Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Mayo 21, 2025

SHARE THE TRUTH

 557 total views

Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Kristofero Magallanes, pari at martir, at mga kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Eugenio de Mazenod, Obispo

Mga Gawa 15, 1-6
Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Juan 15, 1-8

Wednesday of the Fifth Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. Christopher Magallanes, Priest, and Companions, Martyrs (Red)

or Optional Memorial of St. Eugene de Mazenod, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 1-6

Pagbasa mula sa Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, may ilang taong dumating sa Antioquia, mula sa Judea, at itinuro sa mga kapatid ang ganito: “Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” Tinutulan ito nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo tungkol dito. Kaya’t napagkaisahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang ilan pang kapatid sa Antioquia, upang makipagkita sa mga apostol at sa matatanda tungkol sa suliraning ito.

Sinugo nga sila ng simbahan, at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila ang pagkahikayat sa mga Hentil. Ito’y labis na ikinagalak ng mga kapatid. Pagdating sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan, at isinalaysay nila ang lahat ng isinagawa ng Diyos, sa pamamagitan nila. Ngunit tumindig ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, at ang sabi nila, “Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises.”

Nagpulong ang mga apostol at ang matatanda upang pag-aralan ang suliraning ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

o kaya: Aleluya.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,
maganda ang ayos nang muling matayo.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ng Israel upang magsambahan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat ito’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

ALELUYA
Juan 15, 4a. 5b

Aleluya! Aleluya!
Sa Poon ay manatili
siya’y sa atin lalagi
mamungang maluwalhati.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayun din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo. Napararangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nang sagana at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Habang nagkakatipon tayo bilang isang bayang sumasamba sa Panginoon, ilapit natin sa Diyos na ating Ama ang ating mga pangangailangan nang may pagtitiwala.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang tagapagtanim ng ubas, gawin Mo kaming mabunga.

Ang pagkakaisang nagmumula kay Kristo, ang tunay na puno ng ubas, nawa’y makahikayat sa lahat ng Kristiyano sa kanyang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari, relihiyoso, at mga misyonero nawa’y maging tapat sa kanilang bokasyon sa Simbahan at manatiling kaisa ni Kristo sa kanilang gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdaranas ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay nawa’y manatiling tapat kay Kristo at sa kanyang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tingnan si Kristo bilang bukal ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Panginoon na namayapa nawa’y manatili kay Kristo magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, wala kaming magagawang anuman kung wala ka sa aming piling. Dinggin mo ang aming mga panalangin at panatilihin mo kami sa iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 11,294 total views

 11,294 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 46,468 total views

 46,468 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 53,909 total views

 53,909 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 55,179 total views

 55,179 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 67,095 total views

 67,095 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Huwebes, Mayo 22, 2025

 88 total views

 88 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, namamanata sa Diyos Mga Gawa 15, 7-21 Salmo

Read More »

Martes, Mayo 20, 2025

 1,010 total views

 1,010 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11.

Read More »

Lunes, Mayo 19, 2025

 1,588 total views

 1,588 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan

Read More »

Linggo, Mayo 18, 2025

 2,189 total views

 2,189 total views Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 14, 21b-27 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab Diyos ko at aking Hari, pupurihin

Read More »

Sabado, Mayo 17, 2025

 2,619 total views

 2,619 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas.

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top