Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, SETYEMBRE 22, 2022

SHARE THE TRUTH

 384 total views

Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Mangangaral 1, 2-11
Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Lucas 9, 7-9

Thursday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Mangangaral 1, 2-11

Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral

Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay. Magpakahirap ka man, gumawa man nang gumawa ay wala ring mapapala. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga; habang araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit di ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makakayang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. Ang naganap noon ay nangyayari ngayon. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Walang bagong pangyayari sa ibabaw ng daigdig. Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito’y bago.” Ngunit naganap na yaon noong di pa tayo tao. Di na maalaala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malilimutan din sa hinaharap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Yaong taong nilikha mo’y bumalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon, ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Mga tao’y pumapanaw na para mong winawalis,
parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.
Parang damong tumutubi, na may taglay na bulaklak,
kung gumabi’y nalalanta’t bulaklak ay nalalagas.

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon,
itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan magtitiis na magdusa, Panginoon,
kaming iyong mga lingkod na naghihirap sa ngayon?

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit.
Panginoon naming Diyos, kami sana’y pagpalain,
magtagumpay sana kami sa anumang aming gawin!

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 7-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagsasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kaya’t ang sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.” At pinagsikapan niyang makita si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Alam natin na napakaraming kasamaan sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, nagapi ni Jesus ang kasamaan. Manalangin tayo sa Ama upang magwagi ang kabutihan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sinagan nawa kami ng Iyong liwanag, O Panginoon.

Ang Simbahang naglalakbay nawa’y magbigay ng liwanag sa mga tao para baguhin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tapat na pagsaksi kay Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa nawa’y isuko ang walang saysay na pagkakaroon ng makapangyarihan at mapanirang gamit pandigmaan at sa halip mamuhay sila nang sama-sama, mapayapa at nagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala nawa’y magtagumpay na makamit ang kanilang kalayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y tumangaap ng kalinga ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makalaya na sa mga kaguluhan ng mundong ito at magkamit ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng kasamaan at hayaan mo na ang iyong kabutihan ang patuloy na magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,672 total views

 107,672 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,447 total views

 115,447 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,627 total views

 123,627 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,610 total views

 138,610 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,553 total views

 142,553 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Abril 24, 2025

 308 total views

 308 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 23, 2025

 1,057 total views

 1,057 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Martes, Abril 22, 2025

 1,424 total views

 1,424 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 1,826 total views

 1,826 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 2,727 total views

 2,727 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 2,966 total views

 2,966 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 2,826 total views

 2,826 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 3,041 total views

 3,041 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 3,427 total views

 3,427 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 3,458 total views

 3,458 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 3,683 total views

 3,683 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 3,922 total views

 3,922 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 4,453 total views

 4,453 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 4,510 total views

 4,510 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 4,739 total views

 4,739 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »
Scroll to Top