Martes, Agosto 18, 2026

SHARE THE TRUTH

 196 total reads

Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ezekiel 28, 1-10
Deuteronomio 32, 26-27ab. 27kd-28. 30. 35kd-36ab

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Mateo 19, 23-30

Wednesday of the Twentieth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 28, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagamat ang totoo’y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang diyos. Akala mo’y matalino ka pa kay Daniel. Akala mo’y alam mo ang lahat ng bagay kahit pa anong lihim. Sa dunong mo’t kaalaman ay nagkamal ka at nakapagbunton ng pilak at ginto. Sa iyo ngang nalalaman sa larangan ng kalakal, patuloy na lumaki ang iyong kayamanan. Dahil dito, naging palalo ka. Kaya naman ito ang ipinasasabi ng Diyos na Panginoon: Pagkat pilit mong ipinapantay sa Diyos ang sarili, ipalulusob kita sa pinakamalupit na kaaway sa daigdig. Wawasakin nila ang lahat ng ari-arian mo na pawang kinamtan sa tusong pamamaraan. Ihuhulog ka niya sa lalim na walang hanggan, papatayi’t ihahagis sa pusod ng dagat. Sa harap kaya ng mga papatay sa iyo ay masabi mo pang ikaw ay diyos? Noon mo malalamang ikaw pala ay tao lamang at may kamatayan. Parang aso kang papatayin ng mga dayuhan. Akong Panginoon ang may sabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 26-27ab. 27kd-28. 30. 35kd-36ab

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Ipinasya ko nang sila’y lipulin
at pawiin sa alaala ng madla.
Ngunit di ko tutulutan ang kanilang kaaway
ay maghambog at sabihing:

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

“Kami ang lumupig sa kanila,
at hindi ang Diyos nila.
Mahina ang pang-unawa ng Israel
at sila’y maituturing na bansang mangmang.”

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Paanong ang sanlibo ay matutugis ng isang tao
at mapipigilan ng dalawa ang sampunlibo?
Sila’y pinabayaan ng Diyos na Poon,
itinakwil na sila ng kanilang dakilang Diyos.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Darating ang araw ng aking paniningil at paghihiganti,
hanggang sa sila’y humapay at mabuwal
pagkat ang wakas nila ay malapit na.
Ililigtas ng Poon ang kanyang bayan
siya’y mahahabag sa mga maglilingkod sa Kanya.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 23-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila. “Kung gayun, sino po ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama para sa katatagan na mapaglabanan ang tuso ng materyal na bagay at kasiguruhan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, tulungan Mo kaming ituon ang aming mga puso sa Iyong kaharian.

Ang Simbahan nawa’y magbigay saksi sa halaga ng makalangit na Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mauunlad na bansa nawa’y magbahagi ng kanilang likas na yaman sa mga mahihirap na bansa, at huwag nila silang pagsamantalahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong namumuhay sa karangyaan nawa’y maging matalino sa paggamit ng kanilang kayamanan ayon sa diwa ng pagbabahagi at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga matatanda, dukha, at maysakit nawa’y maipakita natin ang ating pagkalinga at habag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makibahagi sa kayamanan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang mithiin ng iyong bayan. Mapuno nawa kami ng karunungan ni Jesus, siya na nabubuhay at naghahari, kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

PAANO GINASTOS ANG PERA

 37,757 total reads

Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at kumbinsihin ang Senado na ang kaso sa confidential fund laban sa pangalawang pangulo ay mahina at fishing expedition lamang.

Simple lamang ang problema ni VP Duterte, kahit anong objection., kahit anong cross-examination sa witness ng prosekusyon na si COA auditor Xylene del Campo, hindi maipaliwanag ng defense lawyers kung saan ginastos ng Office of the Vice President at Department of Education ang 612.5-milyong pisong confidential fund.

Kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan, hindi dahilan ang confidential., saan mo ginastos?
Sa napakahabang cross examination sa prosecution witness, malinaw ang kawalan ng accountability sa panig ni VP Duterte.

