Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, HUNYO 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,350 total views

Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Exodo 19, 2-6a
Salmo 99, 2. 3. 5

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Roma 5, 6-11
Mateo 9, 36 – 10, 8

Eleventh Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Exodo 19, 2-6a

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, mula sa Refidim, nagpatuloy ang mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. Si Moises naman ay umakyat ng bundok upang makipag-usap sa Diyos.

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ito ang sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel. ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. At tulad ng pangangalaga ng isang agila sa kanyang mga inakay, kayo’y aking kinupkop. Kung susundin ninyo ako at hindi kayo sisira sa pakikipagtipan ko sa inyo, kayo ang magiging bayan kong hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo’y aking itatangi. Kayo’y gagawin kong bayan ng mga saserdote na maglilingkod sa akin, nakatalaga sa akin.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 5

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat na malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
Siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 5, 6-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, noong tayo’y mahihina pa, namatay si Kristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid – bagamat maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa satin nang mamatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. At ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya. Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon, tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng kanyang Anak. Kaya’t tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging buhay ni Kristo. Hindi lamang ito! Nagagalak tayo’t nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo ng Diyos na mga kaibigan niya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 36 – 10, 8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang nakita ni Hesus ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Hesus.

Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad magbigay naman kayo nang walang bayad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Bilang tugon sa paanyaya ng Panginoong Hesus na “hilingin natin ang pagpapadala ng mga manggagawa sa anihan,” ipanalangin natin ang mga pangangailangan ng Simbahan at ng sangkatauhan. Buong pananalig tayong manalangin:

Panginoon, mapasaamin ang iyong kaharian!

Para sa buong Simbahan: Nawa maisagawa niya ang misyong ipinagkatiwala sa kanya ni Hesus upang ang Kaharian ay makapangyari sa pamamagitan ng pangangaral at ganap na pagpapalaya. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo at pari: Nawa makita nila ang bunga ng kanilang pagsisikap habang sila’ y nagpupunyaging tumulad kay Hesus sa pagkalinga sa kanilang mga kawan. Manalangin tayo!

Para sa mga tinatawag sa buhay-paglilingkod at pamumuno sa pamayanang Kristiyano: Nawa magampanan nila ang kanilang gawain nang buong katapatan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng ama: Nawa patatagin nila ang paghahari ng Diyos sa kani-kanilang tahanan at magtamo ng kagalakan at katuparan sa kanilang mag-anak. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat at sa mga kasama sa ating parokya: Nawa labanan natin ang lahat ng anyo ng kasamaan at itaguyod ang kabutihan sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga maysakit at lahat ng nangangailangan ng ating pakikiisa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, tulungan Mo ang aming mga pinunong espirituwal sa kanilang mga kahirapan at gantimpalaan sila sa kanilang paglilingkod. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Hesus, ang Tagapagpahayag at Tagapagtatag ng Kaharian, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, Diyos magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 382,350 total views

 382,350 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 399,318 total views

 399,318 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 415,146 total views

 415,146 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 504,648 total views

 504,648 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 522,814 total views

 522,814 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 71,654 total views

 71,654 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 71,885 total views

 71,885 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 72,427 total views

 72,427 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 53,665 total views

 53,665 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 53,774 total views

 53,774 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top