Sabado, Agosto 8, 2026

SHARE THE TRUTH

 4,057 total views

Paggunita kay Santo Domingo, pari

Habacuc 1, 12 – 2, 4
Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13

Tanang sa ‘yo dumudulog
ay tunay na nalulugod.

Mateo 17, 14-20

Memorial of Saint Dominic, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Habacuc 1, 12 – 2, 4

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Habakuk

Hindi ba’t ikaw ay walang hanggan?
O Panginoon, Diyos na kabanal-banalan at walang kamatayan.
Itinalaga mo ang mga taga-Babilonia, upang kami’y parusahan.
O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami’y pahirapan.
Ikaw ay banal, ayaw mong tumingin sa kasamaan.
Hindi mo matatagalang tingnan ang kalikuan.
Bakit mo pinapayagan ang mga taksil?
Bakit mo pinababayaang apihin ang mga taong higit na matuwid kaysa kanila?
Ginagawa mo ang mga tao na parang mga isda sa dagat,
Gaya ng mga nilikhang gumagapang na walang namamahala sa kanila.
Iniaahon sila sa tubig sa pamamagitan ng bingwit,
hinuhuli ng lambat, at pinagsasama-sama;
pagkatapos, nagdiriwang sila at nagsasaya.
Kaya’t nag-aalay siya ng mga handog maging sa kanyang lambat at sinusuob niya ito ng mabangong kamanyang;
Sapagkat dahil dito’y nakapamumuhay siyang maginhawa,
at laging masagana ang kanyang pagkain.
Magpapatuloy ba siyang gumamit ng tabak
at walang awang papatay habang panahon?
Ako’y tatayo upang magbantay, at lalagay ako sa ibabaw ng kuta,
upang marinig ko kung ano ang kanyang sasabihin sa akin,
at kung ano ang isasagot niya sa aking daing.
At ito ang tugon ng Panginoon:
“Isulat mo ang pangitain;
isulat mong malinaw sa mga tapyas ng bato, upang madaling mabasa at ibalita sa lahat.
Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon upang maganap ang pangitain;
mabilis na dumarating ang wakas – hindi ito maliliban.
Ngunit tiyak na magaganap, kung ito ma’y nagtatagal.
Masdan mo, ang hambog ay mabibigo sa kanyang kapalaluan,
ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang katapatan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13

Tanang sa ‘yo dumudulog
ay tunay na nalulugod.

Dapat kilalaning Haring walang hanggan itong Panginoon,
kanyang itinatag yaong kaniyang trono, upang doon humatol.
Ang pamamahala niya sa daigdig, pawang naaayon
sa makatarungan niyang pagpapasiya, bilang isang hukom.

Tanang sa ‘yo dumudulog
ay tunay na nalulugod.

Ikaw, O Poon, ang tagapagtanggol ng api-apihan
sa gitna ng gulo at mga panganib ay kutang matibay;
lubos ang tiwala ng kumikilala sa iyong pangalan,
sapagkat wala pang dumulog sa iyo na ‘yong tinanggihan.

Tanang sa ‘yo dumudulog
ay tunay na nalulugod.

Suubin ng awit ng hari sa Sion – ang Diyos na Dakila,
ang ginawa niya’y ating ipagbunyi sa lahat ng bansa;
ang nahihirapa’y hindi nawawaglit sa kanyang gunita,
at ang nagpahirap sa kaawa-aawa’y kanyang sinusumpa.

Tanang sa ‘yo dumudulog
ay tunay na nalulugod.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 17, 14-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit ang isang lalaki, lumuhod sa harapan ni Hesus at ang sabi, “Ginoo, mahabag po kayo sa anak kong lalaki! Siya po’y himatayin at lubhang nahihirapan kung sinusumpong, sapagkat madalas siyang mabuwal sa apoy o kaya’y mahulog sa tubig. Dinala ko na siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila mapagaling.” Sumagot si Hesus, “Lahing walang pananampalataya at matigas ang ulo! Hanggang kailan dapat akong manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” Pinagwikaan ni Hesus ang demonyo at lumabas ito, at ang bata’y gumaling agad.

Pagkatapos ay lumapit ang mga alagad kay Hesus at nagtanong nang walang ibang nakaririnig, “Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?” Sumagot siya, “Dahil sa kaliitan ng inyong pananalig. Sinasabi ko sa inyo: kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat ito. Walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pananalangin, lumapit tayo sa Diyos Ama na nagbibigay sa atin ng kapangyarihan sa lahat ng sangnilikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang Ama, lumakad nawa kami sa gabay ng pananampalataya.

Ang Simbahan at ang kanyang sambayanan nawa’y mapatatag sa pananampalataya at gawing sandigan ang Panginoon sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga puso ng mga lider ng mga bansa nawa’y huwag maging bato at huwag maimpluwensiyahan ng kasamaan ng pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong naging manhid na sa pagkakasala nawa’y magbalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may dinadalang mabigat na pasanin sa buhay dahil sa kanilang karamdaman nawa’y maunawaan ang kahulugan ng kanilang mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y ligtas na maihatid sa tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, inilalagay namin sa iyong paanan ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

REAL LIFE

 6,091 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 6,969 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 50,694 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 50,695 total views

 50,695 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,518 total views

 122,518 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,800 total views

 153,800 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,816 total views

 185,816 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 335,394 total views

 335,394 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 1,412 total views

 1,412 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 2,784 total views

 2,784 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 4,862 total views

 4,862 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 6,443 total views

 6,443 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

Miyerkules, Agosto 5, 2026

 5,965 total views

 5,965 total views Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa Roma Jeremias

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top