Linggo, Nobyembre 10, 2024

SHARE THE TRUTH

 13,432 total views

Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

1 Hari 17, 10-16
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Hebreo 9, 24-28
Marcos 12, 38-44
o kaya Marcos 12, 41-44

Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Hari 17, 10-16

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, si propeta Elias ay pumunta sa Sarepta, at nang papasok na siya ng pintuan ng lungsod, nakita niya ang balo na namumulot na panggatong. Sinabi niya sa babae: “Maaari po bang makiinom?” Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin: “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kaunting pagkain.”

Sumagot ang babae: “Alam po ng Panginoon na iyong Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon po kaming harina at kapatak na langis. Namumulot nga ako ng maigatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.”

Sinabi sa kanya ni Elias: “Huwag kang mag-alala. Humayo ka at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang munting tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon, Diyos ng Israel:

“Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan
at hindi rin matutuyo yaong langis sa tapayan
hanggang hindi sumasapit ang talagang takdang araw
na ang ula’y marapating papatakin ng Maykapal.”

Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at sila’y kumain – si Elias at silang mag-ina. At hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng pangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Walang hanggang Hari,
ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 9, 24-28

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Pumasok si Kristo, hindi sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay, kundi sa langit. At ngayo’y nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin. Ang dakilang saserdote ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon, may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit minsan lamang pumasok si Kristo upang ihandog ang kanyang sarili, at iyo’y sapat na. Kung di gayon, kailangan sanang siya’y paulit-ulit na mamatay mula pa nang matatag ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siya napakita, ngayong magtatapos na ang mga panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog. Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayun din naman, si Kristo’y minsang inihandog bilang hain upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya’y muling darating, hindi upang ihandog na muli dahil sa kasalanan kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 38-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo. “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang mga upuang pandangal sa mga piging. Inuubos nila ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkala’y ang pagdarasal nang mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!”

Umupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog ng higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Marcos 12, 41-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog ng higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Praying to be a cheerful giver

 9 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 41 total views

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Kanino natututo ang mga bata?

 1,567 total views

Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City kamakailan.

Sa kumalat na video, maririnig ang pagmumura ng mga estudyante habang pinapanood ang pagsakay ni PBBM sa helicopter. Sa imbestigasyon na ginawa ng DepEd Schools Division of Davao, apat na mag-aaral ang sangkot sa insidente. Naglabas ang opisina ng pahayag para ihingi ng paumanhin ang anila’y “inappropriate behavior” ng mga estudyante. Tiniyak nila sa publiko na hindi nila kinukunsinti ang pagmumura, na hindi sumasalamin sa respeto, disiplina, at responsabilidad na itinataguyod ng mga paaralan. Nakikipag-ugnayan daw ang opisina ng DepEd sa lungsod ng Davao sa mga magulang ng mga estudyante at sumasailalim na ang mga mag-aaral sa “disciplinary measures.” 

Ang mga bata ay parang espongha o sponge. Sa murang edad pa lang nila, nasisipsip na nila ang mga kaalaman at ugali ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naitatanim sa kanilang murang kaisipan kapwa ang tama at maling impormasyon na huhubog naman sa kanilang pananaw, kilos, at pananalita. Kinokopya nila ang kanilang mga nakikita at naririnig, na siguradong pinatitindi ng social media. Kung napapaligiran sila ng mga taong palamurá, bastos, at naghahangad ng kapahamakan ng iba, malaki ang tsansang ganito rin ang kanilang magiging asal. Sa kaso ng mga nagmuráng bata sa Davao, malamang na nalantad sila sa isang kapaligiran kung saan tila normal na ang pagmumurá. 

May kasabihan nga tayo: ang maling ginagawa ng matatanda ay tama sa mata ng mga bata.

Maaaring gamitin nating mga Katoliko ang ensiklikal ni Pope Francis na Amoris Laetitia bilang gabay sa paghubog sa ugali ng mga bata. Batay sa dokumentong ito, ang ating Simbahan ay naniniwalang ang pagiging disente ay hindi nangangahulugang dapat sumunod lang sa kung ano ang idinidikta, halimbawa, ng mga magulang. Gaya ng lagi nating ipinangangaral, iginagalang ng Simbahan ang personal na kalayaan ng tao at dito nakaugat ang pagtitimpi sa sarili at paggalang sa kapwa; sa Ingles, self-control and respect for others. Bagamat malaya tayong ipahayag ang ating saloobin—gaya ng gálit sa pulitiko—palagi itong dapat unahan ng kahinahunan at respeto. Kung galít man ang mga bata kay PBBM, mainam na gabayan sila kung paano ang galit na ito ay hindi mauuwi sa pagiging bastos. 

Ipinapaalala rin ng Amoris Laetitia ang tungkulin ng mga magulang sa paghubog sa ugali ng mga bata. Hindi nila ito dapat ipagkatiwala lamang sa mga paaralan o ibang institusyon sa labas ng pamilya. Kaya tama ang ginawa ng DepEd na makipag-ugnayan sa mga magulang ng mga batang minura ang pangulo. Dapat silang paalalahanan na ang pamilya ang unang paaralan ng mga bata. 

Tama rin ang mensahe ng opisina ng DepEd sa Davao na hindi dapat kunsintihin ang maling ginawa ng mga bata. Pero dapat din itong may kalakip na pagtatama—pagtatamang hindi gumagamit ng pananakit kundi nakatuon sa pagmamahal sa kanila. Ayon pa sa Amoris Laetitia, dapat turuan ang mga bata na ang maling gawain ay may consequences o mga kinahihinatnan. Sa kaso ng mga estudyante sa Davao, mahalagang ipaunawa sa kanila na maaari silang gayahin ng iba at hindi ito nakabubuti. 

Mga Kapanalig, gusto nating isiping isolated case lamang ang nangyaring ito sa Davao. Gusto nating maniwala na pinahahalagahan pa rin ng ating mga mag-aaral ang respeto at kabutihang-asal. Pero maging wake-up call sana ang insidenteng ito sa Davao sa mga nakatatanda, lalo na sa mga magulang at guro. Gaya ng ipinahihiwatig sa Deuteronomio 6:6-7, ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata ay isang tuluy-tuloy na gawain, mula “sa inyong pagtulog sa gabi [hanggang] sa inyong pagbangon sa umaga.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 1,568 total views

 1,568 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 57,819 total views

 57,819 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 121,500 total views

 121,500 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 190,878 total views

 190,878 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 221,136 total views

 221,136 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 603 total views

 603 total views Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 2,428 total views

 2,428 total views Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 4,711 total views

 4,711 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 5,880 total views

 5,880 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 6,651 total views

 6,651 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top