Martes, Hulyo 14, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,771 total views

Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari

Isaias 7, 1-9
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 5-6. 7-8

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Mateo 11, 20-24

Tuesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 7, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nang kapanahunan ni Acaz, na anak ni Jotam at apo naman ni Uzias na hari ng Juda, ang Jerusalem ay sinalakay ni Rezin, hari ng Siria, at ni Peka, anak ni Remalias, hari ng Israel. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Nakaabot sa sambahayan ni David ang balitang nagkasundo na ang Siria at ang Israel. Kaya’t ang hari, gayun din ang buong bayan, ay nanginig sa takot na animo’y mga punongkahoy na inuugoy ng hangin.

Sinabi ng Panginoon kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Jasub at salubungin ninyo si Acaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa Tipunan ng Tubig sa Itaas, sa daang patungo sa Bilaran ng Damit. Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag masisira ang loob mo dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ng anak ni Remalias; ang dalawang iyan ay parang dalawang kahoy na umuusok ngunit di nagdidingas.’ Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:

‘Lusubin natin ang Juda,
pasukuin natin at sakupin,
papaghariin natin doon ang anak ni Tabeel.’
Akong Panginoon ang nagsasabing hindi na ito mauulit.
Pagkat ang Siria’y mahina pa sa Damasco na punong-lungsod niya
at ang Damasco’y mas mahina kay Haring Rezin.
Ang Israel naman, mawawasak sa loob ng animnapu’t limang araw.
Malakas pa sa Israel ang Samaria na kanyang punong-lungsod,
at ang Samaria ay hindi lalakas kaysa kay Haring Peka.
Ikaw ay mapapahamak pag hindi nanatili ang iyong pananalig sa Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 5-6. 7-8

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Dakila ang Poon, dapat papurihan,
sa lungsod ng Diyos, bundok niyang banal.
Ang Bundok ng Sion, tahanan ng Diyos
ay dakong mataas na nakalulugod.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Bundok sa hilaga na galak ang dulot,
sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,
sa loob ng muog ng banal na bayan.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Itong mga hari ay nagtipun-tipon,
upang sumalakay sa Bundok ng Sion;
sila ay nagulat nang ito’y mamasdan,
pawang nagsitakas at nahintakutan.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Ang nakakatulad ng pangamba nila
ay ang pagluluwal ng butihing ina.
Sa hanging amiha’y kanyang winawasak
ang naglalakihang barkong naglalayag.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 20-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan. “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana’y nanatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Matiisin ang Diyos at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabalik-loob at pagbabagumbuhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, Panginoon.

Ang Kristiyanong nananalig nawa’y tumugon sa tawag ng pananampalataya at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan na italaga ang ating sarili para maging malaya kay Kristo ang mga taong napipiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may mga pusong hungkag at nanlalamig nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa pag-ibig ng Diyos at ng kanilang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng habag at pag-ibig, pakinggan mo ang daing ng mundong nasusukol sa pagdurusa at pagkakasala. Palayain mo nawa kami sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

REAL LIFE

 5,637 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 6,409 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 48,006 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 48,007 total views

 48,007 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 120,213 total views

 120,213 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 151,495 total views

 151,495 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 183,511 total views

 183,511 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 333,247 total views

 333,247 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 1,148 total views

 1,148 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 2,520 total views

 2,520 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 3,793 total views

 3,793 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 4,660 total views

 4,660 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 6,241 total views

 6,241 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top