MARTES, MAYO 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,882 total views

Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 14, 19-28
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21

Talastas ng mga tao,
dakilang paghahari mo.

Juan 14, 27-31a

Tuesday of Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 19-28

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga tao laban kay Pablo at kanilang binato siya. Pagkatapos, kinaladkad siya sa labas ng bayan, sa pag-aakalang patay na. Subalit nang paligiran siya ng mga alagad, nagtindig si Pablo at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, nagtungo sila ni Bernabe sa Derbe.

Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Mabuting Balita sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila. Sa bawat simbahan, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan.

Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkalinga ng Diyos.

Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib ng simbahan at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil. At mahabang panahon silang nanatili roon, kasama ng mga alagad.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

o kaya: Aleluya!

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Aking pupurihin ang Diyos na Panginoon, di ko tutugutan
sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Lucas 24, 46. 26

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y laang magtiis
nang tagumpay ay makamit
at sumaatin ang langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 27-31a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot. Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, ngunit babalik ako.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa akin. Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko’y ang iniutos niya sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Ang pinakadakilang handog sa atin ng ating Panginoong Muling Nabuhay ay ang kapayapaang hindi maibibigay ng mundo. Sa ngalan niya, hingin natin sa Ama ang lahat ng ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang iyong kapayapaan.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magsikap na itaguyod ang lahat ng tao tungo sa pagkakaunawaan, pagtutulungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng lahat ng bansa nawa’y magtaguyod ng katarungan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naliligalig, natatakot, at nababagabag nawa’y makatagpo ng tunay na kapayapaan at kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga tahanan at lugar ng hanapbuhay nawa’y maghari ang kapayapaan at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaang kailangan namin. Tulungan mo kaming makipagkasundo sa aming mga sarili, sa aming kapwa, at higit sa lahat sa aming mga kaaway. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Maliit na Kabuhayan

 13,689 total views

 13,688 total views Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos. Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa

Read More »

Technical Vocational Education and Training

 23,928 total views

 23,927 total views Kapanalig, marami sa atin sa technical and vocational education umaasa para magkaroon ng trabaho. Tinatayang umabot sa mahigit pa sa 1.2 million ang technical vocational education and training (tech-voc) graduates at halos isang milyon na rin ang certified skilled workers noong 2023. Ang laking tulong ng tech-voc sa maraming pamilya. Dahil dito, nagkakaroon

Read More »

Paglago ng Artificial Intelligence

 12,704 total views

 12,703 total views Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan. Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng

Read More »

“Climate crisis is a child crisis”

 32,301 total views

 32,300 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »

Kuryente at kalikasan

 43,146 total views

 43,145 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 7,300 total views

 7,300 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 7,569 total views

 7,569 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 7,185 total views

 7,185 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 8,177 total views

 8,177 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 8,524 total views

 8,524 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 4,116 total views

 4,116 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 4,014 total views

 4,014 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 3,896 total views

 3,896 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 3,651 total views

 3,651 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 3,517 total views

 3,517 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 5,522 total views

 5,522 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 5,741 total views

 5,741 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 6,015 total views

 6,015 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 6,307 total views

 6,307 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 6,985 total views

 6,985 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top