LINGGO, ABRIL 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,188 total reads

Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 10, 34a. 37-43
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Colosas 3, 1-4
o kaya 1 Corinto 5, 6b-8
Juan 20, 1-9
o kaya Lucas 24, 13-35

Easter Sunday of the Lord’s Resurrection (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 10, 34a. 37-43

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, “Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay. Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

o kaya: Aleluya!

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos,
pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Ang lakas ng Poon,
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

IKALAWANG PAGBASA
Colosas 3, 1-4

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid:

Binuhay kayong muli, kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y natatago sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Kristo ang tunay na buhay ninyo, at pag siya’y nahayag, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
1 Corinto 5, 6b-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa?” Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura – at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa – si Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Purihin si Hesukristo
hain para sa tao.

Nagligtas na Kordero
nang makasundo tayo
ng Amang Lumikha nitong mundo.

Buhay at kamatayan
kapwa nagtunggalian
at ang nagtagumpay
“Pagkabuhay.”

Ano ba Maria,
ang ‘yong mga nakita?

Puntod ni Kristong nabuhay,
liwanag niya’t kaningningan.

Anghel na malinaw,
kumot at kasuotan.

Buhay si Kristong pag-asa
pupunta s’ya sa Galilea.

Kami’y sumasampalatayang
buhay kang talaga,
Hari ng ligaya,
magbasbas ka.

ALELUYA
1 Corinto 5, 7b-8a

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y inihain na
pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayo sa kanya!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuloy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangang muling mabuhay si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Sa pagmimisa sa hapon, maipapahayag ito.

Lucas 24, 13-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila. “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Pinupuspos tayo ng galak at pag-asa ng mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay. Nadarama natin ang tapat na hangaring magpanibagong buhay na may katapatan, kalinisan, pagtatalaga at pag-ibig. Hingin natin sa Panginoon na ang lahat ng ito’y magkaroon ng katuparan habang idinadalangin natin:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Upang ang sambayanan ng mga mananampalataya ay magbigay saksi sa muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng kanilang patuloy na pagbabagong-loob, manalangin tayo!

Upang ang Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng ating mga pinunong espirituwal ay magtamo ng kasiyahan at kapayapaang buhat sa muling pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo!

Upang ang mga nasa madilim na libingan ng kasalanan ay makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng lakas upang mamuhay nang tapat sa Ebanghelyo, manalangin tayo!

Upang ang mga nasisiraan ng loob sa di-masupil na karahasan, paniniil at paghihirap ay makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng kinakailangang lakas ng loob upang magpatuloy sa pagtatatag ng isang matinong lipunan, manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay makatanggap ng pagpapala ng Muling Pagkabuhay – isang malalim na pagpapanibago sa ating pagpapahalagang moral, panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal na mga institusyon, manalangin tayo!

Ipanalangin natin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ang kaningningan nawa ng Muling Pagkabuhay ni Kristo ang tumanglaw lagi sa aming mga buhay. At ang aming mga kaisipan, salita at gawain nawa ang magpatotoo sa bagong buhay na ipinagkaloob Mo sa amin. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen!

LEADERSHIP PROBLEM

 191,778 total reads

Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na inflation na nagpapabagal sa takbo ng ekonomiya, nagpapataas sa halaga ng mga pangunahing bilihin, mababang pasahod, tumitinding banta ng El Nino phenomenon, kawalan ng trabaho, epekto ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng Piso., at matindi, ang hindi masawatang katiwalian at korapsyon sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Dahil sa kabiguan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang oil price shocks, 30-percent ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino ang pumapasan sa epekto ng 9.7-porsiyentong inflation rate na naitala noong nakaraang February 2026.

Kinastigo ng IBON foundation ang administrasyong Marcos sa hindi paggamit ng national emergency powers sa ilalim ng Executive Order No. 110 upang tugunan ang oil price shocks gayundin ang kapangyarihan na kontrolin ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa ilalim ng Section 8 ng Price Act o RA 7581.

