Lunes, Agosto 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,488 total views

Paggunita kay San Juan Maria Vianney, pari

Mga Bilang 11, 4b-15
Salmo 80, 12-13. 14-15. 16-17

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Mateo 14, 13-21

Memorial of St. John Baptiste Marie Vianney, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 11, 4b-15

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, sinabi ng mga Israelita, “Kailan pa ba tayo makatitikim ng masarap na pagkain? Mabuti pa sa Egipto! Doon, isang hingi lamang namin ay mayroon na agad isda, pipino, pakwan, sibuyas, at bawang. Dito naman, walang makain kundi manna.”

Ang manna ay kamukha ng buto ng kulantro at kakulay ng bedelio. Ito ang laging pinupulot ng mga tao, ginigiling o binabayo. Kung luto, sinsarap ito ng tinapay na niluto sa langis. Ito’y kasama ng hamog na bumabagsak kung gabi.

Hindi kaila kay Moises ang iyakan ng lahat ng sambahayan na nakatayo sa pintuan ng kani-kanilang tolda. Nagalit nang labis ang Diyos, kaya nabalisa si Moises. Itinanong ni Moises sa Panginoon, “Bakit ninyo ako isinuong sa ganito kalaking pasanin? Bakit ninyo ako ginaganito? May nagawa ba akong laban sa inyo? Ako ba ang nagsilang sa kanila? Sila ba’y aalagaan ko tulad ng pag-aalaga ng ina sa kanyang anak, hanggang sa lupang ipinangako ninyo sa aming mga ninuno? Ayaw nila akong tigilan sa kahihingi ng karne. Saan ako kukuha ng karne para sa ganito karaming tao? Hindi ko sila kayang alagaang mag-isa. Napakalaki ng gawaing ito para sa akin! Kung ganito rin lamang ang gagawin ninyo sa akin, mabuti pa’y mamatay na ako ngayon din kaysa maghirap nang matagal.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 80, 12-13. 14-15. 16-17

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Ngunit ang bayan ko’y hindi ako pansin,
di ako sinunod ng bayang Israel,
sa tigas ng puso, aking binayaan
ang sariling gusto nila’y siyang sundan.

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin,
sundin ang utos ko ng bayang Israel;
ang kaaway nila’y aking lulupigin,
lahat ng kaaway agad lilipulin.

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Silang namumuhi’t sa aki’y napopoot,
ay magsisiyuko sa laki ng takot,
Ang parusa nila’y walang pagkatapos.
Ang lalong mabuting bunga nitong trigo,
ang siyang sa inyo’y ipapakain ko;
at ang gusto ninyong masarap na pulot,
ang siyang sa inyo’y aking idudulot.

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

ALELUYA
Mateo 4, 4b

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleuya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 13-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siya’y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

Nang dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis pa,” sabi ni Hesus. “Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain.” Sumagot sila, “Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limpang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila’y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira-pirasong tinapay. May limang libong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natitipon tulad ng napakaraming tao sa Ebanghelyo na nagugutom sa Salita ng Diyos, manalangin tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na hindi nagpapabaya sa kanyang bayan sa kanilang pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang aming tinapay, O Panginoon.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y sumaksi sa salita at gawa sa pag-ibig at kalinga ng Diyos sa mga nangagugutom at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lider ng mga bansa na may pinanghahawakang matatayog na posisyon at malawak na kapangyarihan nawa’y tumulong na maipamahagi ang kayamanan ng daigdig upang sa gayon wala ni isang bansa ang malagay sa panganib ng pagkagutom, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad, tayo nawa’y maging mga kapwa na babad sa pananalangin at maging laging handa sa pagbibigay ng ating panahon at karunungan sa pagtulong sa mga naghahanap ng kahulugan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makaranas ng nananatiling pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan nang walang maliw sa walang hanggang Hapag sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, bigyang-pansin kaming nangangailangan ng iyong habag. Punuin mo ang aming mga puso ng iyong pag-ibig at huwag mo kaming ipahintulot na mawalay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 22,445 total views

 22,445 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 55,527 total views

 55,527 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 83,878 total views

 83,878 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 151,609 total views

 151,609 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 173,103 total views

 173,103 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 1,548 total views

 1,548 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 3,081 total views

 3,081 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 4,771 total views

 4,771 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 6,182 total views

 6,182 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 7,305 total views

 7,305 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top