MARTES, PEBRERO 27, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,412 total reads

Martes sa Ika-2 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Isaias 1, 10. 16-20
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Mateo 23, 1-12

Tuesday of the Second Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 1, 10. 16-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Mga pinuno ng Sodoma,
pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon;
mga namamayan sa Gomorra,
pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos.
Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin;
talikdan na ninyo ang masasamang gawain.
Tumigil na kayo ng paggawa ng masama.
Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti;
pairalin ang katarungan;
itigil ang pang-aapi;
tulungan ang mga ulila;
ipagtanggol ang mga balo.
“Halikayo at magliwanagan tayo,
gaano man karami ang inyong kasalanan,
handa akong ipatawad ang lahat ng iyan,
kahit na kayo’y maruming-marumi sa kasalanan,
kayo’y magiging busilak sa kaputian.
Kung kayo’y susunod at tatalima,
pasasaganain ko ang ani ng inyong lupain.
ngunit kung magpapatuloy kayo sa inyong pagsuway
ay tiyak na kayo’y mamamatay.”
Ito ang sabi ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 18, 31

Sinabi ng Poong mahal:
“Kasamaan ay layuan,
kasalana’y pagsisihan;
kayo ay magbagong-buhay,
magbalik-loob na tunay.”

MABUTING BALITA
Mateo 23, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Martes

Sundin natin ang mga pangaral ng ating Panginoon na siyang nagturo sa atin na tuparin ang kanyang gawain nang may kababaang-loob at walang pagmamagaling.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, akayin Mo kami sa daan ng Iyong Espiritu.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging lubos ang pag-aalay ng sarili sa kanilang dakilang bokasyon na ipangaral ang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y makita ang kanilang mga itinuturo sa pamamagitan ng pagpapatotoo at mabubuting halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging sikaping gawin ang matuwid upang maging isang buhay na kapangyarihang nagkakabisa sa ating mga pagkilos ang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang kalingain nang may pag-ibig at habag ang mga maysakit, mga matatanda, at mga nangungulila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang lumago kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming makapaglingkod sa iyo nang may pusong bukas at tapat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

THEIR LOSS IS OUR GAIN

 2,185 total reads

Gospel Reading for August 31, 2026 – Luke 4: 16-30

THEIR LOSS IS OUR GAIN

Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled the scroll and found the passage where it was written:

The Spirit of the Lord is upon me,
because he has anointed me
to bring glad tidings to the poor.
He has sent me to proclaim liberty to captives
and recovery of sight to the blind,
to let the oppressed go free,
and to proclaim a year acceptable to the Lord.

Rolling up the scroll, he handed it back to the attendant and sat down, and the eyes of all in the synagogue looked intently at him. He said to them, “Today this Scripture passage is fulfilled in your hearing.” And all spoke highly of him and were amazed at the gracious words that came from his mouth.

They also asked, “Is this not the son of Joseph?” He said to them, “Surely you will quote me this proverb, ‘Physician, cure yourself,’ and say, ‘Do here in your native place the things that we heard were done in Capernaum.’” And he said, “Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place. Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent, but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.” When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury. They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

————

Jesus’ homecoming to Nazareth, the town where he grew up, should have been a hero’s welcome—much like the celebration recently given to Alex Eala upon her return to the Philippines. By this time, news of Jesus had already spread throughout Galilee. The people had heard about his mighty works and extraordinary miracles in Capernaum. One would have expected his own town to be the first to rejoice and be proud of their “kababayan.”

Sadly, the opposite happened.

Instead of celebrating him, they questioned his credentials and looked down on his humble family background. “Is this not the son of Joseph?” they asked. Rather than seeing God at work in him, they allowed familiarity and prejudice to blind them to the truth.

What should have been a blessing became a tragedy. The very people who had the privilege of knowing Jesus from his childhood rejected him. As the Word of God is like a double-edged sword, it revealed the hardness of their hearts. In their anger, they drove Jesus out of town and even tried to hurl him headlong off a cliff.

Here we see the wisdom of God’s plan. God chose his Son to be born into a poor and ordinary family, not into the household of the elders, chief priests, scribes, or Pharisees. Because Jesus lived among ordinary people, he could speak to them in a language they understood, reveal the true meaning of God’s Word, correct distorted interpretations of the Law, and reach out with compassion to the poor, the sick, the sinners, and all those in need.

Their rejection did not stop God’s saving plan. In fact, THEIR LOSS BECAME OUR GAIN. Because Nazareth rejected Jesus, the Good News continued its journey beyond one town, beyond Israel, and eventually reached the ends of the earth—including us.

Lord Jesus, their loss is truly our gain. We praise and thank you for entrusting your disciples with the mission of bringing the Gospel to the ends of the earth, so that we, too, may come to know, love, and follow you. Amen.

Only Jesus, always Jesus

 1,601 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August 2026
1 Corinthians 2:1-5     <*((((><  +  ><))))*>    Luke 4:16-30
Photo by author, St. Paul Spiritual & Renewal Center, Bgy. Tanyawak, Alfonso, Cavite, 19 August 2026.
Teach me Lord
to "know nothing except
Jesus Christ crucified" like St. Paul,
not just "looked intently at you"
like your folks in Nazareth 
when you preached in your synagogue;
it is not enough to just look
intently at you,
imitating you and your manners
and style but not your life,
your self-sacrifice on the Cross;
what a shame in this age of social media
we speak and preach about you
merely to chase clout for ourselves
using sublimity of words
or persuasive words of wisdom
used by demagogues and
influencers for followers
and shameful profits.
Help us realize,
Jesus, that our faith
rests on the power of God
best shown in your Crucifixion,
not in our personality
nor eloquence in speech
nor being savvy with new
technologies that blind us from
the realities of life
like love and sacrifice,
kindness and patience,
justice and truth.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Bayan, hindi bayad

 19,030 total reads

Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani. 

Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay sina Dimasalang, Agapito Bagumbayan, Dimas-ilaw, at Siling Labuyo. 

Teka, sinu-sino ang mga binanggit kong pangalan? 

Ang mga ito ay ang ginamit na alyas ng ating mga bayani noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Si Dimasalang ay si Dr Jose Rizal. Si Agapito Bagumbayan ay si Andres Bonifacio. Si Dimas-ilaw ay si Emilio Jacinto, habang si Siling Labuyo ay si Marcelo del Pilar.

Sa ika-19 na araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ginamit ni Senator-judge Robin Padilla ang ilan sa mga alyas ng mga bayani para sabihing wala namang mali sa pagtatago sa likod ng gawa-gawang pangalan. Kaya bakit daw kinukuwestyon ang paggamit ng alyas ng mga tumanggap ng kabayaran mula sa Office of the Vice President? Bakit daw ginagawa pang katatawanan ang mga pangalang makikita sa mga acknowledgment receipts na isinumite ng OVP bilang patunay na may kinapuntahan ang confidential funds? Mukhang hindi na importante kay Senador Padilla na malaman pa kung totoong tao ba sina Mary Grace Piattos, Antonio Pagong, Shane Ngitngit, at Andy Lim?

Napakalinaw na magkaiba ang layunin ng ating mga bayani sa paggamit ng alyas at ng mga tumanggap umano ng confidential funds ng OVP. Noong nasa ilalim tayo ng pananakop ng España, ang mga bayani natin ay kinailangang gumamit ng alyas dahil lubhang mapanganib ang lantarang paglaban sa pamamahala ng mga dayuhan. Wala pang social media noon kaya mga alyas lamang ang magagamit nila para malayang makapagpahayag ng mga ideyang rebolusyonaryo nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sarili at pamilya. 

Sa kaso naman ng paggamit ng confidential funds, ang pagtatago sa mga alyas ay iniuugnay sa pag-uulat kung paano ginamit ang milyun-milyon pisong pera ng bayan. Hindi naman kailangang isapubliko kung sinu-sino talaga ang mga nakatanggap ng kabayaran mula sa OVP para sa sensitibong impormasyon, pero dapat pa ring may record na nakatago sa ligtas na lalagyan na susuriin naman ng Commission on Audit. 

Kung para sa pampublikong kaligtasan ang impormasyong kapalit ng pera, dapat iulat din ng OVP kung ano ang kinahinatnan ng paggamit ng confidential funds. Nakamit ba ang layunin? Nangyari ba ang pagbabagong inaasahan sa tulong ng ibinigay na imnpormasyon? Hindi naman siguro mahirap ipaliwanag ang pinaggamitan ng confidential funds kung nagamit ito sa tamang paraan. Abangan natin kung paano ipaliliwanag ng kampo ni VP Sara ang bagay na ito kapag pagkakataon na ng depensa na magharap ng ebidensya para pasinungalingan ang paratang na misuse of public funds na may kaugnayan sa impeachment article na graft and corruption at betrayal of public trust.

Ang pondo ng bayan ay ipinagkakatiwala sa mga lingkod-bayan para sa kabutihang panlahat (o common good). Kung may kinakailangang gawing kumpidensiyal—gaya ng pagkakakilanlan ng mga binayaran kapalit ng sensitibong impormasyon—hindi nito maaaring burahin ang pananagutan, katotohanan, at wastong pag-uulat sa paggamit ng pera ng mamamayan. Sa Roma 3:8, sinabi ni San Pablo na labag sa kalooban ng Diyos ang pangatwiranan ang paggawa ng mali o masama kung mabuti naman ang magiging bunga nito. Mas malaking problema kung wala namang maipakitang naging bunga ang pagtatago sa likod ng mga kakaibang alyas. 

Mga Kapanalig, ang ating mga bayani ay hindi gumamit ng mga alyas para makatanggap ng confidential funds. Buhay pa nga nila ang naging kapalit ng kanilang kagustuhang palayain ang ating bayan mula sa mapang-aping pamumuno ng mga dayuhan. Bayan, hindi bayad. Nakaiinsultong ihambing ang ating mga bayani sa mga taong nagiging instrumento ng katiwalian at umiiwas sa pananagutan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 19,032 total reads

 19,032 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 56,734 total reads

 56,734 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 74,945 total reads

 74,945 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 159,273 total reads

 159,273 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 195,734 total reads

 195,734 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Setyembre 2, 2026

 1,346 total reads

 1,346 total reads Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang

Read More »

Martes, Setyembre 1, 2026

 2,773 total reads

 2,773 total reads Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa

Read More »

Lunes, Agosto 31, 2026

 4,244 total reads

 4,244 total reads Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang

Read More »

Linggo, Agosto 30, 2026

 5,172 total reads

 5,172 total reads Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 7-9 Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang. Roma 12, 1-2

Read More »

Sabado, Agosto 29, 2026

 5,836 total reads

 5,835 total reads Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top