Tinatayang 21.4-milyong mahihirap na Pilipino at lower-middle class na pamilya o 96-milyong Pilipino ang matinding tinamaan ng epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis. Ang sagot ng administrasyon., one-time assistance sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods,Industry,Food and Transport o UPLIFT na nagkakahalaga lamang 1,500-pesos hanggang 5,000-piso sa kabuuang 2.7-milyong benepisaryo. Isa itong malabnaw na tugon sa problema?

Walang sariling pananagutan… Mismong ang PBBM ang nagbunyag ng talamak sa sariling pamamahala, nagsimula ito sa multi-bilyong pisong flood control projects scam na umabot sa pagkakabunyag kung paano inililihis ang badyet tungo sa pangungurakot at pork barrel na mismong pinirmahan ng pangulo. Hindi pa nahuhuli at pinapanagot ang sinasabing pangunahing operator na sina Zaldy Co at dating house speaker Martin Romualdez. Sa 200 na kongresistang nakakuha ng pondo sa flood control projects ay tatlo lamang ang nakasuhan., sa mga Senador, dalawa lamang ang nakasuhan at nakulong. Isa lamang sa gabinete ng pangulo ang nakulong sa sistematikong katiwalian. Anong nangyari Kapanalig? Bakit?

Ang nangyayari, walang pagsisisi, walang pagwawastong ginawa at wala ding paliwanag. Tahimik ang administrasyong Marcos kung paano idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2024, 2025 at 2026 national budget na punong-puno ng pondo para sa korapsyon, pork barrel at paghahanda para sa eleksyong 2028?

Dahil walang pananagutan, walang pagsisisi, walang napaparusahan… tuloy ang walang kabusugan sa pera ng taumbayan ang Kongreso. Nabunyag na mahigit sa isang (1) trilyong piso ang ginawang budget insertions ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang 2.7-trilyong pisong national budget para sa taong 2027. Ang nakakagalit Kapanalig, kahit idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional na itaas ang pondo sa orihinal na kahilingan ng Office of the President sa para sa 2027., ipinagtanggol pa ng tanggapan ng pangulo ang bloated na 2027 national budget. Anong klaseng lider ng bansa ang pangulong Marcos Jr.?

Kapanalig, ang hindi maikubling krisis at problema ng bansa.., ay ang liderato! Ang problema natin., ang lider na umiiwas sa pananagutan.

Kapanalig, iginigiit ng Matthew 20:25-28, “Jesus instructs His disciples that whoever wants to become great must be a servant”.

Kailan kaya maisasabuhay ng ating mga lider ang sinasabi ng Mark 10:43-45– “Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, and whoever wants to be first must be slave of all. For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.”

Sumainyo ang Katotohanan.

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 19,856 total reads

Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan

Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko nang ibahagi sa inyo ang pagninilay na ito. Maaari ninyo itong i-save muna at balikan pagdating ng Adbiyento.

Tungkol ito sa Ikalawang Pagparito ni Kristo, pero marahil ay hindi sa paraang nakasanayan nating isipin. Tungkol ito sa isang napakagandang pag-asa: ang pangarap ng Diyos para sa sangkatauhan, at ang kahanga-hangang pagkatao na naghihintay pang lubusang mahayag sa ating lahat.

Ito ang bunga ng aking maagang “Coffee with Jesus” ngayong umaga, na hango sa ating unang pagbasa ngayon mula sa Filipos 1:1–11.

Paano kung ang hinihintay nating “Muling Pagdating” ni Kristo ay hindi lamang tungkol sa pagbabalik niya sa kaluwalhatian sa katapusan ng panahon? Paano kung tungkol din ito sa ganap na paglitaw ng isang bagong sangkatauhan—isang sangkatauhang lubusan nang nabago ayon sa kanyang larawan?

Ito ang pumasok sa isip ko habang pinagninilayan ko ang sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos. Dalawang beses niyang binanggit sa unang kabanata ang darating na “Araw ni Kristo Hesus” (Fil 1:6, 10). Buo ang kanyang tiwala na ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawain sa atin ay Siya ring magdadala nito sa kaganapan pagdating ng araw na iyon.

