Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, HULYO 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 172,256 total views

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Ezekiel 2, 2-5
Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

2 Corinto 12, 7-10
Marcos 6, 1-6

Fourteenth Sunday in Ordinary Timeย (Green)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 2, 2-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon, nilukuban ako ng Espiritu at itinayo ako upang pakinggan ang isang tinig na nagsasabi: โ€œTao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon. Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan. Kaya puntahan mo sila at sabihin mong ito ang ipinasasabi ng Panginoong Diyos. Sa makinig sila o sa hindi โ€” pagkat matigas nga ang kanilang ulo โ€” malalaman nilang may isang propeta sa gitna nila.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad koโ€™y aliping ang inaasahan
ay ang amo niya para matulungan.

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, Poon, sa amiโ€™y maawa.
Mahabag ka sana, kamiโ€™y kaawaan,
labis na ang hirap naming tinataglay.

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Kamiโ€™y hinahamak ng mga mayaman,
matagal na kaming laging inuuyam
ng mapang-aliping palaloโ€™t mayabang.

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 12, 7-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, para hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, akoโ€™y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing pamalo ni Satanas upang huwag akong magpalalo. Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit ganito ang kanyang sagot, โ€œAng tulong koโ€™y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.โ€ Kayaโ€™t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako maโ€™y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukhaโ€™y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, โ€œSaan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?โ€ At siyaโ€™y ayaw nilang kilanlin. Kayaโ€™t sinabi ni Hesus sa kanila, โ€œAng propetaโ€™y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.โ€ Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Malinaw na palatandaan ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang bayan ang mga propeta. Kailangan natin sila ngayon tulad noong una. Ipanalangin natin ang lahat ng tinatawag sa ganitong uri ng paglilingkod sa ating panahon:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!

Nawaโ€™y ang Simbahang Katolika ay maging tapat, maging walang takot o pag-aalinlangan sa kanyang tungkulin bilang propeta sa daigdig. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y ang mensahe ng mga propeta noong araw ay maiangkop sa ating kalagayan ngayon at mapagbunga ng pagbabalik-loob at kabutihan. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y lumago ang tunay na propesiya sa Simbahan at kilalanin ng kanyang mga pinuno at mga mananampalataya. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y ang mga nahirang sa paglilingkod bilang propeta ngayon ay di mangamba sa hamon
sa kanilang misyon o sa banta ng pagtatakwil. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y ang mga nahirang sa paglilingkod bilang propeta ay mamuhay nang alinsunod sa mensaheng kanilang ipinangangaral. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y lahat ng tumatanggap ng Sakramento ng Pagpapahid ng Langis, kasama ng kanilang mga mahal sa buhay, ay makapagkamit ng kapangyarihan ng Panginoon at maging tanda nawa sila ng habag at pag-asa para sa lahat. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, padalhan Mo kami ng marami at karapat-dapat na mga propeta para malinaw naming makilala ang Iyong kalooban at tupdin itong tapat sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 63,145 total views

 63,145 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More ยป

Panalo para sa edukasyon?

 86,930 total views

 86,930 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More ยป

Kasakiman at karahasan

 99,165 total views

 99,165 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taรณng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na โ€œlarge-scale strikeโ€ ng

Read More ยป

Lingkod-bayan, hindi idolo

 284,594 total views

 284,594 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More ยป

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 314,463 total views

 314,463 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: โ€œAng malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugรณng marahas, poot ay hindi mawawaglit.โ€ Ipinahihiwatig

Read More ยป

Watch Live

RELATED TOPICS

๐’๐ญ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž

 215,837 total views

 215,837 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ— โ€ข ๐’๐ญ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ Saint Frances of

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐

 215,864 total views

 215,864 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ– โ€ข ๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐ ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐ญ๐ž

 215,843 total views

 215,843 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ” โ€ข ๐’๐ญ. ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜ ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐š

 215,856 total views

 215,856 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ“ โ€ข ๐’๐ญ. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐š ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜– ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต ๐˜–๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ข, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‚๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐ข๐ซ

 127,352 total views

 127,352 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ’ โ€ข ๐’๐ญ. ๐‚๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐ข๐ซ ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜Š๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด,

Read More ยป

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top