Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Pebrero 1, 2026

SHARE THE TRUTH

 40 total views

Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Sofonias 2, 3; 3, 12-13
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

1 Corinto 1, 26-31
Mateo 5, 1-12a

Fourth Sunday in Ordinary Time (Green)

Pro-Life Sunday
Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking

UNANG PAGBASA
Sofonias 2, 3; 3, 12-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias

Hanapin ninyo ang Poon, kayong mapagpakumbaba,
kayong gumaganap ng kanyang kautusan;
hanapin ninyo ang katwiran at iyon ang inyong gawin,
baka sakaling kayo’y patawarin at iligtas sa araw ng kanyang poot.
At ang iiwan ko roon ay mga taong mapagpakumbaba,
na lalapit sa akin upang pasaklolo.
Ang natira sa Israel ay hindi na gagawa ng kasamaan
at hindi magsisinungaling ni mandaraya man.
Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag
at wala silang katatakutan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapo ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 1, 26-31

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang sa paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang itinuturing na dakila ng sanlibutan. Kaya’t walang maaaring magmalaki sa harapan ng Diyos. Sa kanya mula ang ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus, na ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan niya, tayo’y pinawalang-sala ng Diyos, pinapaging-banal at iniligtas. Kaya nga, tulad ng nasasabi sa Kasulatan, “Ang Panginoon ang dapat ipagmalaki ng may ibig magmalaki.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 5, 12a

Aleluya! Aleluya!
Magdiwang kayo’t magsaya,
sa langit ay liligaya,
gagantimpalaan t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Tinitiyak ni Hesus na inaalagaan ng Diyos ang mga mapagpakumbaba at kanyang pinaghaharian ang namumuhay ayon sa “Mapapalad.” Idalangin nating maging tapat tayo rito:

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang Simbahan, sa gabay ng kanyang mga pinuno, ay pahalagahan ang pagtatangi sa moral at espirituwal kaysa sa pagkahilig sa kayamanang materyal.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang mga nagdurusa para sa katarungan ay makatagpo ng lakas ng loob at kagalakan sa mga pamayanang Kristiyano.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang mga nagtataguyod ng kapayapaan ay huwag panghinaan ng loob kahit mahirap ang kanilang ginagawa.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa pahalagahan nating lahat ang Salita ng Diyos sa pamamamagitan ng pagbabasa’t pagsasabuhay nito.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Panginoong Hesus, Ikaw ang huwaran ng mga “Mapapalad.” Gabayan Mo kami sa pagsasabuhay ng mga ito hanggang makarating kami sa iyong Kaharian magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 125,949 total views

 125,949 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 170,489 total views

 170,489 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 201,883 total views

 201,883 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 217,718 total views

 217,718 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 239,494 total views

 239,494 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Pebrero 2, 2026

 40 total views

 40 total views Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo Malakias 3, 1-4 Salmo 23, 7. 8. 9. 10. D’yos na makapangyariha’y dakilang hari

Read More »

Martes, Setyembre 30, 2025

 87,850 total views

 87,850 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 88,073 total views

 88,073 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 88,654 total views

 88,654 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 67,790 total views

 67,790 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top