Ano kaya ang mabuting gawaing ito na gustong tapusin ng Diyos?Sa palagay ko, may kinalaman ito sa orihinal na pangarap ng Diyos para sa sangkatauhan.

Sa Aklat ng Genesis, sinasabing nilikha ang tao ayon sa hugis at wangis ng Diyos. Ibig sabihin, nilikha tayo upang maipakita sa ating buhay ang kabutihan, karunungan, kalayaan, at pag-ibig ng Diyos.

Pero sa paglipas ng panahon, nasira natin ang larawang iyon. Sa halip na magmalasakit sa isa’t isa, natuto tayong mang-api. Sa halip na magkaisa, nagkawatak-watak tayo. Sa halip na pangalagaan ang buhay, nakagawa tayo ng mas makabago at mas malulupit na paraan ng pagpatay at pagsira nito.

Kung minsan, para na tayong mga mababangis na hayop sa pakikitungo natin sa kapwa.

Naalala ko tuloy ang isang kakaibang pangitain sa ikapitong kabanata ng Aklat ni Daniel. Nakita ni Daniel ang apat na nakakatakot na halimaw na umaahon mula sa dagat. Kumakatawan ang mga ito sa mga makapangyarihang kaharian at imperyong naghahari sa pamamagitan ng dahas, pananakop, at pang-aapi.

Pero biglang nagbago ang kanyang pangitain. May lumitaw na isang nilalang na inilalarawan bilang “isang tulad ng anak ng tao”—ibig sabihin, isang mukhang tao, hindi halimaw. Hindi tulad ng mga mababangis na hayop, ang nilalang na ito ay tumanggap mula sa Diyos ng isang kahariang hindi kailanman magwawakas.

At ito ang nakakatuwa: sa bandang huli, ipinaliwanag ni Daniel na ang kahariang iyon ay ibibigay sa mga banal ng Kataas-taasang Diyos—sa bayan ng Diyos.

Hindi kaya ito isang pangitain tungkol sa sangkatauhang sa wakas ay makakabalik sa tunay nitong pagkatao? Isang mundong hindi na pinaghaharian ng mga taong asal-hayop, kundi ng mga taong marunong nang mamuhay bilang tunay na tao?

Lalong nagiging makabuluhan ang pangitaing ito kapag iniugnay natin kay Hesukristo. Tinawag ni San Pablo si Hesus na “Bagong Adan”. Ang unang Adan ay kumakatawan sa sangkatauhan sa kasalukuyan nating kalagayan—sugatan ng kasalanan, watak-watak, puno ng takot, sakop ng kamatayan, at laging natutuksong mangibabaw sa kapwa.

Pero ipinakita ni Hesus na may ibang paraan ng pagiging tao. Siya ang Anak ng Diyos na naging tao upang ipakita sa atin kung ano ang tunay na pagkataong lubusang nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos.

At hindi niya balak na Siya lamang ang maging ganoon. Sa Unang Sulat sa mga taga-Corinto, may sinabi si San Pablo na talagang kahanga-hanga:

“Kung paanong ang katawan ay iisa ngunit binubuo ng maraming bahagi … gayundin naman si Kristo.” (1 Cor 12:12)

Pansinin ninyo. Hindi sinabi ni Pablo, “Gayundin naman ang Simbahan.” Ang sinabi niya ay “Gayundin naman si Kristo.”

Ibig sabihin, hindi lamang isang indibidwal si Kristo. Siya ang ulo ng isang katawan na binubuo ng maraming bahagi—mga taong tinawag upang makibahagi sa kanyang buhay at misyon.

Ito ang maaari nating tawaging corporate Christ, o ang Kristong may iisang Katawan na binubuo ng marami—isang sambayanang natututong mamuhay sa pagkakaisa, pagmamalasakit, at pag-ibig.

Hindi kaya ang tinatawag ni Pablo na “Araw ni Kristo Hesus” ay hindi lamang ang araw ng maluwalhating pagbabalik ng Panginoon, kundi ang araw din ng ganap na paghahayag ng kanyang buong Katawan? Ang araw na mahahayag na sa wakas ang bagong sangkatauhang unti-unting hinuhubog ni Kristo sa buong kasaysayan?

