Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Marso 12, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,295 total views

Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jonas 3, 1-10
Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Lucas 11, 29-32

Wednesday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jonas 3, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas

Sinabi ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka sa Lungsod ng Ninive at ipahayag mo ang mga ipinasasabi ko sa iyo.” Nagpunta nga si Jonas sa Ninive. Malaki ang lungsod na ito. Aabutin ng tatlong araw kung lalakaring pabagtas. Siya’y pumasok sa lungsod.

Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Ninive pagkaraan ng apatnapung araw!” Naniwala ang mga tagaroon sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya, nag-ayuno sila at nagdamit ng sako bilang tanda ng lubos na pagsisisi at pagtalikod sa kanilang mga kasalanan.

Nang mabalitaan ito ng hari ng Ninive, bumaba siya sa kanyang trono, naghubad ng balabal, nagdamit din ng sako, at naupo sa abo. At ipinasabi niya sa mga taga-Ninive: “Ito’y utos ng hari at ng kanyang mga pinuno. Walang kakain isa man. Wala ring iinom, maging tao o hayop. Lahat ng tao at hayop ay magdamit ng sako. Taimtim na manalangin sa Diyos ang bawat isa. Pagsisihan ng lahat ang nagawa nilang kasalanan at talikdan ang masamang pamumuhay. Baka sa paraang ito’y mapawi ang galit ng Diyos, magbago siya ng kanyang pasiya at hindi na ituloy ang balak na paglipol sa atin.”

Nakita ng Diyos ang kanilang pagtalikod sa kasamaan kaya hindi na itinuloy ang paggunaw sa Ninive.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Hugasan mo sana ang aking karumhan
dalisayin mo ang aking kasalanan!

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Joel 2, 12-13

Magsisi tayong mataos,
halinang magbalik-loob
sa mapagpatawad na D’yos;
sa kanya tayo’y dumulog
at manumbalik na lubos.

MABUTING BALITA
Lucas 11, 29-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing tao ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Natuklasan ni Jonas na hindi maaaring takasan ang Panginoon. Tumawag tayo ngayon sa Diyos Ama upang hingin ang biyaya ng pagbabagumbuhay at matatag na pagtitiwala sa panawagan ni Kristo na magsisi sa kasalanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama naming lahat, turuan Mo kami ng tunay na pagsisisi.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging puspusan sa kanilang pangangaral ng mensahe ng Diyos tungkol sa pagsisisi sa kasalanan sa mga naghahanap sa Panginoon nang buong puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang panahong ito nawa’y maging pagkakataon ng pagbabago at pagbabalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ng mga mamamayan ng Ninive nawa’y itakwil natin ang masasamang gawi at lumapit sa Diyos nang may kababaang-loob at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makadama ng kapanatagan at pagmamahal mula sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama namin, ibinigay mo ang simbolo ni Jonas bilang pahiwatig sa pagdating ng iyong anak. Kung paanong simula sa kawalang hanggan ay niloob mo ang kanyang Muling Pagkabuhay, isama mo kami sa kanya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 1,685 total views

 1,685 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 19,652 total views

 19,652 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 49,188 total views

 49,188 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 69,901 total views

 69,901 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 78,124 total views

 78,124 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Watch Live

Related Post

Biyernes, Mayo 9, 2025

 198 total views

 198 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 794 total views

 794 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 363 total views

 363 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 1,151 total views

 1,151 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 1,606 total views

 1,606 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 1,558 total views

 1,558 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 2,399 total views

 2,399 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 2,617 total views

 2,617 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 287 total views

 287 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 3,868 total views

 3,868 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 4,249 total views

 4,249 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »

Lunes, Abril 28, 2025

 4,863 total views

 4,863 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 5,272 total views

 5,272 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 5,562 total views

 5,562 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 4,616 total views

 4,616 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »
Scroll to Top