Ang hindi masagot na tanong., nasaan ang sapat na dokumentasyon? Ano ang confidential operations na pinondohan?

Paano napatunayan na lehitimo at successful ang mga operasyon?Kung ibinigay ng accountable officer ang pera sa ibang tao, sino ang nakakaalam kung saan talaga napunta ang milyun-milyong pisong cash?

Hindi rin maipaliwanag at walang documentary evidence ang kampo ni VP Duterte na ang kinukuwestiyong pera ng taumbayan ay ginastos tama sang-ayon sa tunay na layunin ng confidential fund.

Kapanalig, pilit mang giniba ang kredibilidad ni del Campo, umalis siya sa witness stand nang hindi nabubutas ang pangunahing problema ng audit.,kulang ang substantiation, mga dokumento at tumibay ang pagdidiin ng prosekusyon kung sino ang may pananagutan.

Kung malinis at hindi ginastos ng personal ni VP Duterte ang confindential fund., nasaan ang resibo?
Ang masakit na katotohanan, kung nawala na ang pananagutan, hindi na maituturing na maliit ang problema, maaring ang kabuuang paggasta sa 612.5-milyong pisong confidential fund ay mali, iligal na ginamit ang pondo.

Kapanalig, hindi puwedeng gastusin ng isang opisyal ng pamahalaan ang milyun-milyong pisong pera ng bayan at ikatwirang confidential kasunod ng kawalan ng pananagutan. Hindi maaring confidential ang sagot sa bawat tanong. Pera yan ng taumbayan, kailangan mong ipaliwanag kung nasaan napunta ang pera, at bakit nararapat at legal ang paggasta ng pondo.

Kapanalig, kung maayos ang paggamit ng pondo, simple lang ang dapat ipakita ni VP Duterte sa COA. Ang confidential na aktibidad? Magkano ang ginamit na pondo? Ano ang otoridad na gastusin ang salapi? Nasaan ang mga dokumento na nag-uugnay sa pera sa ginawang programa? Malinaw sa auditing hindi sapat na sabihing may operasyon? Pambabastos ito sa taumbayan.

Sinasabi ng ROMANS 3:19 – “Now we know that whatever the Law says, it speaks to those who are under the Law, so that every mouth may be closed and all the world may become accountable to God”.
Ayon naman sa Proverbs 27:17, “As iron sharpens iron, so one person sharpens another.”

Sumainyo ang Katotohanan.

WORK OF LOVE

 8,354 total reads

Gospel Reading for August 14, 2026 – Matthew 19: 3-12

WORK OF LOVE

Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it lawful for a man to divorce his wife for any cause whatever?” He said in reply, “Have you not read that from the beginning the Creator made them male and female and said, For this reason a man shall leave his father and mother and be joined to his wife, and the two shall become one flesh? So they are no longer two, but one flesh. Therefore, what God has joined together, man must not separate.” They said to him, “Then why did Moses command that the man give the woman a bill of divorce and dismiss her?” He said to them, “Because of the hardness of your hearts Moses allowed you to divorce your wives, but from the beginning it was not so. I say to you, whoever divorces his wife (unless the marriage is unlawful) and marries another commits adultery.” His disciples said to him, “If that is the case of a man with his wife, it is better not to marry.” He answered, “Not all can accept this word, but only those to whom that is granted. Some are incapable of marriage because they were born so; some, because they were made so by others; some, because they have renounced marriage for the sake of the Kingdom of heaven. Whoever can accept this ought to accept it.”

————

As Jesus explained, marriage is not for everyone, because it is a lifelong journey in which two persons, raised differently and coming from different families, are brought together by God in Holy Matrimony and become ONE.

In this sacrament, the couple is showered with all the graces they need to make their union a beautiful WORK OF LOVE designed by God—a union in which they live under one roof, remain faithful to one another, support and care for one another, and honor each other’s dignity. In this sacred relationship, they strive not to allow their differences to separate them, but rather to adjust to one another, so that they may truly become ONE.