Pero paano nga ba mabubuo ang bagong sangkatauhang ito? Ibinigay ni San Pablo ang sagot sa ikalawang kabanata ng Filipos, sa kanyang napakagandang awit tungkol sa pagpapakumbaba at kusang pagbibigay ng sarili ni Kristo. Ang tawag dito sa teolohiya ay kenosis, o pag-aalis ng sarili sa sentro upang magbigay-daan sa pag-ibig.

Bagama’t taglay ni Hesus ang kalagayang maka-Diyos, hindi niya ginamit ang pagiging kapantay ng Diyos para sa sariling kapakinabangan. Sa halip, hinubad niya ang kanyang kaluwalhatian, tinanggap ang kalagayan ng isang alipin, at nagpakumbaba hanggang sa kamatayan sa krus.

At saka lamang nagsalita si Pablo tungkol sa kanyang pagdakila. Baligtad na baligtad ito sa karaniwan nating pag-unawa sa kadakilaan! Para sa atin, ang pagiging dakila ay madalas nangangahulugan ng pag-angat sa ibabaw ng iba, pagkakaroon ng maraming pera, kapangyarihan, impluwensiya, at katanyagan.

Pero ibang daan ang itinuro ni Hesus: nagiging tunay tayong dakila kapag natututo tayong ialay ang ating sarili para sa kapwa. Bago makarating ang sangkatauhan sa kaluwalhatian, kailangan muna nitong matutuhan ang pagpapakumbaba at pagbibigay ng sarili. Bago tayo makibahagi sa kaluwalhatian ni Kristo, kailangan muna nating matutuhang makibahagi sa kanyang malasakit, paglilingkod, pagdurusa, at pag-ibig na handang magsakripisyo.

Marahil ito ang pinakamalalim na kahulugan ng pagtubos.

Hindi inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagtatapon dito at paglikha ng panibagong sangkatauhan mula sa wala. Inililigtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago sa atin mula sa kaibuturan ng ating pagkatao.

Ang lumang pagkataong pinaghaharian ng takot, kasakiman, inggitan, pag-aagawan, at pang-aapi ay kailangang magbigay-daan sa bagong pagkataong marunong makiisa, makiramay, magtaguyod ng katarungan, at magmahal.

At hindi lamang ito usaping panrelihiyon. Kahit ang mga taong hindi relihiyoso o hindi naniniwala sa Diyos ay maaaring maka-relate sa isang napakahalagang tanong na kinakaharap natin ngayon: “Anong klaseng mga tao na ba ang unti-unti nating kinahihinatnan?”

Napakalayo na ng narating natin sa teknolohiya. Pero mas naging makatao ba tayo? Kaya na nating makipag-usap sa mga tao sa kabilang panig ng mundo sa loob lamang ng ilang segundo. Pero natuto na ba talaga tayong umunawa sa isa’t isa?

Napakalaki na ng kapangyarihan natin sa kalikasan. Pero natuto na ba tayong gamitin ang kapangyarihang ito nang may pananagutan? Baka ang pinakamalaking krisis natin ngayon ay hindi lamang tungkol sa teknolohiya, ekonomiya, o pulitika. Baka ang tunay nating krisis ay ang unti-unting pagkawala ng ating pagkatao.

Ito ang dahilan kung bakit nagbibigay sa akin ng malaking pag-asa ang binibigyang-diin ni Pope Leo XIV sa kanyang Magnifica Humanitas—ang kahanga-hangang pagkataong kailangan nating muling tuklasin at linangin hanggang sa kaganapan nito.

May isang bagay na tunay na kahanga-hanga sa pagiging tao. Hindi dahil perpekto na tayo, kundi dahil kaya pa nating magbago at maging mas mabuti kaysa sa kasalukuyan nating kalagayan.
Kaya nating piliin ang malasakit sa halip na kalupitan, ang pakikipagkasundo sa halip na paghihiganti, ang pagbibigay sa halip na pagkamakasarili, at ang pakikiisa sa halip na kawalang-pakialam.

