Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 12,522 total views

Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filipos 2, 12-18
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Lucas 14, 25-33

Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Filipos 2, 12-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga minamahal, higit na kailangang maging masunurin kayo ngayon kaysa noong kasama ninyo ako. May takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban.

Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang kayo’y maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis at walang kapintasan sa gitna ng mga taong liko at masasama. Sa gayun, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng talang nagniningning sa kalangitan, samantalang inihahatid ninyo sa kanila ang balita ng kaligtasan. Pagdating ni Kristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal.

Ikinagagalak ko – at hinahatian ko kayo ng aking kagalakan – kung ang dugo ko man ay maging handog bilang kaganapan ng paglilingkod ng inyong pananampalataya sa Diyos. Kung magkagayon, dapat din kayong magalak at hatian ninyo ako ng inyong kagalakan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Isang bagay lamang ang aking mithiin,
isang bagay itong sa Poon hinihiling:
ang ako’y lumagi sa banal na templo
upang kagandahan niya’y mamasdan ko
at yaong patnubay niya ay matamo.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

ALELUYA
1 Pedro 4, 14

Aleluya! Aleluya!
Hirap kaisa ni Kristo
ay kapalarang totoo,
kaloob ng Espiritu.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 25-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sumama kay Hesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung, may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos – siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.’ O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Lumapit tayo sa Diyos Ama upang makasunod tayo kay Kristo nang hindi pabagu-bago at makatugon sa mga hamon ng pagiging alagad.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa Ngalan ni Jesus, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y patuloy na magpakita ng tunay na pagiging alagad, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwaksi ang pananalig sa mga materyal na kayamanan at matagpuan ang tunay na katatagan sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi tumalikod sa mga pagsubok, at sa halip harapin natin ang mga krus na dumarating sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pinapasang krus sa katawan, isip, o sa espiritwal na paghihirap nawa’y matutong lumakad sa mga yapak ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kapatid na nagpasan ng krus ni Kristo sa mundong ito nawa’y maging maligaya na sa walang hanggang kasiyahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, alam mo ang marami at iba’t ibang pangangailangan namin sa buhay na ito. Bigyan mo kami ng tapang upang pasanin ang aming krus at sumunod sa mga yapak ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 204,764 total views

 204,764 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 226,540 total views

 226,540 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 250,441 total views

 250,441 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 357,133 total views

 357,133 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 380,816 total views

 380,816 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 87,321 total views

 87,321 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 87,552 total views

 87,552 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 88,132 total views

 88,132 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 67,343 total views

 67,343 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 67,452 total views

 67,452 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top