Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, ABRIL 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,813 total views

Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 4, 23-31
Salmo 2, 1-3. 4-6. 7-9

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

Juan 3, 1-8

Monday of the Second Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 23-31

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Gawa ng Apostol

Noong mga araw na iyon, nang mapalaya na sina Pedro at Juan, sila’y nagpunta sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan. Nang marinig ito, sama-sama silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Kayo po ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito! Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming nunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya, sa patnubay ng Espiritu Santo:

‘Bakit galit na galit ang mga Hentil,
at ang mga tao’y nagbabalak nang walang kabuluhan?
Nahahandang lumaban ang mga hari sa lupa,
at nagtitipon ang mga pinuno
laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’

“Nagkatipon sa lungsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa iyong banal na Lingkod na si Hesus, ang iyong Hinirang. Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapat mangyari na itinakda mo noon pa. At ngayon, Panginoon, pinagbabantaan nila kami. Tulungan mo ang iyong mga alipin na mapaingaral nang buong tapang ang iyong Salita. Iunat mo ang iyong kamay upang magpagaling, at loobin mo na sa pangalan ng iyong banal na Lingkod na si Hesus ay makagawa kami ng mga kababalaghan.” Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang pinagtitipunan nila. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng Salita ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 2, 1-3. 4-6. 7-9

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

o kaya: Aleluya!

Bakit nagbabalak itong mga bansa na sila’y mag-alsa?
Anong kabuluhan ng lahat ng itong binabalak nila?
Mga hari nila ay naghihimagsik at nagkakaisa,
na ang Panginoon at ang kanyang hirang ay bakahin nila.
“Pagsikapan nating tayo ay lumaya sa pagkaalipin,
at ating igupo ang pamahalaang sumakop sa atin.”

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

Sa trono ng langit, nagtawa ang Poon nang iyo’y sabihin,
at sila’y kinutya sa kanilang balak na mahirap gawin.
Sa galit ng Diyos, sila’y buong bagsik na pinangusapan,
sa tindi ng poot, yaong mga hari ay nahintakutan;
at tungkol sa akin ay kanyang sinabi:
“Sa bundok kong mahal, sa tuktok ng Sion,
aking iniluklok ang haring marangal.”

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

Ganito ang sabi ng lingkod ng Poon na hari sa Sion:
“Aking ihahayag ang ipinag-utos nitong Panginoon,
‘Ikaw ang anak kong pinakamamahal, at magmula ngayon,
Ako namang ito ang giliw mong ama sa habang panahon.
Hingin mo sa akin ang lahat ng bansa, at ibibigay ko,
anumang narito sa buong daigdig ay magiging iyo;
pamahalaan mo ng kamay na bakal ang lahat ng ito,
tulad ng palayok, durugin mo sila sa mga kamay mo.’”

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

May isang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na nagngangalang Nicodemo. Isang gabi, siya’y nagsadya kay Hesus. “Rabi,” sabi niya, “nalalaman po naming kayo’y isang gurong mula sa Diyos, sapagkat walang makagagawa ng mga kababalaghang ginagawa ninyong malibang sumasakanya ang Diyos.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.” “Paano pong maipapanganak na muli ang isang tao kung matanda na siya? Makapapasok pa ba siya sa tiyan ng kanyang ina para ipanganak uli?” tanong ni Nicodemo. “Sinasabi ko sa inyo,” ani Hesus, “maliban na ang tao’y ipanganak sa tubig at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, ‘Lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Sa pamamagitan ng ating Binyag sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, tayo ay naging mga anak ng Diyos. Bilang mga tagapagmanang kasama ni Kristo, makalalapit tayo sa ating Ama nang may pagtitiwala.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, dinggin Mo ang Iyong mga anak.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y mabuklod upang maging salamin ng ganap na pagkakaisa ng Santatlo, ang kaisahan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga binyagang Kristiyano nawa’y lumago sa kanilang pamumuhay bilang Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga alipin ng takot nawa’y maging malaya bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y sikapin nating mahikayat sa pananampalataya at pagpapabinyag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kapatid nating namayapa nawa’y muling mabuhay sa kaluwalhatian ng Banal na Santatlo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sa aming pag-aalay ng mga pananalangin, loobin mong makaisa kami ng Espiritu na nananahan sa iyong mga anak at kay Kristo na iyong Anak na aming Tagapagligtas at Panginoon, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Atapang atao pero atakbo?

 6,786 total views

 6,786 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 24,561 total views

 24,561 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 100,544 total views

 100,544 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 124,433 total views

 124,433 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 114,691 total views

 114,691 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 51,452 total views

 51,452 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 51,683 total views

 51,683 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 52,197 total views

 52,197 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 37,482 total views

 37,482 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 37,591 total views

 37,591 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top