Linggo, Hunyo 28, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,067 total views

Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

2 Hari 4, 8-11. 14-16a
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Roma 6, 3-4. 8-11
Mateo 10, 37-42

Thirteenth Sunday in Ordinary Time (Green)
St. Peter’s Pence (Obolum Sancti Petri)

UNANG PAGBASA
2 Hari 4, 8-11. 14-16a

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Minsan, si Eliseo’y nagpunta sa Sunem. May isang mayamang babae roon at siya’y inanyayahang kumain sa kanila. Mula noon, doon siya kumakain tuwing pupunta sa lugar na yaon. Sinabi ng babae sa kanyang asawa, “Natitiyak kong lingkod ng Diyos ang taong ito. Bakit di natin siya ipagpagawa ng isang silid para matuluyan niya tuwing pupunta rito? Bigyan natin siya ng higaan, mesa, upuan at ilaw.”

Nang magbalik si Eliseo, doon siya nagpahinga sa silid na inihanda sa kanya. Pagkaalis ng babae, tinanong ni Eliseo si Giezi, “Ano kaya ang maitutulong natin sa kanya?” Sumagot si Giezi, “Wala po siyang anak at matanda na ang asawa.” “Tawagin mo uli,” utos ni Eliseo. Nagbalik ang babae at tumayo sa may pintuan. Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Isang taon mula ngayon ikaw ay magkakaanak.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw
ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin,
ang katapatan mo’y laging sasambitin.
Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasamba,
sa pagsamba nila’y inaawitan ka
at sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ika’y pinupuri,
ang katarungan mo’y siyang sinasabi.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,
dahilan sa iyong kagandahang-loob.
Pagkat pinili mo yaong hari namin,
kaloob mo ito, Banal ng Israel.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 6, 3-4. 8-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwa’t buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
1 Pedro 2, 9

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo, ang humirang
upang kami’y maging bayan
ng pari at haring banal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 37-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae na higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo na makasunod tayo kay Hesus, isuko ang ating mga takot at hangarin, at magtiwala sa Kanya. Buong kababaang-loob tayong manalangin: Panginoon, dinggin Mo kami.

Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa Santo Papa, mga obispo, pari, at pinuno ng Simbahan: nawa’y sumunod sila kay Hesus nang may kababaang-loob at maging inspirasyon sa lahat. Manalangin tayo.

Para sa mga pinunong sibil: nawa’y maglingkod sila nang may integridad at malasakit, lalo na sa mahihina at nangangailangan. Manalangin tayo.

Para sa mga inaapi, kabataang sugatan, at mahihirap: nawa’y maranasan nila ang pag-ibig at pag-aaruga ng Diyos sa pamamagitan ng kapwa. Manalangin tayo.

Para sa ating lahat: nawa’y maging lakas ang ating paghihirap, katatagan ang takot, at pagtitiwala ang pag-aalinlangan habang sumusunod kay Hesus. Manalangin tayo.

Ama naming Diyos, tulungan Mo kaming ialay ang aming sarili kay Hesus at mamuhay sa Iyong pag-ibig tungo sa buhay na walang hanggan. Amen.

REAL LIFE

 4,803 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 5,343 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 41,389 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 41,390 total views

 41,390 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 114,220 total views

 114,220 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 145,502 total views

 145,502 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 177,518 total views

 177,518 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 327,723 total views

 327,723 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 911 total views

 911 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 2,283 total views

 2,283 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 3,556 total views

 3,556 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 4,494 total views

 4,494 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 6,075 total views

 6,075 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top