Linggo, Oktubre 4, 2026

SHARE THE TRUTH

 8,621 total reads

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Isaias 5, 1-7
Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Filipos 4, 6-9
Mateo 21, 33-43

Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 5, 1-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ako ay aawit sa sinta kong mahal
tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan:
mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba;
hinukayan niya’t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako;
mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar;
sa gitna’y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsimpamunga.
Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw.
Kaya’t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda,
kayo ang humatol sa aming dalawa:
Ako, at ang aking ubasan.
Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?
Bakit nang ako’y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw?
Kaya’t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan:
Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito.
Wawasakin ko ang bakod nito.
Hahayaan kong ito’y mapasok at sirain ng mga ilap na hayop.
Pababayaan ko itong lumubog sa sukal, mabalot ng tinik at dawag;
di ko babawasin ang sanga’t dahong labis, di ko pagyayamanin ang mga puno nito;
at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
Ang ubasang ito’y ang bayang Israel, at ang Panginoon naman ang siyang nagtanim; ang mga Judiong kanyang inaruga ang mga puno ng ubas.
At kanyang hinintay na ito’y gumawa ng mabuti ngunit naging mamamatay-tao,
inaasahang magpapairal ng katarungan ngunit panay pang-aapi ang ginawa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Mula sa Egipto,
ikaw ang naglabas ng puno ng ubas, saka itinanim
sa lupang dayuhan, matapos ang tao mo’y palayasin.
Hanggang sa ibayo,
sa ibayong dagat, ang sangang
malabay nito’y nakaabot,
pati mga ugat humabang mabuti’t umabot sa ilog.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Bakit mo sinira?
Sinira ang pader, kung kaya napasok nitong dumaraan,
pinipitas tuloy yaong bunga nitong tanim na naturan.
Mga baboy damong
nagmula sa gubat, niluluray itong walang pakundangan,
kinakain ito ng lahat ng hayop pawang nasa parang.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.
Kami ay ibalik,
Panginoong Diyos, at ipadama mo ang ‘yong pagmamahal,
iligtas mo kami at sa iyong sinag kami ay tanglawan.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 4, 6-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 21, 33-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

“Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito’y kahanga-hanga!’

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MODERN-DAY PHARISEES

 1,559 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 1,925 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 22,352 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,354 total reads

 22,354 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,474 total reads

 103,474 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,923 total reads

 136,923 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,221 total reads

 172,221 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,991 total reads

 397,991 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 18, 2026

 1,387 total reads

 1,387 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 3,326 total reads

 3,326 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 4,990 total reads

 4,990 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 6,259 total reads

 6,259 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 7,572 total reads

 7,572 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top