Para sa ating mga Kristiyano, si Hesus ay hindi lamang Tagapagligtas na tumutubos sa atin mula sa kasalanan at kamatayan. Siya rin ang nagpapakita sa atin kung ano ang ibig sabihin ng maging tunay na tao. At ang kanyang muling pagkabuhay ang katiyakan mula sa Diyos na ang daan ng pagmamahal at pagbibigay ng sarili, kahit mukhang mahina at talunan sa mata ng mundo, ay hindi isang daang walang patutunguhan.

Kaya para sa akin, ang “Araw ni Kristo Hesus” ay isang magandang balita ng pag-asa, hindi isang nakakatakot na babala ng parusa at kapahamakan.

Hindi ito tungkol sa pagkawasak ng mundo o sa paglipol sa sangkatauhan. Tungkol ito sa katuparan ng plano ng Diyos na iligtas at baguhin ang lahat: ang ganap na tagumpay ng buhay laban sa kamatayan, ng pag-ibig laban sa poot, ng pagkakaisa laban sa pagkakawatak-watak, at ng tunay na pagkatao laban sa lahat ng uri ng makahayop na paghahari at pang-aapi.

Siyempre, ang ganap na pagbabagong ito ay biyaya ng Diyos. Hindi natin kayang likhain ang Kaharian ng Diyos sa sarili lamang nating pagsisikap. Pero maaari na tayong makibahagi ngayon pa lamang sa bagong sangkatauhang sinimulan ni Kristo.

Sa bawat pagpapatawad, sa bawat munting gawa ng malasakit, sa bawat matapang na pagtatanggol sa dignidad ng tao, sa bawat pagsisikap na magtaguyod ng kapayapaan sa halip na maghanda para sa digmaan—unti-unti nang isinisilang ang bagong sangkatauhan.

At marahil ito ang magandang pagnilayan natin sa darating na Adbiyento. Hindi lamang tayo naghihintay sa muling pagparito ni Kristo. Hinahayaan din nating unti-unting mahubog si Kristo sa ating pagkatao, bilang mga indibidwal at bilang isang sambayanan, hanggang sa marating ng kanyang Katawan ang kaganapan nito.

Hindi nakatakdang manaig ang mga halimaw sa kinabukasan ng sangkatauhan. Tinitiyak sa atin ng pangitain ni Daniel na hindi ang mga makahayop na imperyo ang may huling salita.

Ang huling salita ay nasa Kanya na naging tao upang matamo ng sangkatauhan ang nilayon ng Diyos sa paglikha sa atin mula pa sa simula. Kaya maaari nating harapin ang kinabukasan nang may pagtitiwala, hindi nang may takot at kawalan ng pag-asa.

Dahil ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawain sa atin ay Siya ring magdadala nito sa kaganapan “sa Araw ni Kristo Hesus.” (Fil 1:6)

UNLEARNING OLD HABITS

 19,868 total reads

Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues to deal with the national budget.

In 2013, the Supreme Court declared the congressional pork barrel system unconstitutional. In Belgica v. Ochoa, it ruled against personal lump-sum allocations that legislators could use to choose their own projects, as well as formal and informal arrangements allowing them to participate in implementing the budget.

Yet, more than a decade later, pork barrel politics appears to have survived, assuming different forms and finding new ways of entering the national budget.

Why is this old habit so difficult to break?

I suspect it has much to do with our deeply entrenched politics of patronage, reinforced by political dynasties. When public projects and assistance programs become associated with the generosity of politicians rather than the rights of citizens, public funds become powerful instruments for cultivating political loyalty.

This is why I find the recent findings of the People’s Budget Coalition (PBC) and the young citizen budget-watchers of BetterGov.ph, popularly known as the “Angry Nerds,” particularly disturbing.

They have identified four categories of budget allocations vulnerable to political patronage:

1. HARD PORK — Infrastructure projects such as roads, bridges, flood control structures, and multipurpose buildings. These become vulnerable to abuse when projects are selected for political reasons rather than actual public need, or when their locations, costs, and specifications cannot be independently verified.

