MIYERKULES, DISYEMBRE 21, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,294 total views

Ika-21 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Awit 2, 8-14
o kaya Sofonias 3, 14-18a
Salmo 32, 2-3. 11-12. 20-21

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Lucas 1, 39-45

21st of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Awit 2, 8-14

Pagbasa mula sa aklat ng Awit ni Solomon

Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
mga gulod, tinatahak upang ako’y makaniig.
Itong aking mangingibig ay katulad niyong usa,
mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
sumisilip sa bintana para ako ay makita.
Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang tinuran:
“Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
at ang tag-ulan ay natapos na rin.
Bulaklak sa kaparangan tingna’t namumukadkad na,
ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
sa bukid, ang mga ibo’y humuhuni, kumakanta.
Yaong mga bungang igos ay hinog nang para-para,
at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
Ika’y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
at nang aking ding marinig ang tinig mong ginintuan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Sofonias 3, 14-18a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias

Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion;
sumigaw ka, Israel!
Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem!
Ang mga nagpaparusa sa iyo ay inalis na ng Panginoon,
at itinapon niya ang inyong mga kaaway.
Nasa kalagitnaan mo ang Hari ng Israel, ang Panginoon;
wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem:
“Huwag kang matakot, Sion;
huwag manghina ang iyong loob.
Nasa piling mo ang Panginoong iyong Diyos,
parang bayaning nagtagumpay;
makikigalak siya sa iyong katuwaan,
babaguhin ka ng kanyang pag-ibig;
at siya’y masayang aawit sa laki ng kagalakan,
gaya ng nagdiriwang sa pista.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 2-3. 11-12. 20-21

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tutog ng alpang marilag!

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Emman’wel na hari namin
halina’t kami’y sagipin
at utos mo’y tutuparin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 39-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak niyang sinabi, “Bukod kang pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikaanim na Araw

Habang nagninilay sa misteryo ng tuwa ng Pagdalaw, magtuon tayo kina Mariang Kabanal-banalan at Elisabet, at kay Hesus na siyang sanhi ng kanilang kagalakan. Kaisa nila, manalangin tayo:

Panginoon, buksan Mo ang aming puso!

Para sa Simbahang panlahat: Nawa higit niyang pahalagahan ang ginagampanan ng kababaihan sa pamayanang Kristiyano at tuwinang ipagtanggol ang kanilang karangalan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng asawang babae: Nawa sila’y maging kasangkapan ng pagpapakabanal ng kani-kanilang asawa at tagapagtaguyod ng pagkakasundo’t kagalakan sa tahanan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng ina: Nawa palakihin nila ang kani-kanilang anak nang may takot at pagmamahal sa Diyos at maging inspirasyon sa kanila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng babaeng nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon: Nawa manatili silang tapat sa kanilang mga pangako at para sa mga sumasampalataya’y maging salamin ng kaningningan ng lubos na pagmamahal. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng batang babae: Nawa sila’y maging mapagmahal na anak, mapagpahalaga sa kanilang puri, at nakalaan sa kabutihan ng kapwa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, makapaghanda nawa kami para sa darating na Pasko, na tulad ng paghahanda ni Elisabet para sa pagsilang ni Juan, at ni Maria para sa pagsilang ni Hesus, na ating Panginoon at Tagapagligtas na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 103,726 total views

 103,726 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 103,726 total views

 103,726 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 103,726 total views

 103,726 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 100,628 total views

 100,627 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 91,823 total views

 91,822 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 6,132 total views

 6,132 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 6,132 total views

 6,132 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 6,132 total views

 6,132 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 3,032 total views

 3,032 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 3,032 total views

 3,032 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top