Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, DISYEMBRE 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,098 total views

Sabado ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Daniel 7, 15-27
Daniel 3, 82. 83. 84. 85. 86. 87

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lucas 21, 34-36

Saturday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Daniel 7, 15-27

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Akong si Daniel ay nabagabag sa pangitaing yaon. Kaya’t nilapitan ko ang isang naroon at tinanong tungkol sa mga bagay na aking nasaksihan. At ipinaliwanag naman niya sa akin. Ang sabi niya, “Ang apat na hayop ay apat na haring lilitaw sa daigdig. Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman.”

Sabik na sabik akong malaman ang kahulugan ng ikaapat na halimaw dahil sa malaking kaibahan nito sa tatlo at sa nakatatakot nitong anyo: bakal ang mga ngipin at tanso ang mga panga. Dinudurog nito saka nilululon ang lahat ng abutan at tinatapakan ang matira. Nananabik din akong malaman ang ibig sabihin ng sampung sungay at ang kahulugan noong isang sungay na tumubo at ikinabunot ng tatlo. Ibig ko ring malaman ang kahulugan ng mata nito at ng bibig na pawang kapalaluan ang sinasabi, at kung bakit ang sungay na ito’y mas malaki kaysa iba.

Samantalang ako’y nakatingin, nakita kong dinigma nito at nilupig ng sungay ang mga lingkod ng Diyos. Pagkatapos, dumating ang nabubuhay magpakailanman at nagbibigay ng hatol sa panig ng mga lingkod ng Diyos. Dumating ang araw para ibigay sa bayan ng Diyos ang pamamahala sa kaharian. Ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang ikaapat na hayop ay ikaapat na kahariang babangon sa daigdig. Kaiba ito sa lahat ng kaharian pagkat masasakop nito ang sandaigdigan, yuyurakan at iiwang luray-luray. Ang sampung sungay ay kumakatawan sa sampung hari. Sa gitna nila’y mayroong isang sisilang. Iba ito sa karamihan at sa kanyang pagtayo, tatlong hari ang mabubuwal. Magsasalita siya laban sa Kataas-taasan at pahihirapan niya ang mga hirang ng Diyos. Kung maaari’y babaguhin ang kautusan at mga gawaing panrelihiyon. Ang mga hirang ay ipaiilalim sa kanyang kapangyarihan sa loob ng tatlong taon at kalahati. Ngunit siya’y hahatulan. Kukunin sa kanya ang kaharian at dudurugin siya nang lubusan. Ang kaharian, pati ang karangalan ay ibibigay sa mga hirang na Kataas-taasan. Sila ang maghahari magpakailanman, at maglilingkod sa kanila ang lahat ng kaharian.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 82. 83. 84. 85. 86. 87

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lahat ng tao sa daigdig, purihin ninyo ang Panginoon;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, bansang Israel;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga saserdote ng Diyos;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga lingkod ng Panginoon;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga tapat;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga banal at mababang-loob;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 34-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon nang di inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Ama para tulungan tayong maghanda sa pagdating ng ating Panginoon sa ating daigdig at sa ating buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pangalagaan mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y huwag magkulang na paalalahanan ang mga sumasampalataya ukol sa pangangailangan sa pagiging aktibong pagbabantay at bilang paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon na may pananalangin at paggawa ng kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan nawa’y hindi natin makaligtaang malaman ang pagdating ni Kristo sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magpakita ng habag sa mga dumaranas ng pagdurusa sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y madama ang mapagpagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y matagpuan si Kristo sa kanilang makalangit na paglalakbay, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, bigyan mo kami ng bagong pangarap habang aming hinihintay nang may masayang pag-asa ang pagdating ng iyong Anak na si Jesu-Kristo. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,221 total views

 13,221 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,889 total views

 21,889 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,069 total views

 30,069 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,102 total views

 26,102 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,153 total views

 38,153 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Watch Live

Related Post

Martes, Mayo 13, 2025

 311 total views

 311 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang

Read More »

Lunes, Mayo 12, 2025

 805 total views

 805 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achilles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Linggo, Mayo 11, 2025

 1,252 total views

 1,252 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 13, 14. 43-52 Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan,

Read More »

Sabado, Mayo 10, 2025

 1,783 total views

 1,783 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 9,

Read More »

Biyernes, Mayo 9, 2025

 2,129 total views

 2,129 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 2,657 total views

 2,657 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 2,069 total views

 2,069 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 2,721 total views

 2,721 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 2,909 total views

 2,909 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 2,815 total views

 2,815 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 3,657 total views

 3,657 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 3,874 total views

 3,874 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 1,544 total views

 1,544 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 5,123 total views

 5,123 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 5,506 total views

 5,506 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »
Scroll to Top