Lunes, Marso 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,008 total reads

Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Levitico 19, 1-2. 11-18
Salmo 18. 8. 9. 10. 15

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Mateo 25, 31-46

Monday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Levitico 19, 1-2. 11-18

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel, ‘Magpakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ay banal.’

“Huwag kayong magnanakaw, manlilinlang o magsisinungaling. Huwag din kayong manunumpa sa aking pangalan nang walang katotohanan pagkat iyon ay paglapastangan sa ngalan ko. Ako ang Panginoon.

“Huwag ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapaliban ang pagbabayad sa inyong pinapagtrabaho. Huwag ninyong aapihin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako ang Panginoon.

“Huwag kayong hahatol nang walang katarungan upang pagbigyan ang mahirap o suyuin ang mayayaman. Huwag ninyong ipamamalita ang kasiraang-puri ng inyong kapwa ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako ang Panginoon.

“Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, pangangaralan mo siya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ako ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 15

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,
ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ng kaisipan.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,
liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,
isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan,
sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan,
O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan!

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
2 Corinto 6, 2b

Ngayo’y panahong marapat,
panahon ng pagliligtas,
Araw ngayon ng pagtawag
upang makamit ang habag
ng Panginoong matapat.

MABUTING BALITA
Mateo 25, 31-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya’y walang maisuot at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?’ Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.’

“At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako’y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?’ At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Lunes

Inihahayag ng Panginoon ang misteryo ng Kaharian ng Diyos sa mga taong buong pagmamahal na kumakalinga sa mga dukha at nagugutom. Idalangin natin na ang Kaharian ng Diyos ay maging tunay sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo kami.
o kaya
Panginoon, loobin Mong mahalin
at paglingkuran ka namin sa aming kapwa.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tahanan para sa mga naliligaw ng landas, ulila, mahihina, at bigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayamang bansa nawa’y taimtim na magsagawa ng mga hakbang upang makatulong sa pag-unlad ng mahihirap na bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga napariwara at mga itinakwil ng lipunan nawa’y maakit sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagkakawanggawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga tahanan, lugar ng hanapbuhay, at sa pamayanang ating kinabibilangan nawa’y maipalaganap natin ang paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapasok sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, nababatid namin ang iyong walang hanggang pag-ibig para sa lahat ng tao, kaya may pagtitiwalang inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa ngalan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

FEAR

 37 total reads

Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35

FEAR

Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area because Herod wants to kill you.” He replied, “Go and tell that fox, ‘Behold, I cast out demons and I perform healings today and tomorrow, and on the third day I accomplish my purpose. Yet I must continue on my way today, tomorrow, and the following day, for it is impossible that a prophet should die outside of Jerusalem.’ “Jerusalem, Jerusalem, you who kill the prophets and stone those sent to you, how many times I yearned to gather your children together as a hen gathers her brood under her wings, but you were unwilling! Behold, your house will be abandoned. But I tell you, you will not see me until the time comes when you say, Blessed is he who comes in the name of the Lord.”
————

The attitude of the Pharisees is precisely the attitude that allows evil to triumph over good. The evil one always sows FEAR in our hearts to weaken our resolve to follow Jesus. If we allow our fears to overcome us when doing good, we allow evil to proliferate and destroy humanity, including our earthly home.

This is why Christianity is needed more than ever, especially in these very troubled times. If only we would follow the teachings of Christ, there would be much hope for a better future.

Lord Jesus, may your Spirit continue to strengthen and inspire us to follow you wherever you go. Amen.

GUILTY?

 3,617 total reads

Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara Duterte.

Ang compromise agreement, tatanggalin lang sa puwesto si VP Duterte, hindi kasama ang tuluyang pagbabawal na umupo ito sa alinmang public office.

Kapanalig, kung totoo ang pahayag ng prosecution panel, tila inaamin ng pangalawang pangulo ang pagkatalo?

Pinapalutang sa social media na tatanggapin ni VP Sara ang pagsibak sa kanya sa puwesto, pero dapat manatili ang eligibility nito na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Huli na ang lahat para kay VP Duterte! ibinasura agad ng prosecution panel ang social media speculation.

Nanindigan ang prosekusyon, walang basehan ang compromise at inconsistent ito sa 1987 constitution Article XI, Sec 3(7) na sinasaad ang “judgment in impeachment “shall not extend further than removal from office and disqualification to hold any office”.

Kapanalig, walang katuturan ang hakbang ng depensa, hindi maaring mag-bargain, hindi negotiable ang perpetual disqualification.

Ang lumulutang na espekulasyon ay testing lang sa political settlement, bahagi lamang ito ng negotiation tactics ng depensa, baka sakali mapupulsuhan nila ang boto ng Senator-judges.

Hindi pa tapos ang impeachment trial, kung nais ng depensa maari silang maghain ng pormal offer na magbitiw si VP Sara sa impeachment court kapalit ng no disqualification.

