Kaunlarang may katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 386,909 total views

Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay ito na posibleng manaig ang tinig ng maliliit laban sa mas makapangyarihan basta’t may pagkakaisa.

Hindi maikakailang nangangailangan ng rehabilitasyon ang Baguio City Public Market. Sa halos isang siglo nitong pagsisilbi sa mga taga-Baguio at mga turista, napabayaan ang istruktura at kalinisan nito. Kaya noong 2019, isinama ni Mayor Benjamin Magalong ang modernisasyon ng pamilihan sa kanyang mga plataporma. Natunugan ito ng SM Prime, at nagpresenta itong maging proponent ng proyekto. Dito nagsimulang lumihis ang direksyon ng rehabilitasyon ng palengke. 

Hindi na lamang pagsasaayos ng palengke ang pinag-uusapan, kundi mallification—gagawing mall ang pampublikong palengke. Para sa mga vendors, malinaw ang banta: unti-unting isasapribado ang palengke, itataas ang upa sa pwesto, at posibleng mawalan ng kabuhayan ang matatagal nang naghahanapbuhay doon. Kaya tumindig ang mga vendors at ilang residente ng lungsod. Nagsagawa sila ng noise barrage araw-araw tuwing alas tres ng hapon. Paglilinaw nila, sang-ayon silang i-rehabilitate ang pamilihan, pero hindi tamang kabuhayan at pagkakakilanlan ng palengke ang kapalit.

Noong bagong taon, inanunsyo ng SM Prime na nila itutuloy ang proyekto. Sa kanilang opisyal na pahayag, iginiit nitong marami pa umanong kailangang ayusin ang lokal na pamahalaan at mga vendors. Pero sa mata ng publiko, ang malakas at kolektibong pagtutol ng mamamayan ang nag-udyok sa pag-atras ng SM Prime.

Bakit naman kasi magtatayo ng isa pang mall sa City of Pines? May sapat na espasyo ang lungsod para sa mga pribadong commercial establishments. Kalabisan na ang agawin pa ang lokal na pamilihang nagsisilbing bagsakan ng produkto mula sa Cordillera at mga kalapit na probinsya, na pinagmumulan ng hanapbuhay ng libu-libong pamilya at pinagkukunan ng abot-kayang bilihin. 

Malinaw na nagbabanggaan sa isyung ito ang dalawang anyo ng kaunlaran: ang kaunlarang inuuna ang kita, at ang kaunlarang pinananatili ang kabuhayan.

Kapag ang pag-unlad ay inihiwalay sa malasakit at pananagutan, nawawala ang tunay nitong layunin—ang maglingkod sa tao. Ito ang diwa ng paalala sa Filipos 2:3–4: ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa pagpapakumbaba at sa pagbibigay-halaga sa kapakanan ng iba higit sa pansariling interes. Ganito rin ang mensahe ni Pope Leo XIV sa isang homilya: ang kaunlaran ay may pamantayang moral na dapat nag-aangat at pumoprotekta sa maliliit at mahihina, hindi nag-aalis sa kanila ng puwang, dangal, at kabuhayan kapalit ng kita at kayamanan.

Hindi rin dapat mawala ang paghingi ng pananagutan sa lokal na pamahalaan ng Baguio. Ang pakikipag-partner sa pribadong sektor ay nagiging mapanganib kapag ang pamahalaan ay tumitigil na sa pagiging tagapagtanggol ng kapakanan ng mamamayan. Ang modernisasyon ay hindi dapat maging rason para ipasa ang kapangyarihan sa mga gusto lang kumita. Ang tunay na papel ng pamahalaan ay tiyaking ang kaunlaran ay makatao, walang isinasantabi at iniiwan, at hindi nagtataboy sa mismong mga taong dapat nitong pinaglilingkuran.

Mga Kapanalig, ang pag-withdraw ng SM Prime sa rehabilitasyon ng Baguio City Public Market ay patunay na ang makataong kaunlaran ay maisusulong kapag sama-samang titindig ang mga mamamayan hanggang sila ay pakinggan ng mga nagdedesisyon sa gobyerno. Sa mga susunod na araw, inaasahang bubuksan muli ang pagsusumite ng mga proposals para sa redevelopment ng palengke. Nawa’y ang manaig ay may magandang plano para sa mga taong apektado. Nawa’y umiral ang kaunlaran hindi matatagpuan sa malalaki at prestihiyosong proyekto, kundi sa pangangalaga at pagsasaayos sa mga simpleng espasyong nagbibigay-buhay sa lungsod. Ang mga manininda sa Baguio City Public Market ay hindi hadlang sa kaunlaran. Sila dapat ang tuon ng kaunlaran kaya dapat pakinggan ang kanilang tinig.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,145 total views

 16,145 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 66,159 total views

 66,159 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,028 total views

 62,028 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,116 total views

 98,116 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,025 total views

 106,025 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,146 total views

 16,146 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 66,160 total views

 66,160 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,029 total views

 62,029 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,117 total views

 98,117 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top