Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, MAYO 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,197 total views

Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 20, 28-38
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b.-36k

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Juan 17, 11b-19

Wednesday of the Seventh Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 28-38

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang simabahan ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila. Kaya’t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi’t araw sa loob ng tatlong taon — at maraming luha ang pinuhunan ko.”

“At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’”

Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya’y hindi na nila makikita uli. At siya’y inihatid nila sa barko.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b-36k

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

o kaya: Aleluya.

Sana’y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,
ang lakas na ginamit mo noong kami’y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,
na pati ang mga hari doo’y naghahandog sa iyo.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,
awitan ang pagpupuri’t ang Poon ay papurihan!
Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;
mula roo’y maririnig ang malakas niyang sigaw!

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Ipahayag ng balana ang taglay na kalakasan,
siya’y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;
‘yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal,
siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay
ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 11b-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Habang naghahanda tayo para sa Pentekostes, nalalaman natin na kahit nabubuhay tayo sa mundo, hindi tayo nabibilang sa mundo. Tinatawagan tayo ng katotohanang ito upang manalangin para sa lahat ng tao kaisa ni Kristo na hindi nagnanais na may maligaw ng landas.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, italaga mo kami sa iyo.

Ang lahat ng Kristiyano nawa’y sumampalataya sa pag-ibig ng Diyos at makatagpo ng pagkakaisa sa nag-iisang Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maging saksi sa katotohanan ng kanilang pananampalataya lalo na sa paggamit ng kanilang kapangyarihan at sa pagtupad ng kanilang mga pananagutan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong tapat sa pananampalataya nawa’y magsikap na maging banal sa kanilang araw-araw na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nangungulila, mga may kapansanan, at maysakit nawa’y magtiwala sa Diyos na nagpapalakas sa kanila sa pamamagitan ng init ng kanyang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay nang walang hanggan kasama ng Diyos ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Butihing Ama, habang iniibig namin ang isa’t isa, nabubuhay ka sa amin at nagiging ganap ang iyong pag-ibig na nasa amin. Tanggapin mo ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,678 total views

 27,678 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,778 total views

 35,778 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,745 total views

 53,745 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,790 total views

 82,790 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,367 total views

 103,367 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Watch Live

Related Post

Martes, Mayo 13, 2025

 195 total views

 195 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang

Read More »

Lunes, Mayo 12, 2025

 689 total views

 689 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achilles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Linggo, Mayo 11, 2025

 1,136 total views

 1,136 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 13, 14. 43-52 Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan,

Read More »

Sabado, Mayo 10, 2025

 1,667 total views

 1,667 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 9,

Read More »

Biyernes, Mayo 9, 2025

 2,013 total views

 2,013 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 2,577 total views

 2,577 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 1,989 total views

 1,989 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 2,641 total views

 2,641 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 2,829 total views

 2,829 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 2,735 total views

 2,735 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 3,577 total views

 3,577 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 3,794 total views

 3,794 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 1,464 total views

 1,464 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 5,043 total views

 5,043 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 5,426 total views

 5,426 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »
Scroll to Top