Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, DISYEMBRE 13, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,713 total views

Paggunita kay Santa Lucia, dalaga at martir

Sofonias 3, 1-2. 9-13
Salmo 33, 2-3. 6-7. 17-18. 19 at 23

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Mateo 21, 28-32

Memorial of Lucy, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Sofonias 3, 1-2. 9-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
Kahabag-habag ang lungsod na itong suwail
at punong-puno ng karumihan at pang-aapi.
Wala siyang pakikinig sa Panginoon at hindi tumatanggap ng kanyang payo.
Hindi siya nagtitiwala sa Panginoon,
ni lumalapit man upang pasaklolo.
“Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao, at bibigyan ko sila ng dilang malinis,
upang silang lahat ay tumawag sa pangalan ng Panginoon at buong pagkakaisang maglingkod sa kanya.
Mula sa ibayo ng mga ilog ng Etiopia,
ang aking nangalat na bayan, ay sasamba sa akin, magdadala ng kanilang handog.
Sa araw na yaon ay hindi kayo mapapahiya sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin;
sapagkat aalisin ko ang mapagmataas,
at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.
At ang iiwan ko roon ay mga taong mapagpakumbaba,
na lalapit sa akin upang pasaklolo.
Ang natira sa Israel ay hindi na gagawa ng kasamaan at hindi na magsisinungaling ni mandaraya man.
Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag at wala silang katatakutan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 6-7. 17-18. 19 at 23

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang mag-iingat.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Panginoon ay darating,
Siya’y hindi magmamaliw,
tayo’y kanyang tutubusin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 21, 28-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.’ ‘Ayoko po.’ tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayon din ang kanyang sinabi. ‘Opo’ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?” “Ang nakatatanda po,” sagot nila. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae’y nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos. Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Martes

Kadalasa’y hindi natin nauunawaan ang plano ng Diyos para sa atin. Hilingin natin sa Diyos Ama na loobin niyang malaman natin ang kanyang kalooban at matupad natin ito.

Panginoon, dinggin mo kami.
o kaya
Panginoon, patnubayan mo kami.

Ang Santo Papa at mga obispo ng Simbahan nawa’y magkaroon ng tibay at lakas ng loob sa kanilang buong-pusong paggabay sa mga mananampalatayang nasa kanilang pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan, nawa’y ibatay natin ang ating buhay sa awa at habag ng Diyos at hindi sa mga pagkukunwari, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging tapat at totoo sa ating pansariling buhay upang makatupad sa kalooban ng Diyos nang walang pag-aalinlangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at namimighati nawa’y makaranas ng pag-ibig at habag ng Diyos sa tulong ng mga taong nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maranasan ang walang hanggang galak sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ibuhos mo nawa ang iyong biyaya sa amin. Tulungan mo kaming matupad nang may pusong tapat ang mga pangakong aming binibitiwan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 53,808 total views

 53,808 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 77,593 total views

 77,593 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 89,828 total views

 89,828 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 275,298 total views

 275,298 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 305,167 total views

 305,167 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 75,337 total views

 75,337 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 75,568 total views

 75,568 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 76,118 total views

 76,118 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 56,908 total views

 56,908 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 57,017 total views

 57,017 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top