Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Pebrero 8, 2026

SHARE THE TRUTH

 287 total views

Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Isaias 58, 7-10
Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

1 Corinto 2, 1-5
Mateo 5, 13-16

Fifth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 58, 7-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang ipinasasabi ng Panginoon:

“Ang mga nagugutom ay inyong pakanin,
patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan.
Yaong mga tao
na halos hubad na ay inyong paramtan,
ang iyong pagtulong
sa mga kasama ay huwag tatalikdan.
At kung magkagayon,
matutulad kayo sa bukang-liwayway.
Hindi maglalao’t
gagaling ang inyong sugat sa katawan,
ako’y laging sasainyo,
ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar.
Sa araw na iyon,
diringgin ng Panginoon ang dalangin ninyo,
pag kayo’y tumawag,
Ako’y tutugon agad.
Kung titigilan ninyo
ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita’y iiwasan,
kung ang nagugutom
ay pakakanin ninyo at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa inyo
ay magiging tila liwanag sa katanghalian.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

o kaya: Aleluya.

Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanag.
Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

Hindi mabibigo ang taong matuwid,
di malilimutan kahit isang saglit.
Anumang balita’y hindi siya takot,
matatag ang puso’t may tiwala sa Diyos.

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

Wala siyang takot hindi nangangamba,
alam na babagsak ang kaaway niya.
Mabait na lubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas,
buong karangalan siyang itataas.

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 2, 1-5

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, nang ako’y pumariyan, ipinahayag ko sa inyo ang lihim na panukala ng Diyos, ngunit hindi sa pamamagitan ng malalalim na pananalita o matataas na karunungan. Ipinasiya kong wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Hesukristo na ipinako sa krus. Kaya mahina, takot, at nanginginig akong humarap sa inyo. Sa pananalita at pangangaral ko’y hindi ko kayo inakit ng matatamis na pangungusap batay sa karunungan ng tao, kundi sa pamamagitan ng patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan ng Diyos. Kaya’t hindi na karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos nababatay ang inyong pananalig kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ay ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at papurihan ang inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

‘Di madali ang maging tunay na misyonerong alagad ng Panginoon, sapagkat hinihingi nitong ganap nating isabuhay ang Mabuting Balita. Sa ating kahinaan, manalangin tayo:

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang Simbahan ay manatiling tapat sa pagtupad ng misyon ni Kristo. Manalangin tayo.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa’y maging inspirasyon sa lahat ng mga Kristiyano ang Santo Papa, mga Obispo, pari, at relihiyoso. Manalangin tayo.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa’y pukawin ng Banal na Espiritu ang lahat sa kabanalan ng buhay mula sa paglilihi hanggang kamatayan, at tulungan silang mamuhay nang tama. Manalangin tayo.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa’y pahalagahan ng mga magulang ang kanilang mga anak at palakihin silang mga mabubuti at tapat na Kristiyano. Manalangin tayo.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Panginoong Hesus, ilaw ng sanlibutan, patatagin mo kami upang maging asin at ilaw sa aming kapwa, ayon sa iyong halimbawa. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 43,590 total views

 43,590 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 61,939 total views

 61,939 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 80,223 total views

 80,223 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 235,130 total views

 235,130 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 279,577 total views

 279,577 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Pebrero 7, 2026

 1,044 total views

 1,044 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Hari 3, 4-13 Salmo

Read More »

Biyernes, Pebrero 6, 2026

 1,732 total views

 1,732 total views Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir Sirak 47, 2-13 (gr. 2-11) Salmo 17, 31. 47 at

Read More »

Huwebes, Pebrero 5, 2026

 2,505 total views

 2,505 total views Paggunita kay Santa Agata (Agueda), dalaga at martir 1 Hari 2, 1-4. 10-12 1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd. D’yos na

Read More »

Miyerkules, Pebrero 4, 2026

 3,269 total views

 3,269 total views Miyerkules ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Samuel 24, 2. 9-17 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 D’yos ko, ako’y

Read More »

Martes, Pebrero 3, 2026

 3,841 total views

 3,841 total views Martes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Blas, obispo at martir o kaya San Anscar (Oscar), martir 2

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top