MARTES, DISYEMBRE 12, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,512 total views

Paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe

Zacarias 2, 14-17
o kaya Pahayag 11, 19a; 12, 1-6a. 10ab
Judith 13, 18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Lucas 1, 26-38
o kaya Lucas 1, 39-47

Feast of Our Lady of Guadalupe, Patroness of the Philippines (White)

UNANG PAGBASA
Zecarias 2, 14-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Sinabi ng Panginoon, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan na ako sa piling mo.”

Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri sa Panginoon at pasasakop sa kanya. Siya’y maninirahan sa gitna ninyo. Sa gayun, malalaman ninyong sinugo ako ng Panginoon. Muli niyang kukupkupin, ituturing na kanyang sarili, at itatangi ang Jerusalem.

Manahimik sa harapan ng Panginoon ang lahat ng nilalang, pagkat siya’y tumindig mula sa kanyang templo.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Pahayag 11, 19a; 12, 1-6a. 10ab

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.

Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.

Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo at smapung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Judith 13, 18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Anak, sumasainyo ang pagpapala ng Diyos na Kataas-taasan.
Higit kang pinagpala kaysa lahat ng babae sa lupa.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos na lumalang sa langit at lupa.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Ang pananalig sa Diyos na nag-udyok sa iyo
ay hindi na mapaparam sa isip ng mga tao
habang ginugunita nila ang kapangyarihan ng Diyos.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

ALELUYA
Lucas 1, 28

Aleluya! Aleluya!
Aba, Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasya,
D’yos ay kapiling mo t’wina.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 26-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 1, 39-47

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!”

At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Martes

Ang Panginoon ang ating Pastol na nakakikilala sa bawat isa sa atin. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos nang may pagtitiwala sa kanyang pag-ibig para sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Pastol, dinggin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging isang buhay na tanda ng tunay na malasakit at lubos na pangangalaga para sa mga itinakwil ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nalihis sa landas ng kabutihan nawa’y marinig ang tinig ni Kristo, ang Mabuting Pastol, na tumatawag sa kanila upang magbalik sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig ng ating Panginoon na tumatawag sa kanila para sa pagbabagong-loob at pagtatalaga ng buhay para maglingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdurusa at maysakit nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga at paglingap na ibinibigay natin sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw na ay makapasok nawa sa “pintuan ng kulungan” at magdiwang na kasama ng Pastol at bantay ng kanilang kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Pinakabutihing Ama, gabayan mo kami sa matuwid na landas. Dinggin mo ang aming mga panalangin at pagpalain mo ang bawat isa sa amin sa paraang ikaw ang higit na nakaaalam. Nawa’y makasunod kami kung saan mo kami akayin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 74,383 total views

 74,383 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 85,176 total views

 85,176 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,582 total views

 90,582 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 127,665 total views

 127,665 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 139,311 total views

 139,311 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

Related Story

HUWEBES, MARSO 7, 2024

 778 total views

 778 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Lucas 11, 14-23 Thursday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 7, 23-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga

Read More »

MIYERKULES, MARSO 6, 2024

 1,723 total views

 1,723 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Mateo 5, 17-19 Wednesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1. 5-9 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon,

Read More »

MARTES, MARSO 5, 2024

 2,989 total views

 2,989 total views Martes ng Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 25. 34-43 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Mateo 18, 21-35 Tuesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 3, 25. 34-43 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Noong mga araw na

Read More »

LUNES, MARSO 4, 2024

 3,826 total views

 3,826 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Lucas 4, 24-30 Monday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA 2 Hari 5, 1-15a Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

LINGGO, MARSO 3, 2024

 4,608 total views

 4,608 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Exodo 20, 1-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Panginoon, iyong taglay ang Salitang bumubuhay. 1 Corinto 1, 22-25 Juan 2, 13-25 Third Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Exodo 20, 1-17 Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Noong mga araw

Read More »

SABADO, MARSO 2, 2024

 4,896 total views

 4,896 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Lucas 15, 1-3. 11-32 Saturday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Mikas 7, 14-15. 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Patnubayan mo ang iyong

Read More »

BIYERNES, MARSO 1, 2024

 5,173 total views

 5,173 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mateo 21, 33-43. 45-46 Friday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Mas mahal

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

 5,014 total views

 5,014 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 5,436 total views

 5,436 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 5,599 total views

 5,599 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 5,882 total views

 5,882 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 6,038 total views

 6,038 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 6,251 total views

 6,251 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 6,556 total views

 6,556 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 6,327 total views

 6,327 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »
Scroll to Top