Martes, Enero 21, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,782 total reads

Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir

Hebreo 6, 10-20
Salmo 110, 1-2. 4-5. 9 at 10k

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Marcos 2, 23-28

Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 6, 10-20

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, makatarungan ang Diyos. Hindi niya lilimutin ang inyong ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita at hanggang ngayo’y ipinakikita sa paglilingkod ninyo sa inyong mga kapwa Kristiyano. At pinakananais ko na ang bawat isa sa inyo’y patuloy na magsumikap hanggang wakas upang kamtan ninyo ang inyong inaasahan. Kaya’t huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong nagtitiis at nananalig sa Diyos at sa gayo’y tumangap ng mga ipinangako niya.

Nang mangako kay Abraham ang Diyos, siya’y nanumpa sa kanyang sariling pangalan yamang wala nang hihigit pa rito na kanyang mapanunumpaan. Sinabi niya, “Ipinangangako ko na lubos kitang pagpapalain, at pararamihin ko ang iyong lipi.” Matiyagang naghintay si Abraham, at kanya ngang nakamtan ang ipinangako sa kanya. Nanunumpa ang mga tao sa ngalan ng isang nakahihigit sa kanila, at sa pamamagitan ng panunumpang ito’y natatapos na ang usapan. Gayon din naman, pinatibayan ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakilala sa kanyang mga pinangakuan na hindi nagbabago ang kanyang panukala. At hindi nagbabago ni nagsisinungaling man ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito — ang kanyang pangako at sumpa. Kaya’t tayong nakatagpo sa kanya ng kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay. At ito’y umaabot hanggang sa kabila ng tabing sa templong panlangit, sa dakong kabanal-banalan na pinasukan ni Hesus na nangunguna sa atin. Doon, siya’y isang dakilang saserdote magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 4-5. 9 at 10k

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

o kaya: Aleluya.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.
Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira.

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Kaligtasa’y dulot sa mga hinirang,
may ipinangakong walang hanggang tipan;
Banal at dakila ang kanyang pangalan;
At pupurihin pa magpakailanpaman.

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

ALELUYA
Efeso 1, 17-18

Aleluya! Aleluya!
D’yos Ama ni Hesukristo,
kami ay liwanagan mo
at tutugon kami sa ‘yo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 2, 23-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Hesus at ang kanyang mga alagad sa tabi ng triguhan. Habang daa’y nangingitil ng uhay ang mga alagad, kaya’t sinabi ng mga Pariseo kay Hesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga!” Sinagot sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong si Abiatar ang pinakapunong saserdote? Nang siya at kanyang mga kasama’y magutom at walang makain, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog ng Diyos. Ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon, ngunit kinain iyon ni David, at binigyan pa ang kanyang mga kasama.” Sinabi pa ni Hesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa kabutihan ng tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t maging ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama na tinawag tayong maging kanyang malalayang mga anak sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng Araw ng Pangilin, basbasan Mo kami.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y ituring ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan mula sa pagkakasala at bilang paraan ng paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga mambabatas nawa’y gumawa ng mga makataong batas na maglilingkod para sa ikabubuti ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang batas nawa’y huwag nating ilagay nang higit pa sa ating pagkatao bagkus unahin ang pagpapatupad ng dakilang utos na magmahalan tayo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga nababahala sa kanilang karamdaman nawa’y makatagpo sila ng kaginhawahan at lakas sa mga taong nagmamahal at kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumao nawa’y tanggapin ang walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nawa’y maging paanyaya sa amin ang bawat batas mo upang mahalin at paglingkuran ang aming kapwa at upang sila ay unawain, igalang, gabayan at maging amin ring gabay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,467 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,435 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,278 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,468 total reads

 4,468 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,391 total reads

 42,391 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,229 total reads

 96,229 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,667 total reads

 159,667 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,449 total reads

 227,449 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 598 total reads

 598 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,227 total reads

 2,227 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,052 total reads

 4,052 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,095 total reads

 6,095 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,883 total reads

 6,883 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top