Martes, Hulyo 8, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,121 total views

Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 32, 22-32
Salmo 16, 1. 2-3. 6-7. 8b at 15

Yamang ako ay matuwid,
ang mukha mo’y mamamasid.

Mateo 9, 32-38

Tuesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 32, 22-32

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, gumising nang gabi ring yaon si Jacob at itinawid sa Ilog Jaboc ang dalawa niyang asawa, labing-isang anak at dalawang aliping babae. Pagkatapos, itinawid ang lahat niyang ari-arian, at mag-isang nagbalik sa kabila.

Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang magbubukang-liwayway. Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya magagapi si Jacob, pinalo niya ito sa balakang at ito’y nalinsad. Sinabi ng lalaki, “Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!”

“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi mo ako binebendisyunan,” wika ni Jacob. Tinanong ng lalaki kung sino siya, at sinabi niyang siya’y si Jacob.

Sinabi sa kanya ng lalaki, “Mula ngayo’y Israel na ang itatawag sa iyo, hindi na Jacob, sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

“Ano pong ngalan ninyo?” tanong ni Jacob.

“Bakit gusto mo pang malaman?” sagot naman ng lalaki. At binasbasan niya si Jacob.

Sinabi ni Jacob, “Nakita ko nang mukhaan ang Diyos, gayunma’y buhay pa rin ako.” At tinawag niyang Peniel ang lugar na iyon. Sikat na ang araw nang umalis siya roon at pipilay-pilay na lumakad. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayo’y hindi kinakain ng mga Israelita ang litid ng pigi ng hayop, sapagkat iyon ang bahaging napilay kay Jacob.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 16, 1. 2-3. 6-7. 8b at 15

Yamang ako ay matuwid,
ang mukha mo’y mamamasid.

Dinggin mo po, Panginoon, ang tapat kong panawagan,
poon, ako ay dinggin mo, sa daing ko na tulungan;
pagkat ako’y taong tapat, di nandaya kailanman,
kaya ako’y sumasamong dalangin ko ay pakinggan.

Yamang ako ay matuwid,
ang mukha mo’y mamamasid.

Hahatol ka sa panig ko sa pasiya mong ibibigay,
pagkat iyong natatanto ang tunay na katwiran.
Ang tibukin ng puso ko ay lubos mong nababatid,
sa piling ko, naroon ka’t kahit gabi’y nagmamasid;
ako’y iyong sinisiyasat, nasumpungan mong matuwid,
tapat ako kung mangusap, ang layunin ay malinis.

Yamang ako ay matuwid,
ang mukha mo’y mamamasid.

Ang daing ko, Panginoon, ay lagi mong dinirinig,
kaya ako’y dumudulog at sa iyo humihibik;
sa amin ay ipadama, yaong banal mong pag-ibig,
sa piling mo’y ligtas kami sa kamay ng malulupit.

Yamang ako ay matuwid,
ang mukha mo’y mamamasid.

Kung paanong sa mata mo’y lubos ang ‘yong pag-iingat,
gayun ako ingatan mo sa lilim ng iyong pakpak;
yamang ako ay matuwid, ang mukha mo’y mamamalas
kapag ako ay nagising, sa piling mo’y magagalak.

Yamang ako ay matuwid,
ang mukha mo’y mamamasid.

ALELUYA
Juan 10, 14

Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 32-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dinala kay Hesus ang isang piping inaalihan ng demonyo. Pinalayas ni Hesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, “Kailanma’y walang nakitang katulad nito sa Israel!” Datapwat sinabi ng mga Pariseo, “Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”

Nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng pagkapari sa Bagong Tipan, idinudulot ng Diyos ang mapagpatawad na paglilingkod ng kanyang Anak sa atin. Lumapit tayo sa Panginoon ng ani at manalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, magpadala ka ng mga manggagawa sa iyong anihan.

Ang mga tinatawag sa paglilingkod sa Bayan ng Diyos bilang mga pari, nawa’y dumami pa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang sarado sa Ebanghelyo nawa’y maihanda at maging mga matatabang lupa para sa paghahasik ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod na pari, madre, relihiyoso, katekista, at laykong aposotolado nawa’y makahikayat ng iba pa upang sumama sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga natatanging serbisyo sa ating sambayanan nawa’y mapalakas natin ang loob at ating suportahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mapagpatawad na sakripisyo ni Kristo nawa’y magdulot sa mga yumao ng kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng ani, sa pamamagitan ng aming mga panalangin, tipunin mo ang iyong bayan. Bigyan mo kami ng marami pang manggagawa sa iyong misyon upang mapadali ang pagdating ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 8,089 total views

 8,089 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 182,023 total views

 182,023 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,656 total views

 159,656 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 223,533 total views

 223,533 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,750 total views

 242,750 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 587 total views

 587 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 2,244 total views

 2,244 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 2,244 total views

 2,244 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 1,971 total views

 1,971 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 1,220 total views

 1,220 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top