HUWEBES, PEBRERO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo

Deuteronomio 30, 15-20
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Lucas 9, 22-25

Thursday after Ash Wednesdayย (Violet)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 30, 15-20

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao, โ€œNasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ang Panginoon, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Mabubuhay kayo nang matagal at kanyang pararamihin kayo. Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang diyos, ngayon paโ€™y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo. Hindi kayo magtatagal sa lupaing tatahanan ninyo sa ibayo ng Jordan. Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayoโ€™y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo ang Panginoon, makinig sa kanyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayun, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payoโ€™t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhikaโ€™y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niyaโ€™y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang dahoโ€™t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siyaโ€™y natatangay at naipapadpad kung hangiโ€™y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang sโ€™yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 17

Sinabi ng Poong mahal:
โ€œKasalanan ay talikdan,
pagsuway ay pagsisihan;
maghahari nang lubusan
ang Poong Dโ€™yos na Maykapal.โ€

MABUTING BALITA
Lucas 9, 22-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œAng Anak ng Taoโ€™y dapat magtiis ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.โ€

At sinabi niya sa lahat, โ€œKung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung ang katumbas naman nitoโ€™y ang kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siyaโ€™y mapapahamak?โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Huwebes Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo

Tinatawag tayo ng Panginoong Jesus upang sumunod sa kanya, magpasan ng krus katulad niya, at ihabilin sa kanya ang lahat ng nagdurusa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, loobin Mong ang Iyong krus ang aming maging kaligtasan.

Bilang mga kasapi ng Simbahan, nawaโ€™y maisabuhay natin ang diwa ng krus at maging hangang magpakasakit para kay Kristo at sa Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bayan nawaโ€™y mahabag sa mga mahihirap at gawin ang mga nararapat upang puksain ang pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa, mga dukha, maysakit, may kapansanan, at mga bilanggo nawaโ€™y hindi mawalan ng pag-asa, bagkus ay makaranas ng nagpapaginhawang pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-iisa sa buhay nawaโ€™y makatagpo ng mga taong handang dumamay sa kanilang mga problema sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga minamahal na yumao, maging ng kanilang mga naunang pumanaw na mga mahal sa buhay nawaโ€™y makaisa ng Diyos sa Langit, sa magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ang Pagpapakasakit at Pagkamatay ng iyong Anak ang nagbigay ng buhay sa mundo. Tulungan mo kaming alalahanin ang kahalagahan ng mga krus at paghihirap, hindi lamang sa mabibigat na pagsubok, kundi maging sa mga pagpapasyang ginagawa namin sa araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, โ€œkinamatayan na lang ang ayuda.โ€ Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More ยป

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, โ€œโ€ฆsi Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More ยป

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More ยป

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Churchโ€™s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More ยป

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging Dโ€™yos ay nagmamagandang-loob.

Read More ยป

Biyernes, Marso 6, 2026

Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa

Read More ยป

Huwebes, Marso 5, 2026

Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Read More ยป

Miyerkules, Marso 4, 2026

Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig moโ€™y walang maliw kayaโ€™t akoโ€™y โ€˜yong sagipin.

Read More ยป

Martes, Marso 3, 2026

Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay

Read More ยป

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top