Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, AGOSTO 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,530 total views

Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Papa San Sixto II, at mga Kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Cayetano, pari

Jeremias 31, 1-7
Jeremias 31. 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mateo 15, 21-28

Wednesday of the Eighteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Sixtus, Pope and Companions, Martyrs (Red)
or Optional Memorial of St. Cajetan, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 31, 1-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Noong panahong iyon, sinasabi ng Panginoon: “Sa araw na iyon, ako’y magiging Diyos ng buong Israel; at magiging bayan ko sila.”

Sinasabi pa ng Panginoon: “Ang mga nakaligtas sa patayan ay kinaawaan ko naman sa ilang. Nang ang Israel ay naghahanap ng kapahingahan, napakita ako sa kanila mula sa malayo; sa simula pa’y inibig ko na sila at patuloy kong ipinagmamalasakit. Muli kitang itatayo, marilag ng Israel. Hahawakan mo uli ang iyong mga pandereta, at masaya kang makikisayaw. Muli kang magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria; magtatanim ang mga manananim, at magpapasasa sa ibubunga niyon. Pagkat darating ang araw na hihiyaw ang mga bantay mula sa kaburulan ng Efraim, ‘Halikayo, umakyat tayo sa Sion, sa Panginoon na ating Diyos.’”

Ang sabi ng Panginoon:
“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag na iniligtas ng Panginoon ang kanyang bayan, ang mga nalabi sa Israel.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jeremias 31. 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ng Poon,
at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:
“Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel,
ngunit sila’y muli kong titipunin at aalagaan,
gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.”

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Sapagkat tinubos ng Poon si Jacob,
at pinalaya sa kapangyarihan ng
kaaway na lubhang makapangyarihan at malakas.
Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa patungo sa Bundok ng Sion,
tigib ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ng Poon.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga
makikigalak pati mga binata’t matatanda;
ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,
papalitan ko ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 15, 21-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.” Ngunit gaputok ma’y di tumugon si Hesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin.” Sumagot si Hesus, “Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.” Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, “Tulungan po ninyo ako, Panginoon.” Sumagot si Hesus, “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “Ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.” Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di’y gumaling ang kanyang anak.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Binuwag ni Jesu-Kristo ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at mga Hentil. Bilang isang bayan ng bago at walang hanggang Tipan, manalangin tayo sa Diyos na nagbubuklod sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Diyos, maawa ka sa amin.

Ang Simbahan sa lahat ng dako nawa’y maging daan ng habag, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad ng mga sumasampalataya nawa’y huwag tayong paghiwa-hiwalayin ng mga walang halagang hadlang na galit at alitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga ina na naliligalig at lubos na nag-aalala para sa kalusugan ng kanilang mga anak nawa’y huwag sumuko sa pagtawag ay Jesus para sa kalinga at pag-alalay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong nagdurusa nawa’y lagi nating maipadama ang kalinga anuman ang kanilang katayuan sa buhay, lahi o relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na sa buhay na ito nawa’y magbunyi magpakailanman sa makalangit na tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, aming tanggulan at lakas, ninanais mong mabuo kaming lahat bilang iyong bayan. Maging bukas nawa lagi ang aming kalooban sa pangangailangan ng aming kapwa at huwag nawa naming ihiwalay ang sinuman sa aming pagsasamahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 16,405 total views

 16,405 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,465 total views

 30,465 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,036 total views

 49,036 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 73,842 total views

 73,842 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 29, 2025

 340 total views

 340 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Lunes, Hulyo 28, 2025

 1,188 total views

 1,188 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 32, 15-24. 30-34 Salmo 105, 19-20. 21-22. 23 Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y

Read More »

Linggo, Hulyo 27, 2025

 1,992 total views

 1,992 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Genesis 18, 20-32 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6-7ab. 7k-8 Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap.

Read More »

Sabado, Hulyo 26, 2025

 2,488 total views

 2,488 total views Paggunita kina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal ng Birheng Maria Exodo 24, 3-8 Salmo 49, 1-2. 5-6. 14-15 Sa

Read More »

Biyernes, Hulyo 25, 2025

 2,722 total views

 2,722 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »
12345

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES