Lunes, Hulyo 20, 2026

SHARE THE TRUTH

 58 total views

Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Mikas 6, 1-4. 6-8
Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Mateo 12, 38-42

Monday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Mikas 6, 1-4. 6-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Pakinggan ninyo ang kaso ng Panginoon laban sa Israel.

Tumindig ka, Panginoon, at ilahad mo ang iyong kaso. Bayaan mong marinig ng mga bundok at mga burol ang iyong sasabihin.

Mga bundok at mga pundasyon ng sanlibutan, pakinggan ninyo ang sakdal ng Panginoon laban sa Israel na kanyang bayan. Sinasabi ng Panginoon, “Bayan ko, sagutin ninyo ako. Ano ba ang nagawa ko sa inyo? Naging pabigat ba ako sa inyo? Inialis ko kayo sa lupain ng Egipto, at tinubos sa pagkakaalipin. Sinugo ko sa inyo sina Moises, Aaron at Miriam upang kayo’y pangunahan.”

Ano ang dapat kong dalhin sa aking pagsamba sa Panginoon na Diyos na kataas-taasan? Magdadala ba ako ng guyang isang taon ang gulang bilang handog na susunugin sa kanyang harapan? Malugod kaya ang Panginoon kung siya’y handugan ko ng libu-libong tupa o walang katapusang agos ng langis ng olibo? Matuwa kaya siya kung ihandog ko sa kanya ang aking anak na panganay, ang laman ng aking laman, bilang kabayaran ng aking mga kasalanan? Itinuro na niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ng Panginoon: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong ibigin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod sa iyong Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,
silang tapat sa tipan ko’t naghahandog niyong hain.
Ang buong kalangita’y naghahayag na ang Diyos,
isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sumusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Hesus, “Guro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?” Sumagot si Hesus, “Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayun din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasailalim ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto! Sa araw na yaon, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natuklasan ni Jonas na walang makatatakas sa Panginoon. Idalangin natin sa Diyos Ama na bigyan tayo ng biyayang makapagbagumbuhay at matatag na manalig kay Kristo na tumatawag sa atin sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga propeta, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y ipahayag nang walang kapaguran ang mensahe ng Diyos ng pagbabalik-loob sa mga naghahanap sa Panginoon nang may malinis na puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ng mga mamamayan ng Nineve, nawa’y ating itakwil ang masamang pag-uugali at humarap tayo sa Diyos nang may mababang kalooban at nagsisising espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga komunidad nawa’y maghangad ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiguruhan at pag-ibig mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat, ibinigay mo sa amin ang tanda ni Jonas upang masalamin ang pagdating ng iyong Anak. Pinakaaasam mo mula pa noong una ang kanyang Muling Pagkabuhay. Isama mo kami sa kanya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 16,220 total views

 16,220 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 86,332 total views

 86,332 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,947 total views

 160,947 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 241,025 total views

 241,025 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,610 total views

 283,610 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 19, 2026

 1,484 total views

 1,484 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

Sabado, Hulyo 18, 2026

 3,433 total views

 3,433 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 4,955 total views

 4,955 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 5,982 total views

 5,982 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 6,882 total views

 6,882 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top