Miyerkules, Abril 15, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,948 total reads

Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 5, 17-26
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Juan 3, 16-21

Wednesday of the Second Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 17-26

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, inggit na inggit ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niya na kaanib na sekta ng mga Saduseo, kaya’t kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha’y binuksan ng anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, “Pumaroon kayo sa templo at mangaral tungkol sa bagong pamumuhay na ito.”

Sumunod naman ang mga apostol, kaya’t nang magbubukang-liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo.

Nang dumating ang pinakapunong saserdote at ang mga kasama niya, tinawag nila ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol. Ngunit pagdating doon ng mga bantay, wala na ang mga iyon. Kaya’t nagbalik sila sa Sanedrin at ganito ang ulat: “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang bilangguan at nakatayo ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” Nabahala ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo nang marinig ito, at di nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo’t nagtuturo sa mga tao.” Kaya’t ang kapitan ay pumunta sa templo, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi gumagamit ng dahas dahil sa pangambang sila’y batuhin ng mga tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

o kaya: Aleluya!

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’y naligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

ALELUYA
Juan 3, 16

Aleluya! Aleluya!
Kaylaki ng pagmamahal
ng Diyos sa sanlibutan
kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa’y pagsunod sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Taglay ang pagtitiwala, ilapit natin ang ating mga alalahanin sa Diyos Ama na labis na nagmahal sa mundo kaya’t ibinigay ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang mga naniwala sa kanya, bagkus ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa ngalan ni Jesus, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y laging maging buhay na tanda ng pag-ibig at habag ng Diyos sa mga panahon ng kadiliman at kawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pamumuhay, nawa’y maipadama natin sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga ginagawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pag-ibig ng Diyos nawa’y maghatid ng kapayapaan sa ating mga puso at pagkakasundo ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga at pagkalinga ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahal natin sa buhay na namayapa nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tunghayan mo nang may pag-ibig ang iyong mga anak at patnubayan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa kaligtasan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

TRULY BLESSED

 981 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 1,201 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,447 total reads

Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Nitong nakaraang linggo, tumutok ang pagdinig sa Article II na inaakusahan ang bise presidente ng pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman, pagsusumite ng maling statement of assets, liabilities, and net worth (o SALN), at patuloy na pagkita mula sa mga pribadong negosyo. Iniharap ng prosekusyon ang mga financial experts, bank representatives, at mga tax executives para ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

Gaya ng inaasahan, masyadong teknikal ang mga narinig natin mula sa mga ipinresentang witnesses. Pero narito ang ilan sa mga naungkat sa pagdinig.

Una, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (o AMLC) ang mga suspicious o kahina-hinalang transaksyon na kinasasangkutan ni VP Sara at ng kanyang mister. Umabot sa 4.4 bilyong piso ang halaga ng mga transaksyong ito.

Pangalawa, ipinakita rin ng records mula sa AMLC na nakatanggap ang isang kompanya ng asawa ni VP Sara ng 319 milyong piso mula sa mga kompanyang nakabase sa China. 

Pangatlo, natuklasan sa mga records na ang mga joint accounts nina VP Sara at ng kanyang tatay na si dating Pangulong Digong Duterte ay tumanggap ng mga depositong nagkakahalaga ng 193 milyong piso. Nangyari lang ito sa isang araw!

Pang-apat, lumabas sa mga bank records nina VP Sara at kanyang asawa na meron silang 59 milyong piso noong 2022, pero hindi ito inilagay ng bise presidente sa kanyang SALN.

Panghuli, nakatanggap si VP Sara ng suweldo mula sa Davao City LGU kahit pa bise presidente na siya. May mga tinanggap din siyang kabayaran at mga cash holdings na lampas-lampas sa kanyang suweldo.

Malinaw ang ating Saligang Batas: “Public office is a public trust.” Ang mga pinuno at mga kawani ng gobyerno ay kinakailangang laging nananagot sa taumbayan. Dapat silang maglingkod nang may pinakamataas na integridad, dangal, katapatan, at kahusayan. Dapat taglay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang pagkamakabayan at katarungan. Inaasahan din silang mamuhay nang buong kapakumbabaan. 

Sa unang araw ng kanilang pag-upo sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila ng pinakamaraming botante, nanumpa silang tutupdin ang itinakdang ito ng Konstitusyon. Sa araw na iyon, pumasok sila sa isang kasunduan sa taumbayan. Hindi natin dapat kalimutan ang kasunduang iyon, at dito papasok ang impeachment trial. Ito ang tamang paraan para papanagutin (o gawing accountable) ang mga lider na hindi tumupad sa ating kasunduan sa kanila. Ito ang tamang paraan para sabihin sa ating mga pinuno na binabantayan natin sila at na mahalaga sa atin ang katotohanan. Sabi nga sa Mga Efeso 5:13-14, “Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.” Liwanag ang dala ng impeachment trial.

Pinahahalagahan maging ng ating Simbahan ang pagpapanagot sa ating mga lider. Ang paglilingkod sa bayan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan at pribilehiyo. Ito ay isang morál na obligasyon ng pagsisilbi, at salungat na salungat dito ang pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust. Pinagtataksilan ng mga pinuno ng pamahalaan ang tiwalang ito kapag meron silang itinatagong yaman, kapag kumikita sila labás sa kanilang trabaho, at kapag may iba pa silang interes maliban sa pagsisilbi sa bayan. 

Mga Kapanalig, kapag sariling interes ang inuuna ng mga nasa gobyerno, napagkakaitan ang publiko ng tapat na serbisyo at epektibong solusyon sa mga problema. Ganito kabigat ang betrayal of public trust—ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan. Ito sana ang makita ng mga kababayan nating patuloy na nagogoyo ng pakitang-tao ng mga pulitiko, nakukuntento na lang sa panandaliang ayuda, at nabubulag sa pagkapanatiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,448 total reads

 10,448 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,755 total reads

 238,755 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,221 total reads

 132,221 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,250 total reads

 226,250 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,076 total reads

 270,076 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 1,037 total reads

 1,037 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 2,200 total reads

 2,200 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 4,340 total reads

 4,340 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 4,680 total reads

 4,680 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 6,862 total reads

 6,862 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top