Ang problema ni VP Sara, pinaniniwala niya ang sarili na wala siyang pagkakamali.. may pagkakataon pa ang pangalawang pangulo na humingi ng tawad sa mga Pilipino, sinasabi na ang mga Pilipino ay likas na mapagpatawad, mabilis makalimot.

Kapanalig, sinasabi ng Luke 6:37 “Judge not, and you will not be judged; condemn not, and you will not be condemned; forgive, and you will be forgiven”.

Para kay VP Sara, ang paalala ng Matthew 18:21-22-“Then Peter came up and said to him, “Lord, how often will my brother sin against me, and I forgive him? As many as seven times?” Jesus said to him, “I do not say to you seven times, but seventy-seven times”
Napapanahon ng iwaksi ng pangalawang pangulo ang entitlement, sa halip isabuhay ang “humility”.

Kapanalig sa kaso ni VP Duterte., hindi maaring baluktutin ng tapang, ng mabulaklak na salita, nang pera, nang kapangyarihan, nang magagaling na abogado., nang press release… ang ebidensiya!

At the end of the day Kapanalig, accountability and truth must prevail over “graceful exit” sa impeachment trial ng pangalawang opisyal ng Pilipinas

Sumainyo ang Katotohanan.

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 5,142 total reads

At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and his fellow “Angry Nerds” give me reason to hope.

Ken is a public policy advocate, co-founder of WeSolve, and co-convenor of the People’s Budget Coalition (PBC). Together with thousands of citizen volunteers, popularly called the “Angry Nerds,” they are doing something remarkable: scrutinizing our national budget, line by line, project by project, using data and technology to expose questionable allocations of taxpayers’ money.

Today, October 26, Ken presented before the Senate the coalition’s latest findings on the House-approved version of the proposed ₱7.2-trillion national budget for 2027. They are deeply disturbing.

According to PBC’s preliminary analysis, the House inserted nearly 7,000 infrastructure projects worth ₱190 billion without publicly available supporting project documents. These include:
* ₱172 billion for nearly 6,200 DPWH projects, many involving multipurpose buildings;

* More than ₱2 billion for over 180 new health facilities, even as the overall health facilities budget was reduced;

* Nearly ₱6 billion for over 350 farm-to-market roads, some with coordinates inexplicably pointing to the sea;

* More than ₱7 billion for over 200 irrigation projects, some with questionable cost estimates.

What is especially disturbing is the concentration of House-added infrastructure allocations in certain congressional districts. According to PBC’s preliminary findings, the largest include Ilocos Norte’s First District (₱4.375 billion), Misamis Occidental’s Second District (₱1.8 billion), Davao de Oro’s Second District and Isabela’s Fourth District (₱1.7 billion each), and South Cotabato’s Second District (₱1.6 billion). Nueva Ecija’s First District is also among those flagged, with ₱1.3 billion.

These figures refer to allocations associated with DPWH district engineering offices. They do not establish that the district representatives personally proposed the projects, much less that corruption has occurred.

Nevertheless, the House leadership, which approved this version of the national budget, owes the public an explanation.

Has the House of Representatives learned nothing from the flood control corruption scandal? The country has yet to see full accountability for that scandal, and already we are being warned about the possible repetition of the same questionable practices in other government agencies!

To be clear, as Ken himself emphasized, not every insertion is necessarily corrupt. Our communities need roads, health facilities, irrigation systems, and public infrastructure. But why should projects involving billions in public funds be approved without the documentation necessary for public scrutiny?

The ball is now in the Senate’s court. It must exercise its constitutional responsibility to scrutinize and remove insertions that cannot be properly justified and documented. And if these survive Congress, the President must exercise his power of veto.

I am grateful to Ken and the citizen volunteers who refuse to surrender to cynicism. They remind us that democracy is not merely about electing representatives every three years. It is about citizens remaining vigilant and holding their representatives accountable between elections.

As Ken puts it, “Buwis natin ’to, boto natin ’to, at budget natin ’to.”
May these “Angry Nerds” inspire more Filipinos to turn their anger into informed, organized, and constructive democratic participation.

I am sharing a summary of Ken Abante’s testimony before the Senate today, October 26. You can also examine the budget allocations yourself through the citizens’ Budget Insertions Tracker at

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,618 total reads

 3,618 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,210 total reads

 40,210 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,616 total reads

 96,616 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,106 total reads

 220,106 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 31, 2026

 1,301 total reads

 1,301 total reads Sabado ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Filipos 1, 18b-26 Salmo 41,

Read More »

Biyernes, Oktubre 30, 2026

 3,444 total reads

 3,444 total reads Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 1, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Lucas 14,

Read More »

Huwebes, Oktubre 29, 2026

 6,277 total reads

 6,277 total reads Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking

Read More »

Miyerkules, Oktubre 28, 2026

 9,737 total reads

 9,737 total reads Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas Efeso 2, 19-22 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Martes, Oktubre 27, 2026

 11,062 total reads

 11,062 total reads Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top