Huwebes, Mayo 28, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,089 total views

Kapistahan ng Panginoong Hesukristo,
Walang Hanggang at Dakilang Pari (A)

Genesis 22, 9-18
o kaya Hebreo 10, 4-10
Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Mateo 26, 36-42

Feast of Our Lord Jesus Christ, The Eternal High Priest (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 22, 9-18

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon: Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na, “Ang Panginoon ang Nagkaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao: “Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.” Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Hebreo 10, 4-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.
Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.

Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ —
Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin at mga handog dahil sa kasalanan” – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog na pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10-11ab. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Silang lumalapit sa iyo’y dulutan
ng ligaya’t galak na walang kapantay;
bayaang sabihing: “Ang Poon ay Dakila!”
ng nangaghahangad maligtas na kusa.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Filipos 2, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Masunuring Kristo Hesus
naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 26, 36-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama sila ni Hesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!” Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: “Ama ko, kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”

Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit mahina ang laman.”

Muli siyang lumayo at nanalangin: “Ama ko, kung hindi maiaalis ang kalis na ito nang hindi ko iinumin, mangyari ang iyong kalooban.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Hilingin natin sa ating Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang makasunod tayo sa kanya nang buong puso.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Guro, buksan mo ang aming mga mata.

Ang ating Simbahan nawa’y maging tanglaw ng liwanag na nagpapahayag ng mensahe ni Kristo sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang gawain ng kabutihang-loob, nawa’y lagi nating kalingain ang mga itinakwil, tinanggihan, at hindi minamahal sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Bartimeo, tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus at sumunod sa kanya sa daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na maiugnay ang kanilang mga dinaranas sa mga paghihirap ni Kristo upang makihati sila sa kanyang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y humimlay sa makalangit na kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama sa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makapamuhay kami sa liwanag ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 2,313 total views

 2,313 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 30,664 total views

 30,664 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 98,394 total views

 98,394 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 121,545 total views

 121,545 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 191,519 total views

 191,519 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 595 total views

 595 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 2,285 total views

 2,285 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 4,093 total views

 4,093 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 5,561 total views

 5,561 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

Linggo, Hulyo 19, 2026

 6,428 total views

 6,428 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top