Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalo para sa edukasyon?

SHARE THE TRUTH

 399,149 total views

Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies nito. Ito na raw ang pinakamalaking budget na inilaan para sa sektor ng edukasyon. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naabot ng Pilipinas ang itinakdang pamantayan ng UNESCO para sa pagpopondo sa edukasyon. 

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layon ng gobyerno na direktang suportahan ang mga mag-aaral at guro, at itaguyod ang mga matagal nang hinihintay na reporma sa basic education. Anu-ano raw ito? Mga bago at kinumpuning mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan, mga feeding programs, mga aklat at learning materials, tulong-pinansyal para sa mga mag-aaral, laptops para sa mga guro at estudyante, dagdag na teaching at non-teaching positions, at tuloy-tuloy na pagsasanay para sa mga guro at punongguro. 

Kailangang-kailangan ang mga ito, lalo na’t maraming dapat gawin para umangat-angat ang performance ng bansa sa mga international assessments. Halimbawa, sa 2022 Programme for International Student Assessment (o PISA), na sumusukat sa kakayahan ng mga 15 taóng gulang sa reading, math, at science, nasa dulong puwesto ang Pilipinas. Nasa pangatlo tayo mula sa dulo sa science, at pang-anim mula rin sa dulo sa math at reading. Noong 2025 naman, pang-74 tayo sa 177 bansa sa Global Education Futures Readiness Index. Indikasyon ito ng malaking puwang sa pantay na akses sa edukasyon, gayundin sa pamamahala sa sektor.

Makikita rin ang lalim ng krisis sa edukasyon sa kakulangan ng mga silid-aralan. Kulang tayo ng humigit-kumulang 165,000 classrooms. Para sa 2026, naglaan ng 85.3 bilyong piso para sa pagtatayo ng mga silid-aralan. May karagdagang 19.5 bilyong piso para sa mga aklat at iba pang learning resources, habang 10.6 bilyong piso naman ay mapupunta sa DepEd Computerization Program.

Tinutugunan din ng budget ang mga rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2) na nagsabing hindi malulutas ang krisis sa edukasyon kung mahina ang pundasyon gaya ng maayos na nutrisyon. Kaya’t naglalaan din ang gobyerno ng 25.6 bilyon piso para sa expanded school-based feeding program

Mahalaga ang edukasyon sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat at sa dignidad ng bawat tao. Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, malaki ang papel ng edukasyon upang lumaking buo ang katawan, isip, at pagkatao ng kabataan. Ito rin ang magtuturo sa kanilang maging responsable at harapin ang mga hamon ng buhay nang may tapang at pagtitiyaga. Paalala nga sa Marcos 10:14, may natatanging lugar ang mga bata sa puso ng Diyos, kaya’t responsabilidad natin, katuwang ang pamahalaan, na tiyakin na ang bawat bata ay may access sa maayos na edukasyon.

Ayon kay Senador Bam Aquino, chair ng Senate Committee on Basic Education, “panalo ang kabataang Pilipino” sa pagkakaapruba ng 2026 national budget. Sa pamamagitan daw nito, mapopondohan na ang mahahalagang programang magpapalakas at mapapabuti sa sektor ng edukasyon. 

Pero walang saysay ang malaking budget para sa edukasyon kung patuloy na kukurakutin ang kaban ng bayan, at kung hindi pananagutin ang mga nasa likod ng malawak na korapsyon sa natuklasan nitong nakaraang taon. Malaki pa rin ang nawawalang pera—perang maidadagdag pa sana sa sektor ng edukasyon.

Mga Kapanalig, ang malaki at makasaysayang budget para sa edukasyon ay dapat tumbasan ng tapat at responsableng paggamit ng mga pinagkatiwalaan natin sa gobyerno. Tungkulin naman nating mga mamamayan na magbantay. Naipatayo ba talaga ang mga silid-aralan? Mas humusay ba ang mga guro? Nakakamit ba ng mga bata ang sapat na nutrisyon? Kung ang isang trilyong pisong budget para sa edukasyon ngayong taon ay magbubunga ng tunay na pagbabago, saka lamang masasabi ng gobyernong panalo nga ang kabataang Pilipinoo.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disiplina sa Kongreso

 359 total views

 359 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 77,516 total views

 77,516 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 98,421 total views

 98,421 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 101,585 total views

 101,585 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 119,898 total views

 119,898 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Disiplina sa Kongreso

 360 total views

 360 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 77,517 total views

 77,517 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 98,422 total views

 98,422 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 101,586 total views

 101,586 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 119,899 total views

 119,899 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 137,867 total views

 137,867 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 284,314 total views

 284,314 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 328,749 total views

 328,749 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 280,353 total views

 280,353 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 280,054 total views

 280,054 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »
Scroll to Top