Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, MAYO 8, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,800 total views

Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 14, 5-18
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Juan 14, 21-26

Monday of the Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 5-18

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, kumilos agad ang mga Hentil at ang mga Judio, kasama ng kanilang mga pinuno, laban sa mga apostol; binalak nilang lapastanganin at batuhin sila. Subalit nang malaman ito ng mga apostol sila’y tumakas patungo sa Listra at Derbe, mga lungsod ng Licaonia, at sa lupaing nasa palibot. At doon nila ipinangaral ang Mabuting Balita.

Sa Listra, may isang lalaking di makalakad, sapagkat siya’y lumpo mula sa pagkabata. Nakaupo siya’t nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo’y may pananampalataya upang mapagaling, tinitigan niya ito, at malakas na sinabi, “Tumayo ka nang tuwid!” At lumukso ang lalaki at nagpalakad-lakad. Nang makita ng taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!” Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo, sapagkat siya ang tagapagsalita. Nasa pagpasok ng lungsod ang templo ni Zeus. Nang marinig ng saserdote nito ang nangyari, nagdala siya sa pintong lungsod ng mga torong may kuwintas na bulaklak upang ihandog niya at ng taong bayan sa mga apostol. Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, hinapak nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila, “Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan. Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, at ng lahat ng naroroon. Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang kagustuhan. Gayunma’y nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinuspos ng kagalakan ang inyong mga puso.” Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin sila ng pagpigil sa mga tao sa paghahandog sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

o kaya: Aleluya.

Tanging sa ‘yo lamang, Poon, ang dakilang karangalan,
hindi namin maaangkin, pagkat ito’y iyo lamang;
dahilan sa ika’y tapat at wagas ang pagmamahal.
Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:
“Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Ang Diyos nami’y nasa langit, naroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos,
pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob.
Panginoon ang may-ari ng buong sangkalangitan,
samantalang ang daigdig ay sa tao ibinigay.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating Guro.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 21-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.” Tinanong siya ni Judas, hindi ang Iscariote, “Panginoon,” bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?” Sumagot si Hesus, “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga Salita. Hindi akin ang salitang narinig ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Buong pagtitiwalang itaas natin ang ating mga puso sa Diyos Ama na gumagabay sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y isabuhay ang diwa ng Ebanghelyo at isagawa ang kalooban ng Diyos sa kanyang paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magsikap na itaguyod ang katarungan at karangalan ng tao lalo na ng mga mahihina at mahihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan, nawa’y itaguyod at tulungan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig at kabutihang ipinakita sa atin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa kanilang katawan, pag-iisip, at kaluluwa nawa’y makatagpo ng ganap na paggaling, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makapasok sa lugar na inihanda ni Kristo para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangyarihan, dinggin mo ang aming mga panalangin at buksan ang aming mga puso upang tanggapin at ibigin ang aming mga kapatid na nangangailangan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 22,209 total views

 22,209 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 28,433 total views

 28,433 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 37,126 total views

 37,126 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 51,894 total views

 51,894 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 59,016 total views

 59,016 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 711 total views

 711 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 1,687 total views

 1,687 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 2,174 total views

 2,174 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 2,569 total views

 2,569 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 2,872 total views

 2,872 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 2,954 total views

 2,954 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,516 total views

 2,516 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,545 total views

 2,545 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 2,860 total views

 2,860 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 3,095 total views

 3,095 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 3,731 total views

 3,731 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 3,988 total views

 3,988 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,370 total views

 4,370 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 4,784 total views

 4,784 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,442 total views

 5,442 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top