Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Pebrero 5, 2026

SHARE THE TRUTH

 160 total views

Paggunita kay Santa Agata (Agueda), dalaga at martir

1 Hari 2, 1-4. 10-12
1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Marcos 6, 7-13

Memorial of St. Agatha, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
1 Hari 2, 1-4. 10-12

Pagbasa mula sa unang aklat ng Mga Hari

Nang sa pakiramdam ni David ay nalalapit na ang kanyang pagpanaw, sinabi niya kay Solomon: “Malapit na akong mamayapa. Magpakatatag ka at magpakalalaki. Tuparin mo ang iyong tungkulin sa Panginoon na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban. Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayun, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain; at tutuparin ng Panginoon ang pangako niya sa akin: ‘Kapag ang iyong mga anak at inapo ay nanatiling tapat sa akin at sumunod sa akin nang buong puso’t kaluluwa, hindi mapapatid ang iyong lahi sa trono ng Israel.’”

Namatay nga si Haring David ay inilibing siya sa Lungsod ni David. Apatnapung taon siyang naghari: pito sa Hebron at tatlumpu’t tatlo sa Jerusalem.

Naluklok si Solomon sa trono ni David at panatag ang kanyang paghahari.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Karapat-dapat kang purihin magpakailanman Panginoon!
Ang Diyos ni Jacob na aming ama.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay
pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan,
at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 7-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, tinawag ni Hesus ang Labindalawa, at sinugong dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, at pinagbilinan: “Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala. Ngunit magsuot kayo ng panyapak.” Sinabi rin niya sa kanila, “At sa alinmang tahanang inyong tuluyan – manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang dako, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa, bilang babala sa mga tagaroon.” Kaya’t humayo ang Labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila at talikdan ang kanilang mga kasalanan. Pinalayas nila ang maraming demonyo sa mga inaalihan nito; pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Inaanyayahan tayo ng Diyos Ama upang maging mga lingkod niya sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Manalangin tayo para sa biyaya na ating maunawaan ang dignidad ng ating misyon at para sa kinakailangang lakas upang maisagawa ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Samahan Mo ang iyong mga isinugo, O Panginoon.

Ang naglalakbay na Simbahan nawa’y higit na humikayat ng mga tao upang magbagumbuhay sa pamamagitan ng pagiging saksi kay Jesu-Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero na nagpupunyagi sa ibang bansa nawa’y biyayaan ng Diyos ng mayamang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y patuloy na magsumikap na ibahagi ang pananampalataya sa kanilang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong nabibigatan sa mga kasawian sa buhay nawa’y maipakita nating lahat ang ating pag-aaruga, pakikiisa, pag-ibig, at pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y maging malaya sa mga alalahanin sa mundong ito at magkamit ng kasiyahan ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nagtitiwala kami sa iyo. Pinili mo kami sa pamamagitan ni Kristo upang ipahayag ang pag-ibig na iyong ipinakita sa amin. Gawin mo kaming tapat sa mensahe ng Ebanghelyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan ang mga “makabayan”?

 16,077 total views

 16,077 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 171,178 total views

 171,178 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 215,718 total views

 215,718 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 247,005 total views

 247,005 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 262,635 total views

 262,635 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Pebrero 4, 2026

 1,044 total views

 1,044 total views Miyerkules ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Samuel 24, 2. 9-17 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 D’yos ko, ako’y

Read More »

Martes, Pebrero 3, 2026

 1,940 total views

 1,940 total views Martes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Blas, obispo at martir o kaya San Anscar (Oscar), martir 2

Read More »

Lunes, Pebrero 2, 2026

 2,108 total views

 2,108 total views Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo Malakias 3, 1-4 Salmo 23, 7. 8. 9. 10. D’yos na makapangyariha’y dakilang hari

Read More »

Linggo, Pebrero 1, 2026

 1,988 total views

 1,988 total views Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Sofonias 2, 3; 3, 12-13 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mga aba ay mapalad, D’yos ang

Read More »

Martes, Setyembre 30, 2025

 89,502 total views

 89,502 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top