Through constant communication, they gradually develop a language all their own, where disagreements can lead to understanding and, ultimately, to agreement. If they are blessed with children, who are the fruit of their union, they are given the precious opportunity to serve the world by raising them according to God’s will.

There are countless experiences that unfold within this sacred union, which is why LOVE is essential for it to flourish and endure. St. Paul’s beautiful description of LOVE in 1 Corinthians 13:1–13 expresses this truth perfectly. As the saying goes, LOVE conquers all.

Some sectors are advocating for the legalization of divorce in the Philippines, a nation that is home to the largest Christian population in Asia. From a Christian perspective, the legalization of divorce raises serious concerns because it is difficult to reconcile with the Christian understanding of marriage as a sacred and lifelong covenant before God.

Lord Jesus, help us to be faithful to the vows we make, whatever our state of life may be. Amen.

Remembering our roots and origin

 9,566 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Memorial of St. Maximilian Kolbe, Priest & Martyr, 14 August 2026
Photo by Mariam Antadze on Pexels.com
O God our loving Father,
help us to always remember -
our origins and beginnings,
our past especially
the people who had cared
and nurtured us,
our parents and siblings,
relatives and friends,
those who gave us 
the breaks and sparks
to begin our great journeys in life,
the people who stood by
when we were down
and nobody believed us:
dear God,
remind us always
of the basic fact,
of the principle and foundation
of our being:
that we came from you
and shall return to you.
Forgive us,
Lord God,
in forgetting you always,
in forgetting others,
in forgetting
we are nothing without you;
touch us,
nudge us if needed
whenever we forget 
you and our lowly beginnings;
let us not be amazed 
by our feats
and abilities.

But you were captivated by your own beauty, you used your renown to make yourself a harlot, and you lavished your harlotry on every passer-by, whose own you became. Yet I will remember the covenant I made with you when you were a girl, and I will set up an everlasting covenant with you, that you may remember and be covered with confusion, and that you may be utterly silenced for shame when I pardon you for all you have done, says the Lord God (Ezekiel 16:15, 60-63).

Photo of Auschwitz from internet.
As we celebrate today
the Memorial of your most
faithful servant 
St. Maximilian Kolbe
who offered himself not just
once for a fellow prisoner in
Auschwitz for he had
dedicated himself to you
entirely before World War II
began,
may we remember
the lessons that led
to the Holocaust;
like St. Maximilian Kolbe
may we continue to remember
your covenant in Jesus Christ
by making a stand against
injustice and immorality,
in defending life especially
at its weakest points,
and most of all,
in remembering
the equal dignity of every person
created in your image and likeness;
like what Jesus told
the Pharisees,
let us go back
to Paradise,
let us return to you,
O God,
as our Lord and Master
alone,
not ourselves,
nor our pride and convenience,
nor anyone
nor their flimsy, 
modern thoughts
and ideas;
like St. Maximilian Kolbe,
may we have the courage
to always stand forward
for what is true
and good
and holy.
Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 37,759 total reads

 37,759 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 143,682 total reads

 143,682 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 180,469 total reads

 180,469 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 211,045 total reads

 211,045 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 257,949 total reads

 257,949 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 17, 2026

 1,656 total reads

 1,656 total reads Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Ezekiel 24, 15-24 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21 Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Agosto 16, 2026

 3,016 total reads

 3,016 total reads Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 65, 1. 6-7 Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat

Read More »

Sabado, Agosto 15, 2026

 4,210 total reads

 4,210 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16

Read More »

Biyernes, Agosto 14, 2026

 4,977 total reads

 4,977 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria Pagmimisa sa Bisperas 1 Cronica 15, 3-4. 15-16; 16, 1-2 Salmo 131,

Read More »

Huwebes, Agosto 13, 2026

 5,752 total reads

 5,752 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top