paraan upang mapatay si Hesus, sapagkat natatakot sila sa kanya, dahil sa humahanga ang lahat ng tao sa kanyang turo.

Pagdating ng gabi, lumabas na naman ng lungsod si Hesus at ang kanyang mga alagad.

Kinaumagahan, pagdaan nila’y nakita nilang patay na ang puno ng igos. Naalaala ni Pedro ang nangyari at kanyang sinabi kay Hesus, “Guro tingnan ninyo! Namatay ang puno ng igos na sinumpa ninyo.” Sumagot si Hesus, “Manalig kayo sa Diyos. Tandaan ninyo ito: kung sabihin ninuman sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan; tumalon ka sa dagat,’ na hindi siya nag-aalinlangan kundi nananalig na mangyayari ang sinabi niya, ito’y gagawin ng Diyos para sa kanya. Kaya’t sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo. Kapag kayo’y mananalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ipatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa langit ang inyong pagkakasala. Ngunit kung hindi kayo magpatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng iyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Tumawag tayo sa Diyos Ama, na ibinibigay ang kanyang pag-ibig at palagiang kalinga sa atin, hilingin natin na likhain niya sa ating mga puso at isip ang pagkakaroon ng bukal na pagsunod sa kanyang mga batas, ating bigkasin:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Dumito ka sa amin, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y turuan ang Bayan ng Diyos na sumunod sa kanyang mga batas hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging tapat sa pagsunod sa utos na ibigin ang Diyos at ibigin ang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nabubuhay sa kadiliman ng kasalanan nawa’y makatagpo ng inspirasyon at tapang na mamuhay sa hamon ng utos ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, mga nalulumbay, at lahat ng mga nagdurusa na kasama natin nawa’y hindi natin mapabayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tanggapin mo ang aming mga panalangin na iniaalay sa iyo nang may pananampalataya. Makilala nawa namin ang pag-ibig at kapayapaan ni Kristo, ang iyong Anak at aming Tagapagligtas. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 8,655 total views

 8,655 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 29,636 total views

 29,636 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 52,064 total views

 52,064 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 225,877 total views

 225,877 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 203,072 total views

 203,072 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Mayo 28, 2026

 1,870 total views

 1,870 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 3,534 total views

 3,534 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 5,070 total views

 5,070 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 4,152 total views

 4,152 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 3,378 total views

 3,378 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top