Lunes, Hulyo 27, 2026

SHARE THE TRUTH

 7,361 total reads

Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Jeremias 13, 1-11
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Mateo 13, 31-35

Monday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (II) (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 13, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon, “Bumili ka ng mga damit-panloob na lino at iyong isuot ngunit huwag mong babasain.” Kaya’t bumili nga ako ng damit-panloob, ayon sa sinabi ng Panginoon, at isinuot ko. Muling nangusap sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa Ilog Eufrates; hubarin mo ang damit-panloob, at iyong itago sa isang guwang sa bato.” Ginawa ko ang iniutos sa akin ng Panginoon at pagkatapos, ako’y umuwi.

Pagkaraan ng ilang araw, pinabalik niya ako sa Eufrates upang kunin ang mga damit-panloob na kanyang ipinatago. Nagbalik naman ako sa Eufrates at kinuha ko ang damit sa aking pinagtaguan. Ngunit sira na ito at di na pakikinabangan.

Muling nagsalita ang Panginoon, “Ganyan ang gagawin ko sa palalong Juda at Jerusalem. Sila’y hindi sumunod sa mga utos ko; lalo silang nagmatigas. Sumasamba pa sila at naglilingkod sa mga diyos-diyosan. Matutulad sila sa sirang damit-panloob na wala nang kabuluhan. Kung paanong kumakapit sa katawan ng tao ang damit-panloob, gayun ang hangad ko sa mga taga-Israel at taga-Juda – na sila’y mahigpit na kumapit sa akin. Ginawa ko ito upang sila’y maging karapat-dapat na bansang hinirang, at sa gayo’y papurihan nila’t parangalan ang aking pangalan. Ngunit ayaw naman nilang tumalima sa akin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Tinalikdan nila ang Diyos na lumikha sa kanila,
ang Diyos na sa kanila’y nagbigay-buhay.
Nasaksihan niya ang pagsamba nila sa diyos-diyosan
kaya’t kanyang itinakwil,
sila na itinuring niyang mga anak.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Sinabi niya, “Tatalikdan ko sila,
tingnan ko lang kung ano ang kanilang sapitin,
pagkat sila’y isang lahing masama, mga anak na suwail.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

“Pinapanibugho nila ako nang sambahin nila yaong hindi Diyos.
Ginalit nila ako dahil sa kanilang diyus-diyusan.
Kaya, paninibughuin ko rin sila at gagalitin,
sa pamamagitan ng bansang di kumikilala sa akin.”

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

ALELUYA
Santiago 1, 18

Aleluya! Aleluya!
Magulang nati’y D’yos Ama,
anak ng salita niya
tayong mga aning una.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 31-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isa na namang talinghaga ang inilahad ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Ito’y nagiging punongkahoy, anupat napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa.”

Sinabi ni Hesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinghaga at wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta:

“Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga,
ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalihim mula nang likhain ang sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Tayo ay mga anak ng Diyos, subalit sa mapagpakumbabang-loob na panalangin, lumalapit tayo sa kanya bilang mga lingkod ng Kaharian na naglalayon lamang na gawin ang ating tungkulin. Hilingin natin sa kanya na palalimin pa ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong Diyos, umunlad nawa kami sa iyong biyaya.

Ang mga Kristiyano at lahat ng nagpapahayag ng pananalig kay Kristo nawa’y umunlad sa pananampalataya at pag-ibig sa isa’t isa bilang tanda ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating personal na pananampalataya nawa’y umunlad at lubos nating kilalanin ang ating pagsandig sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nanlamig sa pananampalata at nawalan na ng pag-asa at puno ng pag-aagam nawa’y mabiyayaan ng bagong sigla upang panibaguhin ang kanilang pagtatalaga kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y patuloy na manalig sa Diyos sa gitna ng hindi magandang kalusugan at karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na naglingkod sa Panginoon sa kanyang Kaharian dito sa lupa nawa’y tanggapin sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, batid naming wala kaming magagawa kung aasa lamang kami sa aming sarili. Tulungan mo nawa kaming matibay na kumapit sa iyo sa pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong amingg Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 6,540 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,799 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,623 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 6,541 total reads

 6,541 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 44,188 total reads

 44,188 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 98,024 total reads

 98,024 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 161,368 total reads

 161,368 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 229,147 total reads

 229,147 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 712 total reads

 712 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,341 total reads

 2,341 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,166 total reads

 4,166 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,181 total reads

 6,181 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,969 total reads

 6,969 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top