2. SOFT PORK — Social assistance programs, including medical, educational, and financial assistance. These are necessary programs, especially for the poor. But they become instruments of patronage when access to assistance depends on politicians’ referrals, recommendations, or endorsements, making citizens feel indebted to politicians for benefits funded by their own taxes.

3. SHADOW PORK — Funds hidden, so to speak, in less transparent budget mechanisms, particularly unprogrammed appropriations or standby funds. These may be legitimate when properly authorized and safeguarded, but they become vulnerable to abuse when their purposes and conditions for release are vague.

4. LOCAL PORK — Funds distributed to local governments through mechanisms such as the Local Government Support Fund. These can support genuine local development, but become susceptible to patronage when allocations are influenced by political connections rather than transparent and equitable criteria.

These are categories of risk identified by budget watchdogs, not proof that every project or program is corrupt.

According to PBC’s preliminary analysis of the House-approved 2027 budget, nearly 7,000 infrastructure projects worth approximately ₱190 billion were added without publicly available supporting project documents. Around ₱172 billion of these additions involved nearly 6,200 DPWH projects.

The House leadership objects to calling these additions “insertions.” They insist that Congress has the constitutional power to introduce amendments to the President’s National Expenditure Program.

Of course it does! Nobody is questioning Congress’s power to scrutinize and amend the proposed budget.

But the power of the purse is not an unlimited power to distribute public funds according to political discretion.

The Constitution gives the President the responsibility to prepare and submit the national budget, Congress the responsibility to deliberate and authorize appropriations, and the Executive the responsibility to implement the approved budget.

In Belgica v. Ochoa, the Supreme Court made clear that legislators cannot be given personal discretionary allocations or exercise executive powers over the implementation of projects. It even prohibited informal arrangements that have substantially the same effect.

And just this October, the Supreme Court again emphasized constitutional limits on congressional budget powers, ruling against increases in appropriations that exceeded the President’s recommended total and invalidating certain provisions governing unprogrammed funds.

These rulings do not mean that every congressional amendment or lump-sum appropriation is unconstitutional. But they remind us that the power to amend is subject to constitutional safeguards.
This is why the PBC findings demand serious examination.

Were these additional projects independently evaluated by the implementing agencies? Who proposed them? What needs assessments and cost estimates justify them? Were legislators effectively given predetermined allocations to distribute among their districts?

And if so, how different would that be, in substance, from the old pork barrel arrangements that the Supreme Court already prohibited?

I am not suggesting that every congressional amendment is corrupt. Many communities genuinely need roads, schools, hospitals, irrigation systems, and social assistance. But precisely because these needs are real, they should never become instruments of political patronage.

The Senate now has an opportunity—and a responsibility—to demand full disclosure of the proponents, locations, technical specifications, costs, and justifications of the House-added projects. Those that cannot be adequately justified should be removed. If questionable items survive Congress, the President must seriously consider exercising his constitutional veto power.

The Executive, too, must explain whether its own agencies have technically evaluated these additions. It cannot simply defend them on the assumption that they might benefit the public.
Above all, we need to dismantle the culture of patronage that keeps resurrecting pork barrel politics under different names.

Public funds are not the personal generosity of politicians. They are the people’s money, entrusted to public officials for the common good.

Perhaps this is the old habit we most urgently need to unlearn: treating public office as a means of dispensing favors, instead of a responsibility to serve citizens fairly.

I am grateful to the People’s Budget Coalition and the “Angry Nerds” for helping us see what is happening to our national budget. Their work reminds us that democracy requires more than elections. It requires informed citizens who continue to watch over how their government exercises power.

As they remind us:

“Buwis natin ’to. Boto natin ’to. Budget natin ’to.”

It is time to unlearn the politics of patronage—and relearn the politics of public service.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 191,779 total reads

 191,779 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 220,100 total reads

 220,100 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 254,222 total reads

 254,222 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 310,626 total reads

 310,626 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 558 total reads

 558 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 3,080 total reads

 3,080 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 5,165 total reads

 5,165 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 7,083 total reads

 7,083 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 8,182 total reads

 8,182 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top