Lunes, Marso 2, 2026

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Lunes sa Ika-2 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Daniel 9, 4b-10
Salmo 78, 8. 9. 11 at 13

Panginoon, aming hiling:
patawad sa sala namin.

Lucas 6, 36-38

Monday of the Second Week in Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Daniel 9, 4b-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos. Nagkasala po kami. Nagpakasama kami at sumuway sa iyong mga tuntunin at kautusan. Hindi kami nakinig sa iyong mga propeta na nagpahayag sa aming mga hari, tagapamuno, magulang at sa buong bayan. Panginoon, ikaw ay laging nasa matuwid at kami ay laging nasa kasamaan tulad ngayon: ang buong Juda at Jerusalem, ang buong Israel, ang lahat pati mga itinapon mo sa iba’t ibang dako dahil sa kataksilan sa iyo. Kami po, ang aming mga hari, pinuno at ang aming mga magulang ay laging nagkakasala sa iyo. Ikaw, Panginoon, ay mahabagin at mapagpatawad sa kabila ng lagi naming pagsalansang at pagsuway sa mga utos na ibinigay mo sa amin na iyong mga alipin sa pamamagitan ng iyong mga propeta.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 78, 8. 9. 11 at 13

Panginoon, aming hiling:
patawad sa sala namin.

Huwag mong parusahan
kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang,
ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa’y pumanaw.

Panginoon, aming hiling:
patawad sa sala namin.

Mahabag ka sana,
kami ay tulungan, Panginoong Diyos na Tagapagligtas,
dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala’y patawaring ganap
at ang pagpupuri sa iyo ng madla’y hindi maglilikat.

Panginoon, aming hiling:
patawad sa sala namin.

Iyong kahabagan
ang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing,
sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin.
Kaming iyong lingkod,
lingkod mo kaming parang mga tupa sa iyong pastulan,
magpupuring lagi’t magpapasalamat sa iyong pangalan!

Panginoon, aming hiling:
patawad sa sala namin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:
Juan 6, 63k. 68k

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 36-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama. Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Lunes

Manalangin tayo sa Diyos na mabait at mahabagin, nagpapagaling at nagpapatawad ng lahat ng ating kasalanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong mahabagin, padaluyin Mo ang Iyong pag-ibig sa amin.

Ang Simbahan nawa’y magpatupad ng kanyang tungkuling magpagaling at magpatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpakita ng kalinga at malasakit para sa mga dukha at api, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang makita ang ating sariling mga pagkakamali at iwasang humusga sa mga pagkakamali ng iba, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nangungulila at may kapansanan nawa’y makatagpo ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang yumaong mga mahal natin sa buhay at mga kaibigan nawa’y makatagpo ng kapanatagan at kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Maawaing Ama, ang mga panalangin at kahilingang idinudulog namin sa iyo ay nagpapahayag ng aming mga pangangailangan at pag-asa. Hinihiling namin ang mga ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Praying to be a cheerful giver

 179 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 181 total views

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Kanino natututo ang mga bata?

 2,841 total views

Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City kamakailan.

Sa kumalat na video, maririnig ang pagmumura ng mga estudyante habang pinapanood ang pagsakay ni PBBM sa helicopter. Sa imbestigasyon na ginawa ng DepEd Schools Division of Davao, apat na mag-aaral ang sangkot sa insidente. Naglabas ang opisina ng pahayag para ihingi ng paumanhin ang anila’y “inappropriate behavior” ng mga estudyante. Tiniyak nila sa publiko na hindi nila kinukunsinti ang pagmumura, na hindi sumasalamin sa respeto, disiplina, at responsabilidad na itinataguyod ng mga paaralan. Nakikipag-ugnayan daw ang opisina ng DepEd sa lungsod ng Davao sa mga magulang ng mga estudyante at sumasailalim na ang mga mag-aaral sa “disciplinary measures.” 

Ang mga bata ay parang espongha o sponge. Sa murang edad pa lang nila, nasisipsip na nila ang mga kaalaman at ugali ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naitatanim sa kanilang murang kaisipan kapwa ang tama at maling impormasyon na huhubog naman sa kanilang pananaw, kilos, at pananalita. Kinokopya nila ang kanilang mga nakikita at naririnig, na siguradong pinatitindi ng social media. Kung napapaligiran sila ng mga taong palamurá, bastos, at naghahangad ng kapahamakan ng iba, malaki ang tsansang ganito rin ang kanilang magiging asal. Sa kaso ng mga nagmuráng bata sa Davao, malamang na nalantad sila sa isang kapaligiran kung saan tila normal na ang pagmumurá. 

May kasabihan nga tayo: ang maling ginagawa ng matatanda ay tama sa mata ng mga bata.

Maaaring gamitin nating mga Katoliko ang ensiklikal ni Pope Francis na Amoris Laetitia bilang gabay sa paghubog sa ugali ng mga bata. Batay sa dokumentong ito, ang ating Simbahan ay naniniwalang ang pagiging disente ay hindi nangangahulugang dapat sumunod lang sa kung ano ang idinidikta, halimbawa, ng mga magulang. Gaya ng lagi nating ipinangangaral, iginagalang ng Simbahan ang personal na kalayaan ng tao at dito nakaugat ang pagtitimpi sa sarili at paggalang sa kapwa; sa Ingles, self-control and respect for others. Bagamat malaya tayong ipahayag ang ating saloobin—gaya ng gálit sa pulitiko—palagi itong dapat unahan ng kahinahunan at respeto. Kung galít man ang mga bata kay PBBM, mainam na gabayan sila kung paano ang galit na ito ay hindi mauuwi sa pagiging bastos. 

Ipinapaalala rin ng Amoris Laetitia ang tungkulin ng mga magulang sa paghubog sa ugali ng mga bata. Hindi nila ito dapat ipagkatiwala lamang sa mga paaralan o ibang institusyon sa labas ng pamilya. Kaya tama ang ginawa ng DepEd na makipag-ugnayan sa mga magulang ng mga batang minura ang pangulo. Dapat silang paalalahanan na ang pamilya ang unang paaralan ng mga bata. 

Tama rin ang mensahe ng opisina ng DepEd sa Davao na hindi dapat kunsintihin ang maling ginawa ng mga bata. Pero dapat din itong may kalakip na pagtatama—pagtatamang hindi gumagamit ng pananakit kundi nakatuon sa pagmamahal sa kanila. Ayon pa sa Amoris Laetitia, dapat turuan ang mga bata na ang maling gawain ay may consequences o mga kinahihinatnan. Sa kaso ng mga estudyante sa Davao, mahalagang ipaunawa sa kanila na maaari silang gayahin ng iba at hindi ito nakabubuti. 

Mga Kapanalig, gusto nating isiping isolated case lamang ang nangyaring ito sa Davao. Gusto nating maniwala na pinahahalagahan pa rin ng ating mga mag-aaral ang respeto at kabutihang-asal. Pero maging wake-up call sana ang insidenteng ito sa Davao sa mga nakatatanda, lalo na sa mga magulang at guro. Gaya ng ipinahihiwatig sa Deuteronomio 6:6-7, ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata ay isang tuluy-tuloy na gawain, mula “sa inyong pagtulog sa gabi [hanggang] sa inyong pagbangon sa umaga.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 2,842 total views

 2,842 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 59,010 total views

 59,010 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 122,691 total views

 122,691 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 192,021 total views

 192,021 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 222,274 total views

 222,274 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 677 total views

 677 total views Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 2,502 total views

 2,502 total views Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 4,785 total views

 4,785 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 5,921 total views

 5,921 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 6,692 total views

 6,692 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top