Cease and desist order, hiling ng Diocese of Bayombong laban sa Woggle mining corporation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,818 total views

Mariing nanawagan ang Diyosesis ng Bayombong sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na agarang magpalabas ng Cease and Desist Order laban sa isinasagawang mining exploration ng Woggle Mining Corporation sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ito ay kasabay ng kasalukuyang pagpapatupad ng Writ of Preliminary Injunction sa barikada sa Barangay Bitnong na nag-uutos sa mga residente na gibain ang kanilang barikada sang-ayon sa mining company.

Ayon sa diyosesis, ang nasabing hakbang ay isang seryosong banta sa patuloy na pagtatanggol ng komunidad sa buhay, lupa, at kalikasan.

“The Bishop and the entire Diocese once again call on public officials—who are entrusted with authority and solemnly bound to defend and protect the common good—to intervene immediately and decisively. The situation demands action, not delay; courage, not silence,” pahayag ng Diyosesis ng Bayombong.

Noong January 9, 2026, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno, nagsumite ng pormal na apela si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa tanggapan nina Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito at Dupax del Norte Mayor Paolo Cayton.

Sa kanyang liham, hinimok ng obispo ang mga opisyal na maglabas ng Cease and Desist Order laban sa operasyon ng Woggle Mining Corporation.

Layunin ng panawagan na bigyang-daan ang isang patas at masusing imbestigasyon, mapangalagaan ang karapatan ng mga residente, at maiwasan ang posibleng pinsala sa kalikasan at mga paglabag sa karapatang pantao.

Nagpadala rin ng magkakahiwalay na apela ang diyosesis kina Vice Governor Eufemia Dacayo at sa Sangguniang Panlalawigan, gayundin kina Vice Mayor RR Asuncion at sa Sangguniang Bayan ng Dupax del Norte, upang suportahan ang panawagan at manindigan sa panig ng mga apektadong komunidad.

“We are now awaiting their urgent and public response. At this critical moment, we call on our leaders to choose the people over profit, justice over expediency, and life over destruction,”  saad ng Diyosesis.

Kasabay nito, hinikayat ng diyosesis ang mga mananampalataya, civil society organizations, environmental defenders, at lahat ng mamamayan na manatiling mapagmatyag, magsalita, at patuloy na makiisa sa mga komunidad ng Barangay Bitnong.

Giit ng Diyosesis ng Bayombong, ang usapin ng pagmimina sa Dupax del Norte ay hindi lamang isang lokal na usapin kundi isang moral at panlipunang pananagutan na dapat harapin ng lahat.

“Let us remain united. Let us stand firm for the land, the people, and the future,” giit ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 24,591 total views

 24,591 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 57,673 total views

 57,673 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 86,024 total views

 86,024 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 153,755 total views

 153,755 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 175,142 total views

 175,142 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top